Wrong timing

 

bd tym

 

Lagi na lang akong nabibiktima nito. Sa lahat ng pagkakataon na may nangyayari, indi pwedeng indi kami nagkakasalubong nito kahit saang lupalop ng mundo ako mapadpad. Para siyang airborne disease na sumusulpot lalung-lalo na sa panahon na ayaw mo siyang maka-enkwentro.

Bakit, may choice ba tayo?

Katulad ng ibang bagay na indi natin kontrolado, topping the charts talaga ang wrong timing na’to. Kahit mapa-ikaw o ang ibang tao ang napupunta sa sitwasyon na ito, basta yung maging konektado lang ito kahit sampung minuto sa buhay mo, para bang gusto mo na humanap ng blade para maglaslas o di kaya ay, magbigti ka na lang dyan sa sobrang badtrip.

Alam naman natin na ang buhay ay indi magiging makabuluhan kung kahit minsan eh indi ka makakaranas ng isang nakakainis na moment.

Anu ka hilo? Sinuswerte ka. Pero kahit nga suwerte inaabot pa rin ng malas eh.

At katulad ng iba pang sitwasyon, keber talaga itong wrong timing sa pag-invade ng tahimik mong buhay at nananadyang maghasik ng lagim sa mga oras kung kelan iwas na iwas ka. Para bang pinagtripan ka lang ng isang tropang anghel na ilang araw nang walang tulog kakabantay sa mga alaga nila.

Kung ikaw ba naman ang ma-sandwich ng ganitong pagkakataon, anu kayang paraan ang kaya mong gawin?

Kung minsan kasi, yung maipit ka sa sitwasyon na ayaw mo eh isang bagay na puzzling talaga. Kung ang resulta nito eh, masisante ka…ma-brokenhearted, madisgrasya, mahawa sa kabaliwan o kung anu-anu pang indi magandang mangyari dyan – – kahit sino talaga aayaw na ma-involve. Para na rin itong sale na pinupwersa ang kostumer sa pagbili kahit ayaw. Eh panu ka ba tatanggi kung may nakakatutok sa’yong patalim habang namimili ka diba? Kumusta naman yon?

Wala namang exception dito eh.

Lahat dapat dumaan dito at sa ibang pagkakataon para maging mas magaling sa diskarte sa buhay, kailangan pabalik-balik lang. Ok lang yun, libre naman eh. Basta kaya ng powers mo at matibay ang dibdib mo sa lahat ng klase ng badtrip na kalakip nito, why not diba?

Minsan kase, ang palagiang goal natin sa buhay ay maging Masaya, stress/worry-free, walang iniisip na utang, punumpuno lang ng kasiyahan at good time. Sinu ba namang matinong tao ang indi gustu ang mga ito? Eh pag ganyan ang lagay ng buhay mo ngayon ang ibig sabihin nasa kabilang buhay ka na. Kasi wala nang dahilan para mabuhay ka sa mundo kung indi mo dadanasin ang mga bagay at sitwasyon na makakapagpatibay sa’yo.

Sa tinagal ko ng konti sa mundong ito, parang nakikita ko na kahit malabo ang mata ko kung ano talaga ang buhay. Kung bakit kailangang maraming tanong na indi kayang sagutin, mga hiling na kailangang hindian muna ni Kuya Josh paminsan-minsan, mga taong umaalis at dumarating sa buhay natin, mga pangarap na naabot natin kahit na papano at yung iba na halos nasa kabilang mundo na kaya imposibleng maabot.

Sadyang ang mga wrong timing na ito, kahit na nakakainis at nakakakaba…kailangan pa rin natin ito sa buhay naten.

Baket?

Para paminsan-minsan, dapuan tayo ng takot at nerbyos at maging leksyon ito sa atin. Marami pa tayong kailangang matutunan kahit na hanggang tumanda tayo. Life is a continuous battle. Laban lang ng laban hanggang marating ang finish line.

 

Aling Baby

Advertisements

If there’s a will…there’s a weyyy

 

Due to insistent public demand….ibabalik ko lang pansamantala ang entry na ito upang mabigyang paliwanag ang mga bagay-bagay tungkol sa pwersahan pilitan lalong-lalo na sa mga lakaran o usapang may kasamang alak-alakan.

Apat na buwan pa bago ang Octoberfest, pero nauuna sa pila itong mga kapatid ko sa industriya ng pagpapayaman (workmates)

2 1

…para ayain ako sa isang pinagpaplanuhang gabi ng “laklakan”.

Para sa mas malinaw na paglalahad at sa mga malimit na bisita ko dito sa aking mansyon…silipin natin kung anu ba talaga ang sitwasyon ng mga taong binabansagang…“Key-jey”

Read on…

If there’s a will…there’s a weyyy

 

Sinu nga ba ang nagpauso nito?

Kasi kung sinuman siya…..ang galing niya kasi totoong-totoo itong pinauso niya.

alone

Malamang pamilyar na kayo sa kasabihan na ito na kung tatagalugin natin ay lalabas na…“Kung gusto, maraming paraan.” At dahil nga haytek na ang panahon, dinugtungan na ito ng, “Kung ayaw, maraming dahilan.”

Gamit na gamit ito lalong-lalo na sa mga yayaan. Maging gimik, outing, berdey, binyag, kasal, company party at even sa children’s party. Kung ikaw ang malimit at pirming umaabsent sa mga lakaran, siguradong makailang beses mo na narinig ang linyang magpapakonsensya sa’yo ng todo.

“Sige na, sama ka na…mas masaya kaya pag sumama ka.” Sila.

“Eh, indi talaga ako shur kasi baka umalis din kami nang araw na ‘yon.” Ikaw.

” Palagi ka na lang indi nakakasama eh. Alam mo, kung gusto..maraming paraan. Kung ayaw, ayan, nagdadahilan.” Sila ulit.

Ikaw – – – – speechless.

excuses

Sa hinaba-haba ng pilitan blues, it’s either nakonsensya ka, superb ang convincing power nila o totoo talagang may lakad ka na nauna sa kanila, nahuli lang sila ng 10 minutes (kasi, nung naramdaman mong may plano sila – – – ni-confirm mo na yung nakabitin na planong ganun din ang idinahilan mo hehe -jowking lang.)

At sa ganitong pagkakataon, maraming pwedeng ang maging impression sa’yo pag ikaw ang laging absent at ito ang mga sumusunod:

KJ (kill joy o patay na ligaya o mas kilala sa iba na autistic.) – Sa mga gimik, ito ang kalimitang name tag mo pag ikaw yung tipong nainom ng juice o iced tea habang sila ay nag-iinuman. Kulang nalang pwersahang yaya na para lang makainom ka. Idadahilan na berdey, “minsan lang naman” o kaya, “ang hina ko talaga sa’yo” – – – mga ganung tipo ba.

Arkitek o Drawing – Ito ang tawag sa mga bigay-todo sa pagsabi na sasama/pupunta at parang isa sa mga committee ang dating dahil sa sobrang aktib nito sa planning stage. Pero sa aktwal na lakad – – – indi naman nakasama sa dami ng dahilan.

62

In-Janera/Janero – Ito ang tawag sa mga niyaya na pinilit pa talaga, binigyan ng makabagong excuse para mag-absent sa iskul/trabaho o ipaalam sa magulang. Halos sunduin na sa bahay para lang makasama. Maya’t-mayang tinetext at tinatawagan – – – ayun, nang-injan pa rin hehe.

Mareng Winnie/Pareng Oka – Ito ang mga inaaya na parang nag-training kina mare at pare ng debate sa dami nitong rason at dahilan ng indi pagsama. Sa una ganado ka pa, pero sa katagalan ng usapan, wala ka ng magagawa kung ayaw.

20080509

Eps – Kung merong mga inaaya na halos ayaw sumama – – – meron din namang ni indi inaaya pero umaarteng parang kasama. Shempre, kakahiya naman kung sasabihin mong indi siya kasama diba? Ang sakit kaya nun. Kaya wala kang choice kundi isama na lang, kawawa naman kasi eh.

In fairness naman sa mga ito, shempre indi naman sa lahat ng panahon eh autistic ang mga tumatanggi sa mga lakaran o inuman. Kanya-kanyang trip ‘yan diba? May mga tao lang talaga na indi nakahiligan ang mga out-of-town o gimik kaya mas pinipili nila ang mag-stay sa bahay at mag-cross stitch. (jowk ulit) May mga rason silang sarili sa mga ganyang bagay at indi na natin dapat na pinapasok o pinakikialaman. Lahat tayo ay may right to privacy diba? Eh sa ayaw nga eh, wag na mamelet.

busy-lady

Para sa akin, ang pagtanggi ay indi nangangahulugang walang importansya sa pagkakaibigan. Minsan lang talaga para sa mga taong marunong tumanggi – – – ayaw lang nila gawin ang isang bagay na indi nila gustu. Sa ibang indi makatanggi – – – ayaw lang nilang sumama ang loob ng kaibigan kesehodang indi nila trip ang pupuntahan o gagawin.

Pwede rin naman kasing indi komportable sa mga makakasama kaya umaayaw. Walang budget (ito ang madalas), walang isusuot (sus!), ayaw ma- out-of-place o wala lang talaga sa mood umalis. Marami pang pwedeng maging dahilan at pero-pero. Pag ayaw mo na ng maraming usapan, sasabihin mo na lang na – – – “Sige, sa susunod…babawi na lang ako sa inyo. Sensya na talaga.”

homebody

Dapat sa susunod….

Sa mga inaayang ayaw sumama – – – ok lang tumanggi once or twice…pero sa susunod make bawi naman talaga kasi pag inaya ka ng malupit, ibig sabihin nun important ka sa kanila at malaking bagay para sa kanila ang presence mo. At kung ganun kakulit ang pagpilit, pihado namang sagot nila ang enjoyment kaya sige na…sama ka na. 😉

At sa mga namemelet – – – pilitin once, pilitin twice pero pag ayaw talaga…ok lang yon, indi naman nauubos ang next time at ang mga pila-pilang okasyon and besides indi naman porket indi siya sumama eh kailangang mag-iba na ang tingin sa kanya (parang hayskul hehe…) o kaya indi matuloy ang larga. May ganyan talaga paminsan-minsan, saka malay nyo eh mapunta din kayo sa same situation diba? Understanding is what we need. 🙂

hmn

O, ok na tayo ah. Wala nang pilitan ah. 🙂

 

Aling Baby

Parting Time

 

 

Parting_Ways

Alam nyo ba ‘tong song na ‘to?

“I remember the days…when you’re here with me. Those laughters and tears we’ve shared for years hoo-huumm…”

Pag naririnig ko’to, naaalala ko nung nasa First year highschool pa ko, punumpuno ng memories. Umpisa pa lang ng apat na indi malilimutang taon ko sa hayskul.

Pero wag kayong mag-alala, indi ito tungkol sa kabaduyan at ka-cheesy-han na kwento ng buhay hayskul ko na siguradong ikasisira ng reputasyon ko sa wp kung meron man hehe.

Sa lahat na siguro ng low moments ng buhay natin at kung ibabase sa palaliman ng baon sa lupa ang winner nito…nasa pinakailalim-lalim na siguro yung iwan/mamatayan ng mahal sa buhay funeral kasunod ay ang Hiwalayan o Parting Time. breakup

Sa halos lahat ng klase ng pakikipagrelasyon natin, indi na bago sa ating pandinig ang salitang “Hiwalayan”, chugihan, dumped, binitiwan…

Ang mga ito tulad ng I love You ay karaniwan na sa pang-araw-araw na buhay nating mga Pinoy. Sa’min sa Showbiz :P, ang hiwalayan ay parang isang Birthday celebration sa tindi ng mga pasabog na isyu. Merong phone patch, vtr, maraming umuusyoso, pinag-uusapan. Extended pa ito dahil hangga’t nagsasalita ang magkabilang panig, tuloy-tuloy lang celebration na ikinatutuwa naman ng ilang mga programang akala mo ay totoong nakikiramay.

Sa karaniwang buhay, noon ang mga ganitong isyu ay halos itago sa buong madla. Sa sobrang sensitive ng isyu at sa pagiging discreet ng dalawang partido, indi mo mahahalata na may lipatan na palang nangyari. Sa pagkakataong malaman mo ito, huling-huli ka na sa balita.

urban-legend-rumor

Pero ngayon, pag nag-away ang isang magpartner na rinig ng sangsinukluban…ang usap-usapan na agad mula sa circle of friends nyo at ng rotary club of chismosa toda sa lugar nyo ay maghihiwalay na kayo bukas at may kinakasama na ang isa sa inyo etc-etc-etc. Parang pimple lang na naging  stage 4 kanser na pagkatapos ng isang linggo.

Indi lang sa relasyong pampuso pwedeng idikit ang salitang hiwalayan.

  • Kapag natapos mo na ang halos labinlimang taon mo sa pag-aaral…ganun din, mahiHIWALAY ka na sa mga klasmeyts at barkada mo na nakasama sa halos kalahati ng buhay mo.
  • Kapag nagresign ka sa trabaho at aalis ka na sa kumpanya, maghiHIWALAY na kayo ng opis meyts mo.
  • Kapag lumipat na kayo sa ibang lugar pagkatapos tumira ng mahabang panahon sa tinitirhan nyo, nakakalungkot na HIWALAYan ang magaganap sa inyo ng mga kababata at kapitbahay.
  • At shempre, pag nag-abroad ka…para mo na ring HIniWALAYan ang buong Pilipinas. (Buti na lang may TFC hehe.)

Ito ang mga hiwalayang hinihingi ng pagkakataon. Wala naman gaanong mabigat o hidwaang dahilan para sa parting time na ito.

For most cases na biggie deal para sa lahat ay ang HIWALAYang binabalutan ng samu’t-saring isyung pansarili, puno ng poot, walang kapatawaran (para sa iba), panloloko at panlilinlang, betrayal, o simpleng ayaw na lang talaga.

Mahirap pagdaanan ang mga bagay na ito sa buhay natin. Sinu ba naman ang maghahangad na matapos o mauwi sa HIWALAYan ang isang koneksyon na pinaghirapan mong buohin, ipinaglaban, indi ipinagpalit sa kahit anong bagay at pinilit ibinangon sa mga oras nang pagbagsak nito? Wala naman sigurong gagawin o kahit man sa isip na sirain ang isang samahan na halos panahon na ang nagpatibay nito.

Pero ang isang samahan, parang isang puno kung saan ang mga miyembro ang siyang ugat nito. Indi sa taon na binilang makikita ang tatag nito. Kundi sa kung ilang beses na dinadaanan ng sakuna na sama-samang dinaanan kung saan ang lahat ay  indi nagpatinag.

Indi lahat ng ugat nito ay mahigpit ang kapit. Kung minsan, sa kahinaan ng isa ito ang bumubuwal sa lahat at sa pagkakataong ito…HIWALAYan na lang ang tanging paraan para maisalba ang kahit na katiting na pag-asang maging maayos ang lahat.

Walang HIWALAYan na nakakatuwa. Kung meron man, sila yung mga kabit o mas malaking kaginhawaan para sa kanila ang indi makita ang inyong pagsasama.

Maraming dahilan.

Maraming palinawagan.

At dapat nating malaman na ang mga tao at bagay na nagHIWALAY, kadalasan…indi solusyon na pagbalikin o pag-isahing muli dahil mas makabubuti na rin ito para sa kanila at para sa lahat.

broken_glass

 

Time heals all wounds.


Time_heals_all_wounds

 

Aling Baby