Magbilang tayo!

counting

Ang pagbibilang ay parte ng ating buhay mula pagkapanganak hanggang sa pagsasa-alikabok. May mga bagay na napapadali sa tulong nito. Sa iba nama’y nosebleednosebleed ang dating.

Bata pa lang, tinuturuan na tayo ng ating mga magulang Mother's lessonkung paano magbilang. Hetong pipiliting hilahin ang ating hinliliit dahil ito daw ay “isa”, kasunod pa ng ilang katabing daliri na sumisimbolo ng bilang tatlo hanggang sampu.

Sa ating paglaki, kapag bihasa ka na sa pagbibilang…bibigyan ka naman ng panibagong problemang tulad ng math02 pagdagdag, pagbawas/pag-alis, multiplikasyon, paghahati at kung anu-anu pa para sa ilang kumplikadong sitwasyon. Bigla ko tuloy naalala yung klasmeyt ko nung hayskul, nasa kalagitnaan kami ng paksa tungkol sa square root. Iritang-irita siyang nagtaas ng kamay para magtanong sa titser namin,

 

“Eh Miss, bakit po ba natin pinag-aaralan ang square root na yan. Ang mga magbabalot ba kelangan pa mag-square root bago maibenta ang tindang balot at penoy nila?”

 

Watta pilosopo nga naman ang kaklase kong yon. Pero in fairness, may point siya dun. Mula nung nagsimula akong magtrabaho, sa gitna ng mga memo at payroll na nagawa ko…indi ko pa na-encounter ulit ang square root na ito. Nuff said.

Balik tayo sa pagbibilang. 35083177

Nung bata tayo, isang achievement countingg na ang mabilang ng malakas ang 1 to 100 ng walang palya. Siguradong tumataginting na dalawampiso ang premyo sa achievement mo na ito. Bidang-bida ka pa sa lahat ng kapitbahay at kamag-anakan n’yo.

Maraming epekto ang pagiging bihasa sa pagbibilang habang tayo ay tumatanda.

May iba sa atin na nalilinya sa mga kursong graduate9 Accounting, Engineering, IT at anything which involves numbers, equations na siyang ang mga gifted lang siyang makaka-appreciate. (Sensya na, hate ko talaga kasi ang math hehe.)

May iba rin na nalilinya sa retailing store (sari-sari store) at food carinderia (karinderya) business…may math pa rin sa mga ito diba?

 

Sa buhay, marami tayong nakikitang pwedeng bilangin. Ang iilan sa atin, minamaster na ang pagbibilang ng kung anu-anu tulad ng…

 

 

Atraso irate

  • Mga atrasong personal, pera, karir, pag-ibig. Sa mga madalas bagyuhin nito, karamihan sa kanila ay mga tambay ng city jail o ng mga maliliit na presinto dahil indi na nila kinaya pa ang dumarami pang atraso ng buhay  kaya nag-decide na silang putulin ito.
  • Para sa mga abusado sa atraso, sinasadya man o inde…talaga namang nakakainis ang mga ito. Minsan talaga may ipinanganak lang na manhid kaya indi alintana ang mga sensitibong sitwasyon. Maging maingat sana tayo sa mga salita at kilos na gagawin dahil indi sa lahat ng oras tama ang mga ito para sa lahat.

 

 

Tulong includ3

  • Para sa mga sadyang charitable lang. Ito yung mala-glorified ang dating sa pamamagitan ng mga tulong na ginagawa na kahit indi ka magsabi sa mga ito, kusa siyang lalapit na parang hinulog hulog ng langit. Indi natin alam ang sinseridad ng tulong na ito hangga’t indi naaalanganin ang sitwasyon ninyo. Konting ingat lang po sa mga tulad nila, meron kasing mga pakitang gilas lamang. Baka magulat ka na lang isang araw sa haba ng listahan na ifa-flash niya sa’yo sa takdang panahon na mapag-tripan niyang gawin. Dapat naka-ready na ang account nyo para mabayaran ang mga ito hanggang sa huling sentimo. At wag kalimutang magpasalamat! 😉
  • Para naman sa mga madalas naaambunan ng tulong, ipagpasalamat natin ang mga biyayang nakukuha. Kung kabutihan ang ibinibigay ng kapwa, kabutihan din ang ibabalik natin dahil wala itong katumbas na halaga. Ang utang na loob ay walang equivalent na pera na pwedeng bayaran para quits na. (malamang neto, ang dami kong bayarin pag nagkataon.)

 

 

Gawaing bahay chores

  • Para sa masisipag at nagsisipag-sipagan. Ito yung mga nangunguna at nagkukusang umasikaso ng mga aayusin, lilinisin, lulutuin, kukumpunihin at kung anu-anu pa para sa pangangailangan ng lahat na indi mo malaman kung talaga nga bang bukal sa loob na gawin dahil kasabay ng pagkilos niya ang indi matigil na paggirgir tungkol sa mga gawaing bahay.
  • Para naman sa mga indi mashadong nagkikilos dahil sa busy, pagod, wala sa mood, me sakit o kung anu pang dahilan na meron jan…pasalamat tayo sa mga masisipag pero wag naman yung dahil siya lagi ang gumagawa, eh indi na rin tayo magkukusa paminsan-minsan. Dapat nating malaman na may hangganan ang lahat. Igalaw-galaw ang katawan at baka ma-stroke sa kauupo at kahihiga.

 

 

Kaibigan friendly1

  • Para sa mga pwede nang tumakbong presidente sa dami ng kaibigan/kakilala. Ito yung mga born friendly. Madaling makagaanan ng loob. Kahit saang lugar halos ay may kakilala ito. (Medyo ingat lang po tayo sa mga user friendly na nakakalat somewhere out there.)
  • Yung iba naman na namimihikan sa pakikipagkaibigan. Bad effect: Konting Friendster Friend’s list. Shempre, konting comments lang din. Wala mashadong forwarded emails. (Parang walang sense hehe) It’s their choice. May mga taong kuntento na sa iilang mahahalagang taong nakapaligid sa kanila. Indi ito kabawasan sa pagkatao nila.

 

 

Ari-arian wealth1

  • Kung pamilyar kayo sa mga palabas na may dialogue na, “Kung saan ang abot ng iyong mata, yan ang lahat ng pag-aari ko.” Naks. Sadyang may mga nilalang na uber sa pagkaproud sa dami ng kanilang kayamanan, kalupaan at kung anu-anu pang pwedeng sukatin ng hangin at bagyo. Wag na tayong malumbay, may mga ipinanganak lang talaga na buenas. Nasa sukat na lang ng ating pasensya at pang-unawa para sa kanila na nang-aagaw lang ng konting atensyon.
  • May mga iba na dating merong maraming pag-aari na ngayo’y naninirahan na lang sa Alabang gillage. Na pag nire-reminisce nila nung panahong de-kotse pa sila at naninirahan sa malaking bahay, eh ramdam mo talaga yung sadness habang iniisa-isang bilangin ang mga koleksyon at kung anu-anu pang kagamitan na meron sila noon na nababalot na ng bitterness.

 

 

 

Branded anything 1-intro

  • Marami akong kakilalang ganto, Go for the BRANDS talaga ang tagline everytime na namimili. Kung sa pagkain lang yan eh ok ang branded kasi trusted na…pero pagdating sa damit, sapatos, accessories na branded, hmmm…not practical. Especially kung ang goal mo sa pagbili nito eh indi yung quality kundi yung maipa…gyabang lang. Gagastos ka ng ilang libo sa ilang gamit na indi naman talagang kailangan. Isa itong kawaldasan. Buti pa si Lumen, wais talaga.
  • May iba naman na kahit indi keri ang bumili ng mamahaling branded items, hahamakin ang lahat i.e. credit card, loans, 5-6, paluwagan at kung saan-saang pawnshop jan kesehodang mabaon 6 feet under sa dami ng utang…makabili lang. tsk-tsk-tsk…why oh why?? Indi ako psych, me psychological explanation sa mga ito – – – leave it to the experts.

 

 

Ka-IBIGAN o JOWA choice

  • Siguro ang motto nila sa buhay: “So many girls/boys, so little time.” Walang takot sa paglabas-masok sa isang relasyon na para bang nagpapalit lang ng damit. Baka naman sadyang malakas lang ang sex appeal nila diba? O pwede rin na sa kagustuhang mahanap ang right person para sa kanila kaya iniisa-isa na nila ang mga posibleng may hawak ng susi ng kanilang puso (naks! may ganun?!). Mag-ingat lang po sana tayo sa pambe-break ng heart, sa totoong buhay kasi nakakasakit ito at totoo po ang karma na tinatawag nila. 😉
  • Meron din namang di na mabilang kung ilang beses nang iniiwan, ipinagpalit at nisaktan ang mga abang puso nila. Sadya talagang merong not-so-lucky in love. Kapag ganitong ilang beses na at wala pa ring sagot sa tanong mong “WHY???!” Siguro simulan mo nang i-re assess o i-overhaul ang iyong self, baka naman kasi may dapat ayusin, tanggalin, pag-ibayuhin o lalo pang pagandahin. Ang mga tanong na ganyan ay indi makikita sa libro, sa kaibigan, internet (?!) o kung sinu pang mga experts dyan. Nasa ating sarili ang kasagutan. Dig deep, my friend. You will find the right answers.

 

SAGOT sa Problema questions-questions

Lagi tayong naghahanap ng sagot at solusyon sa mga problemang dumadating sa ating buhay. Sa mga materyal na bagay, pag sinuswerte pwedeng maresolba ng parehong araw kapag nakaisip ng paraan at pag tulong na nakuha. Kung may mahabang pasensya, hihingi ng tulong sa Itaas. Pag gustung ura-urada, gagawa ng indi maganda. Kapag naman sagot sa problemang gumugulo sa isip…Ito ang dahilan ng ilang gabing puyat. Lasing. Walang gana. Palaiyak. Hagardness. Bitterness. Ang sagot sa problemang isip ay kinakailangan ng panahon. Kapag handa na ang sarili na tanggapin ang mga nangyari, unti-unting magkakaron ng liwanag ang lahat. Nasa atin pa rin ang sagot at wala sa ibang tao.

 

 

life-test-quote

Napakaraming bagay pa ang pwede nating bilangin in our lifetime. Sa pagbibilang na ito, maraming bagay din tayong matututunan. Pwedeng maging better or worse depende kung paano ito gagawin. Indi naman kailangang maging eksperto sa ganito. Basta alam mong nasa tamang direksyon ka, tuloy-tuloy lang.

 

Life is not measured by the number of  breaths we take but by moments that take our breath away.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Komershal muna

Mahilig ba makinig ng balita ang mga nanay at tatay nyo nung maliit pa kayo?    old_radio

Kung gayon, malamang pamilyar kayo sa mga komershal na ito na paulit-ulit na pinatutugtugtog kada palit ng kanta at balita. Nung bata pa kasi ako, ayaw na ayaw akong pinalalabas ni mama. yaayyLalo na pagkagaling niya sa pagkakarinderia. Pag pumasok na kasi yan sa kuwarto, bitbit na niya ko kahit na ayoko pa matulog. Dun pa niya ko isisiksik sa parte ng higaan na walang lusot. Yung talagang indi ka makakatakas dahil pag naramdaman lang niya na gumalaw ka, hahawak yan agad para malaman kung nandun pa ko kaya siguro namemorize ko na lahat ng kantang oldies but goodies, boses ng paborito niyang announcer at ang mga unforgettable komershals.  mic

Eto ang isa

Ano ang sikreto ni Mandong masahista’t manghihilot?

sa sakit ng ulo (puung)
toothache(wuung)
cold (pyiieeng)
fever at muscle pain (pwwiiiiiwwng)
backache (pweeewwtt)
athritis o rayuma (pwoooonngg)
sprain (pweweeng)
insect bites at pasa (weeek!!!)

HINDE KO MAPAPAGALING ANG LAHAT NG ITO KUNG WALANG TULONG NG BISA NG GREEN CROSS LINIMENT MAINIT INIT AT GREASELESS PA

green cross liniment mainit init at greaseless pa…

another quality product of manolo spring incorporated

Malamang eto sinasabayan nyo pa ng kanta tuwing maririnig ito.

Seiko-seiko wallet. Ang wallet na maswerte. Balat nito ay ginuwine, international pa ang mga design. Ang wallet na maswerte. Seiko-seiko wallet.

Eh eto naman…

B-E-A-M means Smile,
Smile kami pag Beam
Beam na Beam ngipin ay protektado
Panalo sa presyo, Panalo pag Beam!

Nips:
you wanna see what happens to a bag of nips? what goes on before they touch my lips. they make a rainbow. choc’late nips. a choco rainbow. choc’late nips. and then they cover all the flowers and they take trees…. la la la..

Ito ang iilan sa mga lumang komershal na nahalungkat ko sa youtube. I’m shur marami sa inyo ang “magbabalik sa nakaraan” feeling pagkatapos panoorin ang mga ito. 🙂

Bear Brand:

Family Rubbing Alcohol:

Di lang pampamilya, pang-isports pa!

Dragon Katol:

eng leymok sigoraydong teypok!

ALice Dixon on Palmolive:

“I can feel it!”

Royal Tru orange:

Family Toothpaste:

mother, father, brother, sister
how do you brush your teeth

Close up (Closer you and I)

Coke:

“Bridesmaid ka lang!”

Penshoppe: Love in 4 acts (Ito yata ang unang commercial na ginawa ni Ryan Agoncillo. In fairness ah, ang cuteness niya talaga dito. 🙂  ).

Mc Donald’s Karen po:

PLDT’s Suportahan ta ka:

Eto yung iba pa, sayang kasi wala akong nakitang video eh. I did my best pero wala talaga. Anyway, alam ko naalala nyo pa rin ang mga ito.

Jollibee:

“Isang araw na lang, jollibee na naman
Ang araw lulubog, bukas mabubusog….
Sa chicken joy manok, at yumburger bilog..
I love you sabado, pati buong linggo.
I love you jollibee ito ang hanap ko..
sarap ng pilipino, at home sa jollibee!”

Polymagma:

“Mukhang Guilty!”

Magnolia Ice cream:

“Sinong bestfriend mo duoooon?!”

Sprite:

“i love you piolooooooooooooo !!!!”

Coatsaver:

“It’s a miracle!”
“No father, it’s coatsaver!”

Duty Free:

“tonyooooo!!”

Ovaltine:

“Masarap ba ‘yang chocolate drink mo?”
Kid1: “E kung walang ice?”
Kid2: “Masarap pa din!”
Kid1: “E kung walang gatas?”
Kid2: “Masarap pa rin!

Newtex commercial featuring Carmina Villaroel:

dalaga ka na hindi na bata, kayraming pagbabago, nakakapanibago…

Flinstones:

Why r u wearing mommy’s shoes?
Because…
Why r u wearing mommy’s dress?
Because…
Why r u wearing mommy’s make-up?
Because…
Why are my Flinstones different from ur Flinstones?

Kyowa:

kyowa kyowa, kyowa type kita. basta may kyowa, ginhawa ka!

😆 😆 😆

May mga nakakaaliw bang komershal ngayon sa Pinas? Wala na ko balita eh. Share nyo naman. 🙂

ab

Salamat po sa mga impormasyon. 🙂