Ballpen

Literal akong tao. Madalas napagkakamalan na weirdo mag-isip dahilan sa kakaibang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Ewan ko sa inyo, pero sa akin, ito ang paniniwala ko.

Hindi lahat ng nakikita mo, porket nakikita mo totoo na ito. Minsan mas maganda pa kumonsulta sa bulag. Baka sila kaya nilang makita ang totoo sa paraan na alam nila kahit wala silang malinaw at kumpleto pares ng mata para makita na ang katotohanan ay indi lang basta nakikita.

Nung nawala yung paborito kong ballpen na alam kong nakalagay sa cabinet sa loob ng bahay, naisip ko, baka naiwan ko ito sa opisina o di kaya nahiram ng isang kaibigan, baka nahulog ng di ko namalayan. Importante sa ‘kin ang ballpen na yon at kailangan ko siyang mahanap.

Sa kahahanap ko sa nawawalang importanteng bagay na alam kong nasa loob lang ng bahay, naisip ko tuloy lumabas at hanapin ito. Hinanap ko sa opisina. Nagtanong ako sa kaibigan. Pinuntahan ko yung mga lugar na madalas kong puntahan. Pero wala. Nawawala na talaga.

Pinilit ko naman hanapin. Pero sabi nga nila, ‘Kung kelan mo daw hinahanap ang isang bagay, lalo itong hindi mahanap. Pero subukan mong wag hanapin at kusa itong lalabas.

Nakakahinayang naman. Ganun naman tayo eh. Human nature na natin ang panghinayangan ang mga bagay kung kelan wala na ito. Bigla kang nagkakaron ng mahabang listahan kung gaano ito kahalaga sa’yo pag alam mong wala na siya. Ngayon mo pipiliting mahanap at makita. Ngayon mo sasabihin ang napakaraming ‘sana’ mo.

Sana rin naisip mo yun ng mas maaga kase walang pagsisisi sa umpisa.

Hinanap ko pa rin si ballpen. Lahat na yata ng kasuluk-sulukan ng bahay sinilip ko na at hinalungkat. At habang isa-isa kong binubuksan ang mga kahon na pwedeng napaglagyan ko nito, nahihinto ako kakatingin ng mga lumang bagay na nakalagay sa mga kahon na itinago ng pansamantala kasi indi naman ito nagagamit.

Sentimental ako, maraming bagay na dapat sana matagal nang naitapon pero pinipilit ko pa rin bigyan ng pagkakataong magamit ulit kaya sila nakalagay dun. Doon ako madalas nagtatagal, dun din nauubos ang oras ko kaya ayaw na ayaw kong magbukas ng mga kahon na iyon kung indi lang ito ganun kaimportante. May mga taong tulad ko, indi ako basta-basta sumusuko sa isang bagay. Pagpasok ng 2011, challenge ko sa sarili ko, ‘To have faith in people.’ Mahirap yun lalo na sa mga taong may trust issues but watdaheck, pwede sumubok. Wala namang mawawala sa’kin.

Indi ko nahanap dun si ballpen pero nakita ko ulit yung matagal ko nang di nakikitang diary ko. Namiss ko siya. Kaya na-divert na naman ang oras ko, nagbasa naman ako. Ganun naman talaga pag nababasa ko yun, parang andun lang ako. Nakakatuwa lang balikan ung nakaraan. Nung simple pa ang buhay. Nung kumpleto na ang araw mo pag makita mo lang ung crush mo at makakwentuhan ang barkada. Tatambay muna ako sa past, pahinga lang bago hanapin ulit si ballpen. Ngayon ko lang na-realize, napakadetalyado pala ng pagkakasulat ko ng everyday event dun. Sayang sana tinuloy ko na lang. Ayan na naman si ‘sayang at sana’.

Pagkatapos ko magbasa, binalik ko na ulit siya sa kahon. Masaya raw balikan ang nakaraan pero indi advisable na magstay dun. Move on na raw. Sa totoo lang, napakahirap gawin nun – ang mag-MOVE ON. Kala mo lang parang natulog at nagising ka lang pero it’s so much more than that. Ilang tulog at gising na pareho ang pakiramdam? At indi mo alam kung hanggang kelan mo uulit-ulitin yon hanggang sa dumating ang araw na gigising ka at wala na ito at ok ka na. Ang hirap kaya. Ikaw kaya, gawin mo.

Maraming nangyari sa paghahanap ko kay ballpen. Sa tagal na ginamit ko siya, dumating ako sa punto at nalito kung ano nga ba ang tinta niya, black o blue? Diba may engraved itong pangalan? Biglang indi ko na matandaan. Minsan akala mo kabisado mo na ang isang tao, bagay o lugar dahil sa dalas nio magkita at sa palagian ka rito. Pero alam mo bang yung labas lang ang nakikita mo? Kung ano lang ang abot ng mata mo. Yun lang. Minsan kasi okay na sa’yo kung ano lang ang nakikita mo at naniniwala ka nang yun na ang kabuuan niya kasi kabisado mo na ito. Ang totoo, marami ka pang indi alam. At malalaman mo lang ang mga ito kapag alam mong parang nawawala na siya at pilit mong inaalala ang mga pagkakataong nakasama mo ito na minsang naging highlight ng araw mo.

Indi pala nawawala si ballpen. Nakalimutan ko lang pala kung saan ko siya nailagay. Magkaiba kasi yung nawawala at nakalimutan. Yung nawawala kasi, pwede mong hanapin kung importante talaga siya at pwede ring hayaan mo na lang mawala kasi pagod ka na sa paghahanap. Pag nakalimutan kasi, nandun pa rin siya sa lugar kung saan iniwanan mo, indi mo lang talaga maalala kung saan pero alam mong nandun pa rin siya.

At pag malapit ka na sa parteng maaalala mo na siya, unti-unting babalik sa’yo ang lahat ng bagay na alam mo tungkol dito. –Oo nga pala, black ang tinta ng ballpen ko kasi ayoko ng blue’ng pansulat. Wala pala siyang engrave kasi ilang beses na nawala ung may ganun kaya indi ko na inulit. Oo nga pala, Parker pala yung ballpen ko kasi yun lang ang kasundo ng notebook na ginagamit ko.

Indi ko pa rin nakikita si ballpen at hinahanap ko pa rin ito. Indi ako susuko. Masasabi kong ginawa ko na lahat ng makakaya ko bago ko tuluyang tanggapin na wala na siya. Kasi makahanap man ako ng bago, alam ko indi ito magiging katulad niya.

*2011.week6

8 thoughts on “Ballpen

  1. pareho tayo aling baby may pagkasentimental din akong tao… kadalasan nagtatagal din ako sa isang bagay.. hindi ako mabilis mag tapon.. haysss

    sana mahanap mo na yung ballpen mo

  2. maihahalintulad ko ang ballpen na sinasabi mo aling baby sa isang tao.. na kapag nawala sayo saka mo lang makikita at maalala yung worth nya..:)) ayos tong post na ito..ganda po..:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s