Dok Aling Baby

Sa pagkakaalam ko, si Mama ang may pangarap maging Psychologist. Sabi nga niya sa’kin, yon din daw ang pangarap niya para sa’kin kaya lang nauso yung ‘Follow your dreams’ –chorva, kaya indi na lang niya ipinilit ang gusto niya.

Mula nung sinabi niya sa’kin yon, dun ko na-realize na may passion din pala ako sa pagiging psych (psychotic lang minsan hehe…). Indi ko alam if that’s the right term to use. Kapag usapan kasi about life and love, ang friends..yan ang madalas nilang i-open up sa’kin.

I’m not an expert, wala akong formal practice in counseling or kung ako ang right person para kausapin about these things. Mahilig lang talaga siguro akong umopinyon or magshare ng konting nalalaman ko. Most of what I share is from other people’s experiences. Sabi nga nila, learning from your mistakes is smart; learning from mistakes of others is wise. – And sometimes din, I put myself in their position to make better judgment of the situation.

It’s just how I see things.

I’m not saying na tama lahat ng sinasabi ko. I stand corrected naman and I appreciate other people’s opinions about things especially if they’ve personally experienced it. I’m always interested when people share these things with me, yung struggles, and how they went through it, tapos yung ginawa nila to move on and to reach this far para maging ok. Feeling ko, sumama ako sa journey nila. (OA ba? Hehe…) Ewan ko ba pero obsessed talaga ako sa mga ganun.

Wala naman nakalagay sa noo ko na ‘Free Counselling’, nao-auto mode lang sa ganun pag naramdaman ko na gusto nila mag-open up sa’kin. Si Aling Baby naman kasi, mataray lagi ang impression sa kanya ng iba kasi sobrang tahimik at parang indi kikibo pag kinausap mo but when you get to know her, you’ll be surprised kasi mas mataray pala siya at talagang indi palakibo makulit siya at makwento at maraming sinasabi at sasabihin.

Nung nakausap ko ang kapatid ko minsan, sa dami ng pinag-usapan namin at kung saan-saang topic na kami napunta, bigla na lang niyang nasabi sa’kin, “Pwede ka na sa counseling.” Gulat ko naman kasi ate ko siya tapos ako pa ang counselor.

Masarap din naman sa pakiramdam when you know the answers to some of life’s badtrips. Lagi ka may reality check at nakikita mo ito in a broader perspective. Parang ang dali-daling gawin. Para kang si Doc na nagrereseta ng gamot. Like pag indi makarecover si friend sa nangyari sa kanila ng ex niya, rereseta ka ng,

  • 1 week off ang mobile phone
  • No social networking for a week din
  • Go out with friends
  • Drink lots of alcohol beverage, drown all your sorrows..
  • Tapos meet new people

Diba? Hoping next week ok ka na talaga. When you see things idealistically, madali lang lahat para sa’yo. Kasi alam mo ang dapat para sa sitwasyon. Eh kung realistic ka rin, sasabihin mo naman, “Masakit yan now, pero mawawala rin yan. Maniwala ka.

Ang indi lang maganda when you know the answers, yung right and wrong…when it all comes down to your own situation, you tend to look at all possibilities at nandun yung traffic. Stuck ka na sa traffic. Kasi you’re just giving out all the answers to all those questions which means, when it’s time for decision making – umeexit ka na kasi sila na ang bahala dun. That’s the hardest part of the situation.

So, it doesn’t matter whether you know the answers and you know what to do. What matters is how you’re going to deal with it. You have to make a decision and you have to do it fast kasi maraming oras at panahon ang nasasayang. But let’s not forget the awful truth na indi ito ganun kadali.

Kahit naman gaano pa kahirap ang sitwasyon natin, ang importante, may mga taong pwedeng makausap at makapagbigay ng magandang advise sa current situation natin. Wala pa ring tatalo sa pakiramdam na alam mong maraming nagmamahal sa’yo at nagsasabi na indi ka nila pababayaan. Kasi isa ito sa nagbibigay sa’yo ng strength. Shempre wag din naman natin kalimutan si Kuya Jesas na laging nand’yan at certified na indi mawawala kahit kailan.

Lahat ng problema, may solusyon. Totoo yun, promise. 🙂

May-akda: Aling Baby

Hindi bagay, hindi hayop...parang tao lang. :)

5 na mga thought (isipan) sa “Dok Aling Baby”

  1. isa din ako sa naniniwalang lahat ng problema may solusyun,.. yung problema kasi nasa sayo rin kung paano mo titingnan o titimbangin… gaya nga nang sabi ko minsan na ang mga problema minsan blessing in disguise lang…

    Like

  2. automatic talaga sa karamihan yung magbigay ng payo sa problema. ang nangyayari kasi, nasa overview tayo nung iki nu kwentong pangyayari. so we say do this and do that. minsan nakakatulong, minsan, baka rin hindi.

    at tama ka, ang nakakatuwa, kapag nangyari naman sa atin, we tend to respond differently kesa sa nag gagandahang payo natin kung sa iba. siguro kase kapag nasa mismong harap mo yung problema, ang laki laki nya para makita mo pa yung posibleng solusyon. dun naman papasok yung kakayahan ng mga kaibigan na tumulong, this time kasi, nasa kanila naman yung birds eye view ng pangyayari.

    magandang araw aling baby!

    Like

Mag-iwan ng puna