Dok Aling Baby

Sa pagkakaalam ko, si Mama ang may pangarap maging Psychologist. Sabi nga niya sa’kin, yon din daw ang pangarap niya para sa’kin kaya lang nauso yung ‘Follow your dreams’ –chorva, kaya indi na lang niya ipinilit ang gusto niya.

Mula nung sinabi niya sa’kin yon, dun ko na-realize na may passion din pala ako sa pagiging psych (psychotic lang minsan hehe…). Indi ko alam if that’s the right term to use. Kapag usapan kasi about life and love, ang friends..yan ang madalas nilang i-open up sa’kin.

I’m not an expert, wala akong formal practice in counseling or kung ako ang right person para kausapin about these things. Mahilig lang talaga siguro akong umopinyon or magshare ng konting nalalaman ko. Most of what I share is from other people’s experiences. Sabi nga nila, learning from your mistakes is smart; learning from mistakes of others is wise. – And sometimes din, I put myself in their position to make better judgment of the situation.

It’s just how I see things.

I’m not saying na tama lahat ng sinasabi ko. I stand corrected naman and I appreciate other people’s opinions about things especially if they’ve personally experienced it. I’m always interested when people share these things with me, yung struggles, and how they went through it, tapos yung ginawa nila to move on and to reach this far para maging ok. Feeling ko, sumama ako sa journey nila. (OA ba? Hehe…) Ewan ko ba pero obsessed talaga ako sa mga ganun.

Wala naman nakalagay sa noo ko na ‘Free Counselling’, nao-auto mode lang sa ganun pag naramdaman ko na gusto nila mag-open up sa’kin. Si Aling Baby naman kasi, mataray lagi ang impression sa kanya ng iba kasi sobrang tahimik at parang indi kikibo pag kinausap mo but when you get to know her, you’ll be surprised kasi mas mataray pala siya at talagang indi palakibo makulit siya at makwento at maraming sinasabi at sasabihin.

Nung nakausap ko ang kapatid ko minsan, sa dami ng pinag-usapan namin at kung saan-saang topic na kami napunta, bigla na lang niyang nasabi sa’kin, “Pwede ka na sa counseling.” Gulat ko naman kasi ate ko siya tapos ako pa ang counselor.

Masarap din naman sa pakiramdam when you know the answers to some of life’s badtrips. Lagi ka may reality check at nakikita mo ito in a broader perspective. Parang ang dali-daling gawin. Para kang si Doc na nagrereseta ng gamot. Like pag indi makarecover si friend sa nangyari sa kanila ng ex niya, rereseta ka ng,

  • 1 week off ang mobile phone
  • No social networking for a week din
  • Go out with friends
  • Drink lots of alcohol beverage, drown all your sorrows..
  • Tapos meet new people

Diba? Hoping next week ok ka na talaga. When you see things idealistically, madali lang lahat para sa’yo. Kasi alam mo ang dapat para sa sitwasyon. Eh kung realistic ka rin, sasabihin mo naman, “Masakit yan now, pero mawawala rin yan. Maniwala ka.

Ang indi lang maganda when you know the answers, yung right and wrong…when it all comes down to your own situation, you tend to look at all possibilities at nandun yung traffic. Stuck ka na sa traffic. Kasi you’re just giving out all the answers to all those questions which means, when it’s time for decision making – umeexit ka na kasi sila na ang bahala dun. That’s the hardest part of the situation.

So, it doesn’t matter whether you know the answers and you know what to do. What matters is how you’re going to deal with it. You have to make a decision and you have to do it fast kasi maraming oras at panahon ang nasasayang. But let’s not forget the awful truth na indi ito ganun kadali.

Kahit naman gaano pa kahirap ang sitwasyon natin, ang importante, may mga taong pwedeng makausap at makapagbigay ng magandang advise sa current situation natin. Wala pa ring tatalo sa pakiramdam na alam mong maraming nagmamahal sa’yo at nagsasabi na indi ka nila pababayaan. Kasi isa ito sa nagbibigay sa’yo ng strength. Shempre wag din naman natin kalimutan si Kuya Jesas na laging nand’yan at certified na indi mawawala kahit kailan.

Lahat ng problema, may solusyon. Totoo yun, promise. 🙂

BAKIT-Ville

Minsan may nangyayari sa buhay natin na kahit indi natin gusto, nangyayari pa rin. Kung ano pa yung pinagkaiwas-iwasan mo, yun pa talaga ang ibabato sa’yo. Saktong-sakto pa na wala kang kamalay-malay at indi ka handa. Yung tipong kahapon normal ang takbo ng buhay mo sabay kinabukasan nasa ibang mundo ka na at kahit bumalik ka sa dati, maaapektuhan nito ang lahat-lahat ng aspeto sa buhay mo. Magulo? Oo.

Kahit siguro girl/boy scout ka, di uubra ung tagline mong “Laging handa…” sa pagkakataong ito. May mga sitwasyon kasi na indi lang basta-basta nasasagot ng pag-iisip o pwedeng tulugan. Kung minsan, dinaan mo na sa pag-iisip, tinulugan mo na, pinagpuyatan mo pa at inisip mo pa rin kinabukasan pero nandun pa rin. Malinaw na indi lang pag-iisip ang kailangan nito kundi sasamahan mo pa ng ibang effort tulad ng kikilos ka para gumawa ng paraan. May decision making on the side o kung matatakutin ka…go, bilisan mo nang tumakbo.

Habang tumatanda tayo, pabigat ng pabigat ang mga responsibilidad natin kasabay ng ilang sitwasyon na dapat nating harapin. Dati, hirap na hirap na tayo sa paggawa ng homeworks, projects, reports at exams pero indi man lang tayo nabigyan ng heads up na sa totoong buhay, sa pagtanda, indi mo magagamit ang mga ito sa paggawa ng solusyon sa problema. Kailangan ba’ng gawan ng case analysis kung bakit kayo nag-away ng jowa mo? O kapag na-short ang budget mo for the month? Minsan, kahit pakiramdam mo ang galing-galing mo na pero kapag ikaw na ang nasa hotseat indi mo na alam kung ano ang uunahin mo sa dami ng paraan na pwede mong magamit.

Bakit kaya ganun? Yung pakiramdam ba na wala kang choice kundi gumawa ng paraan kasi alam mo na kahit ilang ikot sa higaan ang gawin mo, indi ito matatapos hangga’t indi ka nakakaisip ng solusyon. Kasi alam mong bukas, nand’yan pa rin siya nakaabang sa susunod mong hakbang.

Minsan, napapatanong ka na lang. Ang daming tanong. Marami namang sagot pero indi mo malaman kung alin dun ang tama kasi natatakot ka’ng magkamali at bumalik sa umpisa. At ang takot na yon ang nagpapatagal sa serye ng mas marami pang eksena ng pagpupuyat at pag-iisip.

Ang mas nakakatawa pa sa pagkadesperado/a mo’ng matapos na ito…ang mga tanong na, ‘Bakit ba kasi kailangan pa na ngayon na gawin?’ o yung nakakatambling na, ‘Pwede ba’ng wag na lang?’ Ang hirap diba? Indi naman kasi pwedeng hayaan mo na lang mawala ito hanggang sa mapagod (baka kasi pwede..) kasi sobrang stressed ka na. Baka maawa si Kuya Jesas at palampasin ka  muna. Kung pwede lang na magsakit-sakitan ka at gumawa ng palusot na indi mo na kayang tapusin (parang pwede talaga..) kaso wala talaga eh, lahat ng corner sarado at isa lang ang exit door…yon eh, kung may sagot ka na sa ‘Bakit’  na ito.

Naisip ko lang, nakailang ‘Bakit’ na ba tayo sa buhay natin na nalampasan naman kahit papa’no? Kahit siguro bago ito sa pakiramdam at indi pa nangyari sa buong buhay natin, eh iisa lang naman din ang kahihinatnan nito…mararating mo rin ang katapusan. Kung saan andun yung final answer at naghihintay ang bagong kabanata. Parang ang hirap lang isipin at gawin pero pasasaan ba, magkikita at magkikita rin kayo sa finals.

Kung talo o panalo ka man, ang importante ginawa mo ang lahat-lahat ng makakaya mo. Dahil indi biro ang gumawa ng isang mabigat na desisyon na pikit-mata mong gagawin sa paraan na alam mong tama at sa ikabubuti ng lahat.

Sana sa lahat ng pagkakataon, wag nating kakalimutan na indi lang tayo napasok sa isang pagkakataon dahil gusto lang Niya. Meron itong dahilan at hangga’t indi natin nakikita kung ano ang kabuluhan nito sa buhay natin, mahihirapan tayong malaman ang sagot dito. Baka kailangan ng pagbabago o kahit ano pa na may koneksyon sa buhay natin.

Meron talagang sagot, kadalasan lang talaga mahirap kasi gawin at tanggapin. Ito ang nagpapatagal sa atin sa pag-iisip ng paraan. Dahil may sagot na pero naghahanap pa rin ng ibang sagot na indi kailangan mahirapan. Kapag natanggap na natin na walang madaling desisyon. Lahat mahirap. Lahat talaga. — Ok?

Indi porket mahirap, kailangan nang maging malungkot. Worst, mawalan ng pag-asa. Isa pa yan sa dahilan ng pagtatagal mo sa ‘Bakit-ville’ na ito. Indi rin porket alam mo’ng yun na ang sagot, eh gagawin mo na agad. Kailangan mo pa rin gawin sa tamang panahon. Indi kailangang madaliin. Ito na rin ang pagkakataon natin na manimbang at mabigyan ng pagkakataon ang sarili. Sa huli kasi ito pa rin ang mahalaga, kung ano ba ang gusto mo at indi yung kung ano ang sinasabi ng iba. Tama man o mali, ikaw ang magdadala nito kaya bigyan natin ng sapat na panahon.

When life gives you lemons just shut up and eat your damn lemons. 😉

Just do your best and God will do the rest. 🙂