Aylabyu…<3

4

Sabi nila, ang aylabyu (I love you) ay overrated na. Sa sobrang gasgas na neto, nawawala na ang true essence ng totoong ibig sabihin nito. Parang ekspresyon na lang o kasama sa sentence parang “Hello.”

Pero para sa mga tulad naming inlababo lang at kasalukuyang dinuduyan ng kakaibang magaang pakiramdam (Hello, Cloud Nine!) at sadyang mga hopeless overly romantic…..ang Aylabyu ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yung pakiramdam ng seguridad, katahimikan at katiyakan na sa dinadami-dami ng nilalang sa mundo na naghahanap ng magiging kabiyak ng puso mo…yung sa’yo, eto, sinasabihan ka ng Aylabyu (plus unlimited kisses) sampung beses (or more) sa isang araw dahil sa Mahal ka niya. Aangal ka pa ba?

3

Kaya eto, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito para masabi ko kung bakit Aylabyu.

Aylabyu kasi nabawasan ang memory gap ko sa tuwing maaalala kong baka may nakalimutan ako sa kaka-paalala mo sa’kin.

Aylabyu dahil napahaba mo ang pasensya ko sa mga bagay-bagay.

Aylabyu dahil hindi ka nagrereklamo sa lakas ng hilik ko. Inaasar mo lang ako kahit pikon ako. Tsup!

Aylabyu dahil sa pagpapakilala mo sa’kin at sa mga pagkaing kadalasan hindi ko pa narinig o natikman sa buong buhay ko like sobraa!

Aylabyu dahil nakikinig ka pa rin sa mga kwento ko kahit tutok ang atensyon mo sa paglalaro ng PS4 at XBOX at nakaka-comment ka pa. (pero kailangan i-pause muna ang game.)

Aylabyu dahil sinusunod mo ang mga pangmatatandang paalala ko sa’yo.

Aylabyu dahil laging may ice cubes sa tindi ng pagmonitor mo ng stock sa ref.

Aylabyu kasi ambilis mo tumayo pag may nalimutan akong i-off kahit nakapwesto ka na para matulog.

Aylabyu kasi sinasabi mong masarap ng luto ko at obvious naman kasi ang laki mo na. 😉

Aylabyu kasi gusto mong sabay nating pinapanood ang mga series at movies na inaabangan natin.

1

Aylabyu kasi pareho nating alam na hindi tayo mahirap kausap. Kahit hindi tayo nag-uusap.

Aylabyu kasi natatawa ako sa’yo pag naiinis ka sa mga pasaway na kasabay natin sa daan. Nahahawa na rin tuloy ako sa’yo.

Aylabyu kasi ang haba ng pasensya mo sa pag-aantay na maisip ko ang gusto kong kainin.

Aylabyu kasi alam mo na kung kelan malamig na ang ulo ko para suyuin.

Aylabyu pag sweet at malambing ka lalo na pag tulog. 😆

Aylabyu kasi kahit ano pa ang ginagawa mo, pag narinig mo na ang “hay naku”, to the rescue ka na agad.

Aylabyu kasi nakikinig ka na rin kay Papa Jack! Hahaha!

Aylabyu kasi pag naiinis ka na ng totoo, bokot na ako. (Bihira lang kasi yun mangyari.)

Aylabyu kasi ansarap natin mag-usap at magkwentuhan.

Aylabyu sa pagitan ng mga hindi maipaliwanag na dahilan.

Aylabyu kasi yulabmi.

Aylabyu kasi alam naman nating hindi madali pero hindi rin yun naging hadlang para tumigil at sumuko. Sabi nga nila, normal ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Pero may mga paraan at solusyon din naman. At ito ang magpapatibay sa kahit ano’ng samahan. Maraming madaling sabihin at gawin. Ang pagtatagal ng isang relasyon ay hindi nasusukat sa mga regalo, sa tagal, o sa ilang beses na pag-aaylabyuhan sa araw-araw. Wala naman makakapagsabi kung hanggang kelan magiging kayo o magiging kayo ng panghabambuhay. Ang sagot ay nasa inyo…to keep the love alive.

2

Aylabyu ulit, my lab at Salamat.

Salamat sa pabalik-balik-balik na nangyari. Salamat sa Cloud nine. Salamat sa mga mahihimbing kong tulog. Salamat sa dighay ng kabusugan. Sa mga lakaran na walang kapaguran. Sa mga kwentuhang kahit yung iba walang katuturan. Salamat sa atensyon. Salamat sa pagtulog mo ng mahimbing sa tabi ko. Salamat sa papuri sa mga araw na palpak ang luto ko. Salamat sa pagtikim ng konti sa matatamis na kinakain ko kahit di mo hilig. Salamat sa pagtatanong mo ng opinyon ko. Salamat mga stress-kwento mo tungkol sa trabaho. Salamat sa pagtawag mo para lang kulitin ako. Salamat sa pagiging on-time mo kaya bumibilis ang kilos ko. Salamat sa paghawak sa kamay ko kahit saan tayo magpunta. Salamat sa mga magagandang kanta. Salamat sa mga masasaya at di masasayang mga araw. Salamat sa mga halik at yakap at lambing. Salamat kasi kinumpleto mo na ang kulang sa buhay ko. Aylabyuuu…

Tulog

s2

Yung pakiramdam na ansarap ng tulog mo at feel na feel mong walang pasok ngayon kaya pumwesto ka pa ng maigi tapos maya-maya’y nag-alarm ang orasan. May isang araw pa palang pasok. At tila ayaw kang payagan ng unan at kumot mo na tumayo.

Haayy.

Ako, oo. Kaninang umaga lang.

Paniwalang-paniwala akong wala na talagang pasok at siguradong-sigurado akong Huwebes na kahapon kaya makakatulog ako ng mahimbing pa more. Yahuu.

Yun pala’y hindi. Nilingon ko ang mahimbing na tulog ng katabi ko. Ang lamig pa naman.

Haayy na lang ulit.

Yan ang dilemma ko tuwing umaga, nitong mga nakaraang labing-apat na linggo na (alam na alam ko, bakit ba?) Ang hirap aminin ang katotohanan ang madalas na maalimpungatan sampung minuto bago tumunog ang alarm ko ng ala-sais. Ang saklap. Yung sampung minutong parang isang minuto lang sa pakiramdam. Yung kakapikit mo pa lang, ayan na ang alarm. At sa tuwina, gusto kong isipin na isang malaking joke ang ganitong eksena tuwing umaga. Kung bakit kagabi, pasado alas dose na nung ayaw ko pa talagang matulog. Kaya tuwing umaga rerekla-reklamo naman ako. Haayy ulet-ulet…

s3

Tulad ngayon. Nagrereklamo ako. Kulang ang tulog ko. Kung maibabalik ko lang ang mga oras kagabi nung huli kong nilingon ang orasan, alas-onse diyes at dinedma ko lang habang nagmamadali akong isalang ang kasunod na episode ng series na minamarathon namin, isang linggo na naming nasimulan. Na kung hindi pa ako inayang matulog, sabay sulyap sa oras, juicecolored, alas dose impunto na naman pala. Kahit pa nagmadali ako mag-ready sa pagtulog, di ko na mababawi ang katotohanang pasado alas dose na. Ibawas mo pa ang ilang minutong goodnighting plus konting chika bago matulog. O diba, malamang alas dose y medya na cguro yun di ko na tiningnan ang oras. Tapos iikot-ikot pa ako bago makuha ang tamang pwesto. Buti pa yung katabi ko, ppwesto lang ng patagilid chak tulog na yun. Di kasi nahilik kaya di mo malalaman. Basta’t di na kumilos, alam na. Eh ako, kukumbinsihin ko pa ang sarili ko na makakatulog ako sa pwestong patihaya o yung nakatagilid para maka-akap, kahit ang totoo nito, sa gawing kaliwa, chak yun awtomatikong tulog ako. Sinayang ko lang ang ilang minuto na sana’y narating ko na ang dreamland.

Sa totoo lang, eksayted akong pirmi pag sumasapit ang Huwebes ng gabi. Biyernes kasi ang bawian ng tulog. Walang rason para gumising ng maaga. Pag nagising, pwede ulit bumalik sa tulog. At madurugtungan mo pa ang naudlot na panaginip bago ka naalimpungatan.

Kaso mo, tuwing Biyernes ng umaga, magigising ako pag nagpaalam na sa’kin ang may laro ng basketball. At mawawala na ang antok. Hindi tulad noon na nakakabalik pa ko sa tulog. Kaya’t wala na akong ibang choice kundi bumangon at mag-almusal at manood at umasang babalikan ako ni antok maya-maya lang. Si antok na kapag kailangan mo, wala pero present pag nasa opisina ka.

s1

Di ko rin nababawi ang tulog ko pag walang pasok (eksheli), lalo na pag nakapwesto na ko para manood na naman. Feeling ko, sayang ang oras pag itinulog ko pero pag may pasok di ko yan naiisip, pramis. Pag natutulog kasi ako ng alanganin, chak na gising ako hanggang madaling araw. Di rin naman pwedeng sumobra sa tulog kasi sakit naman sa ulo ang kalaban ko.

Pag sinwerte, may mga Sabado kaming tamad-day. Manonood hanggang sa antukin ng Alas dos ng hapon pagkatapos ng tanghalian. Siesta galore ang trip namin nun. Magigising lang pag oras na ng pananggabihan. Yun ang paborito kong araw. Dun ko lang nasasabing nakabawi na ko sa mga umagang antok na antok akong umaasang may additional 3 hours na tulog pa ko pag naalimpungatan bago mag-alarm ang orasan.

s5

At shempre, pagdating ng Sabado ng gabi, unti-unti nang nagssink in ang katotohanang back to reality na naman. Puyat + 6AM alarm = Antok.

Ok lang. Pampalubag na lang cguro yung ambilis naman dumaan ng isang linggo. At kahit napuyat ako kagabi dahil akala ko wala nang pasok, ok lang pa rin kasi totoong off na bukas. Yahuu.

Happy Weekend! Alarm-off. 🙂