GLOB-ULO MO?

 

 

42-17773774

 

 

Ang GLOB-ULO ang resulta ng sobrang pag-iisip ng mga bagay na may kinalaman sa buhay mo, sa maaaring mangyari sa’yo, sa sarili mo, sa mararamdaman mo, sa gusto mo, hangarin mo, all about you, laging you, onli you and nothing but you.

 

In short…ka-SHELLFISH-an.

selfish

 

Bakit kaya pag usapang pagiging makasarili, ang simbulo o icon na ginagamit para i-describe ito ay ang ating ULO? (What’s with it ba? ūüėÜ )

 

Lumalaki ang ulo; Laki ulo; Hydrocephalus; Lumulobong ulo – – –¬† Parang GLOB-ULO. Ga-Globo kalaki ang ulo hehehe.

 

42-15683329

 

GLOB-ULO – Tatak Pinoy.

Anu nga ba ang ugat ng pagkakaron ng GLOB-ULO?

Sabi nga nila “Change is constant.” Kaya pagdating sa usapang change, wag ka na makipagtalo kasi normal yon sa kahit sino. Pero indi ba may dalawang klase nito? Pagbabagong nakakabuti at pagbabagong nakakasama sa kalusugan. Nakakasama in the sense na mashadong OA na ito at literal na ina-apply ang mga pagbabago kahit na indi naman kailangan.

Parang ganito yan eh, kapag sanay ka nang makita ang routine ni Petra na pumapasok, kumakain, natutulog araw-araw. Nakakagulat talaga kung isang araw bigla mong mapapansin na lumalabas na rin siya para gumimik paminsan-minsan. Shempre matutuwa ka para sa kanya dahil nakakapag-relax na rin siya at nakakapag-enjoy na.

Pero kung si Petra na dati’y paminsan-minsan lang lumabas eh mapapansin mong nadadalas, nagiging party animal na rin at tipong nung isang beses na nagwentuhan kayo, para bang pakiramdam niya sa sarili niya eh ipinanganak siyang gimikera, hai klas, bigtime ang dating na walang bahid ng pagiging totoong sarili niya nung panahong wala siyang ibang ginagawa kundi magtrabaho at magmukmok sa bahay. ¬†¬† shocked Haller wa’ happened tu yu?

Anu nga ba ang tawag dito? Change pa rin nga diba? Kung aware tayo na lahat ng tao ay nagbabago, dapat din siguro nating malaman at paghandaan ang mga epekto ng mga bagay na ito. Shempre, indi naman pare-pareho ang takbo ng isip ng lahat lalo na sa kung paanong paraan iintindihin ang mga sitwasyon na katulad nito.

May aayon at indi, shempre naman. We can’t have it all diba? Sa botohan nga, kahit na bilhin mo ang boto ng mga tao…u-oo lang ang mga yan sa harap mo, pero pag aktwal ba boboto na – – – ilalagay pa rin nila kung sinu ang gustu nila.

 

choices2

Life is all about choices and it’s our choice how we live our life.

 

Marami na rin ang misunderstood¬†out dahil sa pagbabago. Totoo naman kasi na sa bilis ng takbo ng panahon, sa dami ng mga nangyayari sa araw-araw, sa pagitan ng mga taong nakikilala at nakakasama, ang iilang hakbang-takbo paakyat sa corporate ladder na sinasabi, kapag unti-unti nang naisisingit sa listahan ang wants o kapricho, ang “blessings” na siksik-liglig-umaapaw – – –

 

admitAMININ NATIN…

It will go straight into our heads. balloon-headParang malakas na hangin na may manaka-nakang pagkulog at pagkidlat na nagiging bagyo ang arayb pagdating sa mga usapang healthy naman kaso nahahaluan ng mga pagbibida na kahit na walang koneksyon sa usapan ay pilit na isisingit, makapagbida lang. Kahit mukhang atribida naman hehe.

Pag ganito na ang scenario, what do we expect? Di misunderstood nga naman diba? Misconstrued. Ang siste, pag-uumpisahan ng sanga-sangang indi malamang usapin.

Ang pag-eere ay isang sakit sa kulturang Pinoy. Binabago nito ng buong-buo ang pagkatao into something you hardly know. Nakakagulat. Nakakahinayang. Isang prosesong punung-puno ng leksyon tungkol sa buhay. Kung bagyo man ang dating ng ere na ito, ang lahat ng masasalanta nito sana handa tayo na maiayos. Wala namang masama kung ma-overwhelm sa mga biyayang dumadating. Dapat pa nga nating ipagpasalamat ang mga ito sa Kanya.

 

be Be thankful. Wag nang OA.


 

It isn’t what you have in your pocket that makes you thankful, but what you have in your heart.

 

 

 

 

Have a nice weekend! lays

 

 

 

 

 

 

Advertisements

LSS 3

Indi ko pa nga pala nawe-wento sa inyo na sobrang hilig ko talaga sa music noh? (indi pa ba??)

Well, kasi dahil sa indi pa ko nakakaisip ng magandang topic para i-post, ishe-share ko na muna sa inyo ang bago kong music video (pasensya na kung mashadong cheesy ha!), adik kasi ako sa lyrics eh.

Minsan kahit indi ganun ka-ganda yung music, basta maganda ang lyrics…panalo na sakin yan. ūüôā

***due to copyright chorva, niligwak nila yung video na ginawa ko sa youtube. mas gusto yata nilang live kong kakantahin ang song na ito para ma-approve…haays, eto audio file na lang tuloy ang paraan na alam ko para marinig nio rin ung song. ūüôā

LOVE REMAINS THE SAME by Gavin Rossdale (hubby ni Gwen Stefani)

A thousand times I’ve seen you standing
Gravity like lunar landing
You make me want to run till’ I find you
I shut the world away from here
I drift to you, you’re all I hear
As everything we know fades to black

Half the time the world is ending
Truth is I am done pretending

I never thought that I
Had anymore to give
You’re pushing me so far
Here I am without you
Drink to all that we have lost
Mistakes we have made
Everything will change
But love remains the same

I find a place where we escape
Take you with me for the space
The city buzz sounds just like a fridge
I walk the streets through seven bars
I have to find just where you are
The faces seem to blur
They’re all the same

Half the time the world is ending
Truth is I am done pretending

I never thought that I
Had anymore to give
You’re pushing me so far
Here I am without you
Drink to all that we have lost
Mistakes we have made
Everything will change
But love remains the same

So much more to say
So much to be done
Don’t you trick me out
We shall overcome
It’s all left still to play

We should’ve had the sun
Could have been inside
Instead we’re over here

Half the time the world is ending
Truth is I am done pretending
Too much time too long defending
You and I are done pretending

I never thought that I
Had anymore to give
You’re pushing me so far
Here I am without you
Drink to all that we have lost
Mistakes we have made
Everything will change
Everything will change

I, oh I,
I wish this could last forever
I, oh I,
As if we could last forever

Love remains the same
Love remains the same

Love remains the same by Gavin

Sana magustuhan nyo din. ūüôā

ab

Ako ang iyong Konsensya

consh

 

Close ba kayo ng konsensya mo? Wala ba kayong mga isyu lalo na tungkol sa decision-making, sa mga ikinikilos, pagsasalita at sa feelings?

 

Di nga? Close talaga kayo???

 

Kung gayon…indi ka tao. ūüėÜ

 

Ang konsensya o para sa mas madaling paglalarawan…

Ang Safeguard ay isang mala-kaluluwang anino na kamukhang-kamukha mo pati ng suot mo na siyang lalabas sa kanang bahagi mo with matching good lighting (andun daw kasi ang mas magandang pokus ng camera) sa tuwing mahaharap ka sa mga bagay na kakailanganin mo ng back up o sa madaling salita ay total brainstorming muna bago pa man ito isagawa.

Isa itong espesyal na alerto na nagsisimulang gumana sa panahon na tayo ay nasa tamang pag-iisip para matimbang ang lahat-lahat ng dapat timbangin sa ating buhay. Isang sensitibong parte ng ating katawan na siyang tinatablan tuwing gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa normal o sang-ayon ng nakararami.

Mula Nursery hanggang College, pinag-aaralan natin ang kahalagahan nito sa ating buhay at ang epekto ng ganitong gawain sa ating kapwa. Kung indi pa ba naman tumatak ito na parang tattoo sa ating isipan eh ewan ko na lang.

Pero dahil nga sa likas na katigasan ng mga ulo natin… (alam nyo bang kinakailangan pang i-drill ang bungo bago ito mag-krak? — ganun ito katigas.) kadalasan kahit alam natin ang ga-mundong pagkakaiba ng tama sa mali na halos literal nang mangalabit ang mga safeguard natin eh…wala talaga, dedma lang.

Kaya nga nauso ang White lies.

Ito ang kasinungalingan na nilagyan lang ng mga design sa background, parang designed frame sa piktyer para kahit na pangit ang pagkakakuha ng mga taong nasa piktyer mismo, maganda pa ring tingnan. Inde siya totally pagsisinungaling pero ganun na rin yon kung susumahin.

Parang ganto:

Ginabi ka ng uwi dahil nag-deyt kayo ng jowa mo. Ang siste, yari ka naman sa ermats at erpats mo sa dalas nitong mangyari. Shempre, maninimbang ka. Ano bang mas less na sermon? Ang pagkabuking mo at ng jowa mo o ang malaman na umuwi ka ng gabi dahil kasama mo ang mga kaklase mo na pwede mo namang mapaganda ng konti ang dahilan? Naturalmente, mas gusto mong matapos agad ang usapan nang makaiwas na maalala pa nila ang iba mo pang kasalanan kaya, ito ang mas magandang isasagot mo sa kanila:

 

“Eh kasi po, dun na namin tinapos ang report namin sa bahay ng klasmeyt namin. Madalian lang talaga po kasi bukas na kami pinagrereport, indi na rin po ako nakatawag kasi sobrang dami talaga ng ginawa namin, hinati-hati na nga sa lahat ng members para matapos agad buti nga ganun ung ginawa namin eh kundi mas gagabihin pa talaga kami.”¬†

Sa mga gantong eksena, nagiging magalang at mala-anghel ang dating mo. Shempre, pag maangas ka pa, ikaw rin ang talo.  Yan ang white lies. Indi mo intensyong magsinungaling pero dahil sa ayaw mong makasakit at masaktan, nagagawa mo ito para lang makalusot sa sitwasyon.

 

Para rin itong Misleading advertisement.

Ito yung kadalasang makikita mo sa shopping malls – – – ang laki ng mga paskil ng¬† SALE at nakalagay sa¬†mga metal bin ang mga damit na pinagsama-sama…shempre sale eh kaya hahalukayin mo ito hanggang sa ilalim at kever sa presyo kasi nakalagay naman sa signage eh¬†50 lang. Tapos pagdating mo sa counter, napag-alaman mong yung isa sa nakuha mo, indi pala kasama sa sale at “nahalo”¬†lang daw ito. Nakakahiya naman kung ibabalik mo eh ang haba ng pila at nakaabat lahat sa’yo kung bibilhin mo ba ito o inde…Shempre bibilhin mo kasi kakahiya naman kung indi.

Yan ang misleading advertisement, sine-sale talaga nila ang iilan sa produkto nila pero sinasadya din nilang ihalo ang mga indi sale na produkto para mabili rin ito ng mga walang kamalay-malay na kostumer na eksayted sa sale chorva. Mabulaklak na white lie. Kaya konting ingat shoppers.

Pakyawan ang benta ng white lies. Kung ninenegosyo nga lang siguro ito, malamang nakapayaman na ng taong ito. Ang mabisang pampawala ng guilt dulot ng ating Safeguard. Parang Alcohol at Betadine, pareho ng bisa pero di sing hapdi ang epek.

Pero kahit gaano mo pa mapaganda ang mga white lies, indi pa rin ito makakalusot sa kalabit ng Safeguard kahit na mas madalas, nagawa mo na ang isang bagay bago mo pa maramdaman ang mga kuko nito.

 

Tulad ng eksena ng examination at unannounced quiz. Buong klase ang nakokonsensya sa pangongopya. (normal na pakiramdam bago gumawa ng mali.) Pero nangingibabaw pa rin ang takot na bumagsak sa exam at umulit ng subject kaya napipilitang gumawa ng indi maganda.

Ang isyu ng pangongopya, nagiging normal na lang na gawain. Ang pag-amin nito ay madali sa harap ng mga kaibigan at kaklase, ikukwento mo pa ng detalyado ang lab stori ng pangongopya. Kung Teacher, Magulang at si Kuya Jesus ang kaharap ang dami na sigurong white lies ang nagparty sa ating bibig.

 

Meron kaming kapitbahay, napakasipag maglinis ng bahay pati ang bakuran nito, sagana sa walis. Araw-araw naglalaba. Tuwing alas tres ng madaling araw, gising na ito para maglinis. Good for her kasi masinop siya. Pero sana naman ginagamit niya yung pandakot na partner ng walis niya at indi pilit niyang isinisiksik ang mga winalis niya sa gilid ng pinto namin.

Ang galing mag-white lies ng lola mo, kesho maaga daw siya nagigising at wala naman daw siyang nakikitang gumagawa nun. Sabihin mo kung nagmumulto ang mga alikabok sa harap ng bahay namin at nagkukusa na silang sumiksik sa gilid ng pinto¬†para naiintindihan ko naman. Buti rin sana kung indi ko siya nakita ng ilang beses na gawin yon sa tuwing inaabot ako ng alas tres ng madaling araw galing sa lakaran. ūüėܬ†Kahit na nasermunan ako, natuwa pa rin nanay ko dahil na-caught in the act ko naman kung sinu ang masipag na tagasiksik ng dumi sa harap ng bahay namin. ūüėÜ

 

Sa trabaho naman, kung pamilyar kayo sa mga umpukan tuwing break sa canteen o pantry, (sila ang tropang dapat mong iwasan.) Yung mga wentuhang kala mo tungkol sa ekonomiya at pulitika pero pag lumapit ka pa ng konti para pakinggan ang mga ito, showbiz pala at buhay ng ibang tao ang topic nila. Minsan kahit indi ka naman talagang pumaparte sa usapan at tipong nakikinig lang sa kanila, nakakaguilty pag kabatian mo yung taong pinag-uusapan nila na walang kaalam-alam na dina-dissect na pala ang pagkatao niya pag nakatalikod siya habang nakikipagwentuhan pa siya ng masaya sa mga ito.

Shempre, ikaw na may alam sa mga kumakalat na chismis…ayaw mo nang madamay kaya indi ka na rin magsasalita. Mahirap na malipat sa’yo ang sumpa. Tipong CIA ka na pero nagagawa mo pang mag-design ng white lies dyan. Lahat ng palusot, masasabi mo wag lang niyang maisip na indi mo nagawang ipagtanggol siya kahit konti kasi wala naman siyang ginawang masama sa’yo whatsoever. Mga¬†tama na indi naman kailangang baliin – – – binabaluktot lang.

 

¬†Sa ibang pagkakataon, unintentionally nakakapag-design¬†tayo ng white lies sa mga sitwasyon na talagang ipit¬†na. Wala eh, kesa naman sabihin mo ang totoo ‘di masisira na lahat. Inaako mo na lang ang posisyon na magsinungaling at dedmahin ang Safeguard dyan sa tabi mo alang-alang sa mararamdaman ng mga tao sa paligid mo.

 

 

Every one of us is human, and none of us are robots with programmed responses. As such we go through each day using our complex brains to make thousands of decisions and take thousands of actions. As a result, the chances are that a number of these decisions and actions will result in errors and mistakes. They will not all turn out as planned and we will have to make corrections, and apologies.  We make mistakes to learn, and the main thing is to make sure that you correct the reason for the mistakes and learn to avoid it in the future.

ab