Puso…..sit!

Kahit siguro magpaskil pa tayo sa lahat ng pader sa bahay natin ng pointers tungkol sa tamang paraan ng pakikipagrelasyon para gawing mabait at masunurin ang mga puso natin…neber itong masusunod.

Bakit? For sure alam mo na ang sagot sa tanong mo.

Parang simple diba? Sasabihan mo yung taong inlab na,

“Hinay-hinay lang ha, wag mashadong maging seryoso. Wag itotodo..”

Naks, parang kay daling gawin.

Madaling sabihin, mahirap gawin.

Shempre naman, pag inlab ka para kang nasa cloud nine. Lahat ng bagay sa paligid mo, maganda…kaaya-aya at walang sinuman ang pwedeng magsabi sa’yo kung anu ang tama at mali. Kasi walang mali, lahat tama. Love-love-love….is all that matters.

Kay sarap ng may nagmamahal diba? Kumpleto na ang katawang lupa mo kasi meron na siyang kapareha. Everything seems to be perfect kahit indi sa tingin ng iba. Sasagot ka pa ng “Bakit, sila ba yung nakipagrelasyon? Keber!” (Sumasagot pa talaga..) Minsan indi mo nga napupunang wala na sa lugar ang pagdedesisyon mo at parang wala nang nakikita at naririnig. Handicapped ba, parang ganun. Kasi masaya ka ee. Ok sa olrayt ang takbo ng buhay mo. Walang malabo, sila siguro pero ikaw malinaw – – 20-20 vision ee. Kahit muta, di kayang palabuin ang paningin mo.

Diba ganyan pag inlab? Alam mo yan diba? So, panu mo ngayon i-aapply sa kanya yung pointers kung panung parang lalagyan mo ng proteksyon ang puso niya? Tulad ng helmet, vest, gloves pati na seatbelt. Para lang in case na me mangyari, safe ito. Indi masasaktan o masusugatan.

Shempre, wala naman kasiguruhan ang buhay…kadalasan, sa di malamang dahilan nagkakaroon ng di pagkakaunawaan. Nawawala yung spark na tinatawag. May biglang nagrerequest na dalawa sana ang puso niya. Nagsasawa. Biglang-biglang nawala ang sarili kaya’t idadahilan na kailangan ng space para hanapin ito. Meron pa para indi mashado masaket, sasabihin sa’yo na siya ang me problema at indi ikaw. Marami pang dahilan. At ang mga dahilan na ito, mahirap pa ring maintindihan ng isang taong nasasaktan.

Kelan lang ba naaapply ang mga pointers na nakapaskil sa pader n’yo? Diba pag nasaktan na at magmamahal ulit? Dun ka biglang magiging cautious at parang ayaw na magmahal ulit. Nagkakaron ka na ng takot at madalas na indi na nagtitiwala ng basta-basta. Pwede mo ring sabihin na ok na siguro ako na single na lang for life kesa masaktan. Di ko na siguro kakayanin pag nasaktan pa ko ulit. Y’know, things like that. Mga dialogue talaga!

Pero pag naka-overcome na ang puso sa masakit na pangyayari…maghahanap na ulit ito ng love. Parang walang nangyari. Parang indi siya nagpaalipin sa lab noon, parang ganun. Diba???

Ganun talaga. Lahat ng umpisa, masakit at mahirap. Pero indi naman ibig sabihin nito na for life na yung masakit at mahirap. Kadalasan, blessing in disguise pa nga na nangyayari ang mga ito kasi may dumarating na mas pa kesa sa kanya. Wala nga lang kasiguraduhan kung gaano katagal, nasa sa’yo na yan on how you’ll make love stay. Indi na natin kailangang pasunurin ang puso na parang alagang pet (hehe) kasi ang totoo, tayo ang alagaing pet ng puso.

As much as possible, lalo na sa mga taong ilang beses nang nasaktan…nagtanda ka na siguro diba to make the same mistakes. Kahit na naglulumaban pa ang puso, pilitin pa rin nating isiping maigi kung anu ang tama at nararapat sa sitwasyon.

Dahil indi siya laging tama porket puso siya.

You ever put your arms out and spin really, really fast? Well, that’s what love is like. It makes your heart race. It turns the world upside down. But if you’re not careful, if you don’t keep your eyes on something still, you can lose your balance. You can’t see what’s happening to the people around you. You can’t see that you’re about to fall. (Gillian Owens, Practical Magic 1999)

Aling Baby

Advertisements

Mabuhok na usapan

I lab my hair. Una sa lahat dahil indi siya kulot o wavy o natural. Unat na mainipis, ang tanging namana ko sa aking tatay. (Sana man lang nabahagian ako ng konti pang height tapos nagkailong man lang ako kahit papa’no. Indi yung sinasabi nilang parang may ilong lang ako sa liit kase.) In fairness, ok na ko sa straight hair.

Nung bata ako, wento ni mama sa’kin…indi daw ako mahilig magsuklay kaya’t naha-hayblad siyang palagi pag sinasabihan akong magsuklay. (Sabi ko na eh, ako ang maysala ng pagkakahayblad niya at indi ang mga lintek na taba eh.) Tapos, nasa gitna daw ang hati ng buhok ko…parang si Nora Aunor nung kasikatan nito.  (Bakit, nasa uso naman diba?) At dahil halos lahat ng mga bata ay dumaan sa year of the kuto, ayunn..kinuto rin ang straight hair ko kaya nga nagpasya si mama na ipa-shete ito. Dati naman kase, wala ako pake kung mahaba o maiksi ang buhok ko. Basta kung saan masaya si mama, dun ako. Eh kasi siya naman ang nagsusuklay nito.

Nung grade 1 ako at naging long hair na. Napagtripan ni mama na lagyan ako ng bangs. Yan, bangs. Kaso mo sa sobrang busy niya, indi na rin niya namalayang, umabot na sa kalahati ng mata ko ang haba nito kung kaya’t galit na galit si Mrs. Escobar (titser ko nung grade 1) na sinabi sakin na siya ang gugupit ng bangs ko pag indi ko pa ito pinagupit. Dahil sa eksenang yun, pinahaba na lang ang bangs para maging one length daw. Ayan, parang si Pocahontas lang. Nasanay na lang ako sa Pocahontas-like hairstyle hanggang sa makatapos ako ng hayskul.

Mula nung maraming pumupuna na meron daw akong maganda buhok (buhok lang madalas na mapuna..), naging sobrang maalaga na ko dito.

Indi ako nagko-conditioner kasi natatakot akong malagas ito. At naniniwala akong indi ko kailangan nito dahil straight naman ang buhok ko.

Meron pakong gata ng niyog day pag weekend. Yung lulutuin ito hanggang sa maging oil siya (tapos yung napritong niyog, pinapapak hehe..). Pampakintab daw ito ng hair. Ibinababad ko ito ng buong maghapon saka babanlawan ng conditioner lang (indi na shampoo) para daw umepek. Ang siste, amoy gata ako buong araw hanggang kinabukasan (kasi indi agad natatanggal ang amoy nito kahit na ano’ng shampoo mo dito.) Amoy lola daw sabi ng barkada ko dati.

(Indi ako ang nasa pikcherr..)

Sinubukan ko rin ang Mayo day. Yung medium size na mayonnaise kahit ano’ng brand (haller, indi sandwich spread ah!) tapos yung parang conditioner ang dating na iispred mo sa buhok at scalp. Samahan mo na ng massage. Ibabad kung ilang oras mo gustu. (Umiwas sa mga nagmemeryenda..) Tapos banlawan ng conditioner. Kapareho ng gata, dalawang araw rin tumatagal ang amoy nito. This time amoy palaman ka naman.

Sabi pa nila, nakakakintab din ang pagsusuklay ng 100 beses bago matulog para daw lumabas ang natural oils na tinatawag. Ginagawa ko ito madalas.

Sinubukan ko rin yung mga hot oil creams tapos babalutan ko siya ng hot towel. Mabisang pampakintab din daw ito.

(Parang ganyan…)

Nung nausong hairstyle yung parang telephone wire, yung ate ko nagpa-home service pa. Pero si ako, ayaw ni mama. Sabi niya baka masira lang daw sa gamut yung buhok ko. 😦 Kumusta naman, si ate ok lang na masira ang buhok sa gamot tapos ako inde? So, in short…wala ako nagawa, buhok niya ‘to eh.

Nung nag dalana dalaga na ako, hinayaan na ni mama sakin ang pagsusuklay. Basta bago ako magpapagupit, kelangan tatanungin ko muna siya AT indi talaga pwede ang kulot. No way Hosey! Kaya ayun, kahit na gustung-gustung-gustung gustu ko pa. Inde talaga magawa.

(Sana magkabuhok kami…)

After ng movie nina Claudine Barretto at Piolo Pascual na “Milan”, dun nagsimula ang Hair Rebond. Panalo. Straight na straight ever. Matayog pa sa lahat ng matayog ang hair ni Ate Clau nung time na yon. Kaya’t nagkaron ng sagot sa problema ng mga may kulot at kinky na buhok. Ilang libo lang at makakamit na nila ang straight na buhok na pangarap nila. Ang daming nagpaparebond, syet! Ang gaganda ng hair nila. Dati kasi bigtime ka na pag nakapagparebond ka na. Shempre, ang mahal kase. Pero nung tumagal at sa dami ng mga parlor na gustung kumita, bumaba ng hustu ang rate ng rebond. Kelangan lang talaga makapunta ka sa parlor na magagaling ang gumagawa para indi ma-murder ang buhok mo.

Kaya nga kahit na straight na ang buhok ko, sinubukan ko pa rin kahit na sinasabi ng dating boss kong si Ma’am Joy…masisira daw ang buhok ko kasi natural na straight naman daw ito. Mas madali daw itong mapuputol. Shempre naman natakot ako kaya pinostpone ko muna pero eventually, ayun tinuloy ko pa rin.

In fairness, maganda ang resulta. Kung dati parang wala akong buhok dahil manipis lang naman talaga ito. Pagkatapos irebond, para na nga yatang lalong nawala. At mashadong maraming rekutitos. Dahil umpisa pa lang, indi mo na ito papaliguan ng 3 araw para maabsorb daw ang gamot. Kesho, indi daw pwedeng itali. Indi rin pwedeng isabit sa likod ng tenga kasi magkakawave daw. Indi pwedeng indi magko-conditioner echetera…echetera. Mas matrabaho pa tuloy kesa sa dati. In fairness pa rin, maganda siya. Maganda talaga. Sana daw naging buhok na lang ako. (At lis maganda pa rin diba?)

Ayun nga, isang taon na pala mula ng pinagupit ko ang buhok ko. Pag meron kase akong major decision na gagawin, buhok ko ang pinapain ko. To justify my decision, ipapagupit ko ito ng maiksi. Para na rin makapagsimula ulit ng bago. Nakakarami na kong major decision kaya’t ilang ulit nang humahaba ng shoulder length ito. Palaging ganun. Sana naman indi masayang ang pinangrebond ko at iba naman ang ipaputol kung sakaling meron major decision na gagawin…(ibang buhok na ang ipaputol this time!)

“Even a single hair casts its shadow.”

Ito ang crowning glory natin kaya alagaan natin maigi.

Tara! Pa-parlor na! 🙂

Aling Baby

Ikaw at ang maganda ko na sanang umaga..

Wala nang mas gaganda pa sa umaga ko kung sana indi IKAW ang una kong makikita lalo na’t makausap. Mas madali pa sigurong mawala ang sakit pag inumpog ko ng paulit-ulit ‘tong ulo ko kesa sa tagal na magli-linger sa isip ko kung anu ang pinagtalunan natin kanina. Ang p*steng pirma na ‘yan.

Kung kelang pinipilit kong pahabain ang pasensya ko sa mga taong katulad mo…saka naman parang nang-aasar lang na bigla kang eeksena sa maganda na sanang umaga ko.

Ilang umaga ko pa ba ang sasayangin ninyo?


Iilan lang kayo pero saganang sagana kayo sa mga walang kwentang bagay na naiisip para pagtalunan.

Pwede bang tantanan n’yo na ko? Kasi namimiss ko na rin ang buong araw na walang buwiset eh.

At kung papanay-panayin n’yo ako, malamang sa indi…ti-triple pa ang dami ng uban ko at mapipilitan akong ipermanente nang nakataas ang kanang kilay ko (indi ako marunong sa kaliwa – – pasensya..). Sinu ba naman ang maniniwalang masaya akong tunay kung nakatawa nga ako, nakataas pa rin ang kilay ko?

Anu – – parang Bella Flores?!?

Haayyyysss…

Hay naku, patapos na ang week…gimme a break!

Aling Baby

Careful-careful…

Sa pag-evolve ng mundo, napakaraming bagay na ang nababago. Mula sa teknolohiya, iba’t-ibang estilo sa pananamit, musika, ka-haytekan ng pag-iisip ng mga tao, global warming, pati mga kalamidad haytek na rin.

Magpapahuli ba dito ang mga kwentuhang haytek?

Indi ito yung “Wala ka sa lolo ko”-type of kwentuhan. Ito yung mga wentuhang kapag late kang dumating o di kaya eh, indi ka kasali o sinasali sa kung anuman ang pinag-uusapan eh kahit na makinig ka at mega ilapit mo pa ang tenga mo na parang binge ka lang…indi mo talaga ito mage-gets.

As in.

Tagalog naman at totoong salita naman ang ginagamit nila, pero kung pakikinggan mo…maraming importante infos ang indi mo mage-gets agad. Tulad ng…

  1. Kung sinu si topic
  2. Yung unang rason kung bakit pinag-uusapan si topic
  3. Yung mga description at ilang reaksyon na parang ngayon mo lang narinig na pinagsasama-sama sa isang usapan.

O, diba ang haytek? Pwedeng-pwede mo na gawin yan at hindi mo na kailangang mag-pretend na iba ang pinag-uusapan lalo na kung ayaw i-share sa iba o di kaya ay yung tipong titigil sa pagsasalita pag may ibang tao. Tuloi-tuloi lang ang usapan kesehoda kung sinu ang sumulpot bigla para makiusyoso sa usapan ng may usapan.

Dati-rati kasi halatang-halata na me pinachi-chismisan ang isang pareha o grupo na nag-uusap. Paano mo mahahalata? eto…

  1. may lookout, taga-bantay ng pinto o dadaanan ni topic para maitigil agad ang pag-i-spread ng cheese.
  2. nagbabanggit ng pangalan, kesehoda! Mahina nga lang ang pagbabanggit pero ganun pa rin, bulgar!
  3. Paanong indi mo mage-gets agad, kada me magtanong…inuulit mula sa puno’t dulo ng sitwasyon at pangyayari at ang mga pangalan ng involved, nagpe-pyestahan sa pagbanggit ang saya.
  4. At pag saktong dumaan o dumating si topic sa location…ayun, parang may anghel dela chismosa ang dumaan. Tapos mega magtitinginan pa na indi ‘mashadong halatang’ nabitin o nag-alala kung me narinig ba si topic ng kahit ano maging ang sariling pangalan nito bago ito nakalapit sa kanila.

20th century na kaya…

At sa panahon ngayon, usung-uso na ang mga code names. (Uu, alam ko luma na tong code names na ‘to..) Noon kasi, ang mga code names eh obvious na obvious. Parang pangalan mo mismo na dinagdagan lang ng maraming vowel, ganun ka-obvious. Eh ngayon, ang mga codes eh pwedeng base sa buhok, sports, kung sinu ung kamukha, yung huling nakakahiyang nangyari sa kanya, yung favorite somethings niya na awkward sa personality niya, personal na obserbasyon sa kilos o ugali, yung salitang nabanggit niya ng sobrang nakakatawa, mga pang-asar, yung paboritong bagay at tao, kung anu ang trabaho niya at ang madalas na kabalbalang ginagawa o anything na related sa pangalan niya.

Ang dami talaga. Sa sobrang dami dapat alerto ka sa pagmememorize ng codes para indi ka laging tanong ng tanong. Tapos wag kang aabsent para indi ka mahuli sa latest chiiizz at sa bagong da moves na nangyari para indi ka parang anga na kulit ng kulit para ulitin sa umpisa ang nangyari.

Bukod sa mga codes na ito, dapat mabilis din ang pick up mo. Ugaliin ang paggamit ng iodized salt, kung kinakailangang ihalo ito sa inumin o iulam…ito ang gawin. Malamang sa malamang, maiiwan ka sa usapan pag sloww ka kasi nabibitin ang wento pag merong indi makasabay.

Dapat din me talent kang mag-segue ng usapan lalo na’t kung sa ikauunlad ng bayan. Mahirap nang mahuli ng sabay-sabay. Shempre, parang mass pahiya ang tawag sa inyong lahat pag nabukelya kayo ng on da spot.

Masarap gamitin ang talent na ito lalo na’t kung kalokohan lang ng buong grupo. Ibig sabihin, clean fun lang at tipong asaran ang dating. Kapag para lang sa ikasasaya ng bayan ang hanap at magkakasundo naman kayo…y not diba? Shempre, kabisado n’yo na ang maximum tolerance ng bawat isa from nakakatawa–naasar–napipikon–to nagagalit na. Kailangan moderate lang at inding indi ito advisable na gamiting pangchismisms. Although effective siya para mailabas ang lahat-lahat ng galit nang indi namamalayan nung tao. Sabi nga nila, lahat ng sobra masama….kaya hinay-hinay lang sa pagtira (kung ito ang intensyong gawin sa talent na ito). Kase kahit magpakasawa ka pa sa paninira sa iba, ayus lang yan. Bahala nang bumisita si Karma sa inyo. Hehe…nananakot?

Oh well, kaya next time na me marinig kang usapan na out of this world gayong magkakasama kayo sa iisang grupo…isa lang ang ibig sabihin n’yan…..rock salt pa rin ang gamit na panluto  ni nanay. Kaya’t wag pahuhuli. Ugaliin ang paggamit ng iodized salt. 😉

Aling Baby

Gib mi a sayn…

Ito ang karaniwang ginagamit na deal breaker sa mga isyung ang desisyon ay literal na nahahati sa gitna. May paniniwala kasi tayo na ang sagot sa mga katanungang ito ay may malaking tulong lalo na kung  makikita sa mga simbolo at pangyayaring tayo mismo ang nagbigay o nagsabi kung anu kaya maaaring mangyari na ito ay may daya o sadyang ginawa para sabihin lang na ito kasi ang sign na bigay ni God. Para just in case indi saksespul, sisihin natin yung sign na palpak.

Lalo na kung nakapili na ang isip mo sa dalawang nag-uumpugang desisyon. Shempre, para makasigurado at mas konkreto, dapat merong bulong ni God. Kung gagawa ka na rin lang ng sign sa isip mo na pwedeng gawing bulong ni God diba dapat ganito…

Pagdapo o pamamashal ng tatlong kulay brown na paru-paro. (Shempre brown para realistic, indi yung tricolor kase malamang walang magliligaw ng ganung kagandang paru-paru para lang matapos na ang dilemma mo. Bakit tatlo? Shempre, common na yung isa. Para naman tripleng “Oo” ang dating diba?)

Umulan, umaraw at umulan ulit ng Miyerkules. (Me partida ka na pag nasa Pinas ka kasi nag-uulan talaga dun. Common na yung umulan at umaraw bigla kasi uso yan pag nag-a-announce na cut na ang klase kaya dapat mas challenging naman. Ang mga sign na ganyan pwede mong subukan sa Middle East para pag nangyari ibig sabihin nun isang malaking tsek yun galing kay Bossing.)

Batiin ka ng kras mo. (Mejo challenging ito lalo na kung celebrity ang current kras mo at nasa Hollywood pa. Para kang sumuntok sa buwan at susuntukin ka rin niya malamang kung nagpang-abot lang kayo.)

May dumaang kotseng kulay grayish brown sa tapat ng bahay n’yo. (Naman, gagawa ka na rin lang ng sign yun pang madali? Dapat yung tipong mapapatambling ka pag nangyari nga ito diba?)

Mapakanta bigla ng isang Justin Bieber song ang Lolo o Lolang kapitbahay n’yo. (O, diba sign na sign ang dating? Wag na pati yung choreo kasi baka di na kayanin.)

Maglasang sinigang ang kaldereta na niluluto mo. (Ayus ‘to kasi imposible talagang magkalapit ang lasa nila diba?)

Walang kaabog-abog na manlibre ng lunch ang pinakakuripot na kaopisina mo. (Ok ‘to kase libre na ang lunch, me sign pang bonus.)

Makasakay mo ang titser mo nung kindergarten ka pa. (Swerte mo kung alayb en kiking pa ang titser mo.)

Hay naku, napakaraming sign ang pwede nating maisip para lang mabigyan ng justification ang desisyon na gagawin. Ke ano pa ang matinding rason para ibase natin sa mga ito ang huling bagsak ng card, dapat pa rin nating sundin kung ano ang tama at ang tulak ng puso at isip. Iba pa rin kase kung personal na pinag-isipan at pinagnilayan ang mga ito kesa naman ibase lang sa mga simbolong tayo rin naman ang may gawa. Maaaring makadagdag man ito sa porshento ng overall impact pero marapat ding alam natin ang pros at cons ng mga ito. Ang epekto sa kabuuan at di lang sa kung ano ang alam nating tatamaan ng epekto nito.

Kailangan nating maging responsable sa bawat desisyon na gagawin, after all buhay lang naman natin ang nakasalalay dito karugtong ng buhay ng pamilya. Nasa isip lang natin ang sign na yan. Ang mas matibay na sign, walang simbolong nakikita. Nararamdaman lang ito,  sa ilalim at taimtim na hiling at gabay ni Bossing.

Aling Baby

Batman

Kilala nating lahat si Batman. Siya ang tagapagligtas ng naaapi sa Gotham City. Nakamaskarang itim at overalls na hebigats ang mga weapon pati na ang pamatay na sasakyan. Indi siya lumilipad, kinakailangan niyang umakyat sa matataas na lugar sa tulong ng mga instant lubid para pagdating doon, pabulusok gracefully ang bagsak, angas no? Wala siyang superpowers katulad nina Superman, Spiderman, Hulk, Shrek…atbp. Yaman ang powers niya at tipong vigilante ang dating.

I like Batman indi dahil siya ang favorite superhero ni lablayp, kase wala naman akong super el paborito sa kanila, nakikiuso lang talaga most of the time.

Pero bakit si Batman? Si Batman na walang kamalay-malay ang siyang naatasang ayusin ang mga gusot at problemang di natin kayang resolbahin.

“Bahala na si Batman” —yan ang magic line pag iiwan mo na ang isang bagay o sitwasyon sa ere at naghahangad na maaayos na lang ito ng kusa at sana nga may totoong Batman na magpa-plantsa ng gusot na ito.

  • Si Batman na tagapagligtas mo ke titser pag wala kang assignment at ang bubulong sa’yo ng sagot sa araw ng eksaminasyon dahil pinagpaubaya mo sa kanya ang pagrereview kagabi bago ka nakipagbarkada.
  • Si Batman na sasalo ng bulahaw ng boss mo dahil sa kapalpakan mo nung isang araw.
  • Si Batman na siyang mag-aabot sa’yo ng halagang kailangan sa oras ng bayaran dahil siya na ang pinaghanap mo ng mahihiraman.

Si Batman….hay Batman…sana naging totoo ka na lang. Pero bakit nga ba si Batman? Bakit indi si Papa Jesas ang hinihingan natin ng tulong?

Pag kalokohan talaga, marami tayong naiisip para lang maibsan ang stress sa problema. Nakukuha pa nating tawanan ang mga ito kahit na gaano pa ito kabigat. Kunsabagay, nakakagaan din sa pakiramdam pag alam mong pwede mong iatang sa isang superhero ang mga ito para makatulog ka na ng mahimbing at least kahit na ikaw pa rin ang haharap nito mag-isa kinabukasan, baka sakaling bukas maliwanag na ang isip na makagawa ng paraan.

Sana naman next time, pag me problema tayo…wag naman laging si Batman. Anjan din naman sina Superman, Robin, Iron Man…Darna, Captain Barbell…bigyan naman natin sila ng chance diba?

Hehehe…

Aling Baby

Tambeling

Ang karaniwang ekspresyon sa mga eksenang di mo kinakaya sa pagka-over. Sa sobrang pagka-overwhelmed mo kahit na indi ka marunong magtambeling eh talagang mapapatambeling ka sabay cartwheel.

Ang madalas na makakapagpatambeling sa’yo ay ang mga bagay-bagay tulad na lang nito. Nagring ang phone mo…si friendship.: “Friend, panu ba pumunta ng IBN Battuta Mall (Dubai)? Anu’ng sasakyang bus?” Simpleng tanong diba? Eh panu kung ang eksena na ito pala eh yung tipong indi kayo mashadong close nung tumawag gamit ang telepono ni friend mo tapos nagmiskol lang siya sa phone mo (kase wala siyang load). Eh si ikaw akala mo kung anu’ng emergency kaya tumawag ka naman…..yun pala, tatanungin ka lang ng lugar at load mo pa ang nagamit. (Go make tambeling na.)

Meron pa, habang bising bisi ka sa ginagawa mo. Meron kang deadline..biglang me tatawag sa’yo (na sasabihin pang importante lang talaga) para lang makausap ang problemadong taong hirap na hirap makuha ang location at phone number ng isang lugar na para bang wala nang iba pang natitirang pag-asa. When in fact, me website yung lugar at usong-uso na ngayon ang directory. Ang matindi pa nito, sasagot pa siya ng, “Oo nga ‘noh? Ba’t di ko naisip yun?” Diba, kahit na tamaan mo ang office table at bumalandra ka sa pintuan…tatambeling ka talaga.

Eh panu pa kaya kung me sulat galing sa iyong stalker admirer na naglalaman ng iba’t-ibang klaseng keso, pati na chizwiz at cream chiz. Parang chiz na nagtatapat. Nagdadagsaan na ang mga daga sa paligid mo sa sobrang kachizihan nito. Ok na sana kung babasahin mo lang eh, kaso mo gustu pa ng sagot at take note, nag-aassume na ito na sasagutin mo talaga ang sulat niya. Haller, siya kaya ang tumambeling para sa’yo noh?

Lalo pa kung tanungin ka ng mga tanong na kahit elementary kayang sagutin.

Pag me amo kang lalaglag sa’yo anytime na maipit siya sa isang sitwasyon.

Pag may nang-istorbo sa masayang usapan na tipong babangka pa para lang magdala ng hanging habagat at bagyong arayb. Malamang mauuwi sa inisan ang usapan.

Pag merong seryosong usapang, iistorbohin ng mabahong pasok. Tipong siya lang ang natawa sa sinabi niya habang ikaw naman eh indi maintindihan ang mararamdaman sa ginawa ni tambelina sa eksena.

Pag ang tanong na answerable ng yes or no eh sasagutin ng isa pang tanong na may kasamang napakaraming salita diba?

Pag mainit ang ulo mo tapos out of nowhere habang naglalakad ka eh parang me pumatid sa’yo sa gitna ng mga katrabaho na halos magmatrix ka na wag lang matumba ng tuluyan. Kumusta ang poise? Para que, natalisod ka na. Nakita na nila at kahit na magtambeling ka pa, indi mapapantayan nito ang pagkaaliw nila habang pilit mong binabalanse ang timbang mo dahil lang sa kakapiranggot at outbalanced na takong at ang mainit mong ulo.

Indi ba’t katambeling tambeling ang mga pipol na hinihintay ka munang umalis bago magputak ng magputak? Mas masarap nga ba talagang makipag-usap sa hangin at alapaap? May sasagot ba sa kanila? At kapag alam mong nasa likuran mo lang ang ilan sa mga kamag-anak at kaibigan, kay lakas ng loob na magbitiw ng mabibigat na salita sa taong tinutukoy pero kapag mag-isa lang nagsasalita lang ng pasaring. Bakit? Shempre pag kumpleto ang Bioman team, resbakan ka man ng kalaban, merong magtatanggol sa’yo. Eh kung mag-isa ka lang, pwedeng-pwede mong sabihing: “Bakit, ikaw ba tinutukoy ko? Narinig mo bang binanggit ko ang pangalan mo? Guilty ka siguro.” –See, ikaw pa ang mali.

Basta’t indi mo gustu ang narinig o nakita, kesa makapagcomment ka pa ng indi maganda…goooow, tumambeling ka na lang. Itambeling mo na lang ang badtrip mo kasi nakakadagdag pa ‘yan sa stress ng buong araw diba? Saka isa pa, mabuti rin sa kalusugan ang madalas na pagtambeling. Bukod sa naka-exercise ka na, indi ka pa nakasakit at nakatulong ka pa sa pag-conserve ng enerhiya.

Aling Baby