REKLAMADORO/A

 

 

whine

 

 

Mahilig ka bang magreklamo?

Madalas ba na kapag nasa mga sitwasyong indi ka komportable eh indi ka mapakaling irereklamo ang mga ito sa ibang tao at kay Kuya Jesus?

O sadyang OC ka lang talaga kaya konting kibot, reklamo agad ang laman ng isip at bibig mo?

Ang pagrereklamo ay karaniwang aksyon ng isang taong dehado at feeling dehado sa isang sitwasyon na ang kadalasang reaksyon dito ay ang humingi ng karampatang sagot at tugon sa mga kinauukulan para akshunan ang mga ito. Ang mga kinauukulang tao? Pwedeng kaibigan, kamag-anak, kapitbahay, ibang tao… o kaya pulis, barangay tanod, si Mon Tulfo at kung sinu-sinu pang pwedeng makalutas sa mga problemang ito.

Naging biruan na tuloy sa tuwing may kaibigang laging may reklamo sa buhay eh sasabihan mo ng:

“Magreklamo ka sa barangay.” O kaya, “Isumbong mo kay Tulfo.” Pang-asar sa mga ito na mababaw lang naman ang pinuproblema.

Minsan, ang pagrereklamo ay ginagawang ekspresyon o normal na asal sa mga problemang umaasa kang pag nag-whine ka eh kusa na lang itong maglalahong parang bula.

Ano ba ang madalas na inirereklamo natin?

Bukod sa trapik, baha, mainit na sadyang nangyayari at wala tayong kontrol sa mga ito.

Ang mga sitwasyong tulad ng walang mahanap na trabaho, malaking utang, walang masakyan, ayaw payagang umalis, walang load, walang nagtetext, naubos na gas…ito naman ang mga unexpected events na mas makakagaan kung iku-kwento mo ito sa iba pagkatapos mangyari tapos ok ka na.

Likas na sa atin ang maging reklamador paminsan-minsan. Lahat naman halos sa atin ay nagkaron na ng pagkakataong maging mahina para pairalin ang pagiging maselan sa iilang bagay na hinaharap at nangyayari sa paligid natin. Hmmm…aminin.

Sa kulturang Pinoy, napakahalaga ang pakikisama at pagiging “cowboy” o walang arte sa katawan lalong-lalo na at malaking porsyento sa ating bansa ay nasa middle class. Kadalasan, ang basis ng isang samahan ay ang pagiging down-to-earth ng mga miyembro nito kaya mas tumatagal ang samahan. Indi naman sa nilalahat ko pero alam naman natin lahat na mas mapapalapit ka sa taong mabait, mapagkumbaba at walang yabang sa katawan kesa sa mga maaarte, mayabang/mahangin at walang ibang inatupag kundi ang mga materyal na bagay na siguro madadala nila hanggang sa kabilang buhay.

Sa atin kasi kapag kinikilala natin ang isang tao, napakaimportante ng unang impresyon.  Kung sa una pa lang ay kakikitaan mo na ng pagiging “maaarte”, mahirap pakibagayan o kailangang lagi mong ipi-please ang isang tao…indi ba’t obvious naman na maghahanap ka na lang ng mas ok dito?

Anu-ano ba ang iba’t-ibang klase ng Reklamadoro/a:

  • May reklamadoro/a na aalarma lamang kapag ginalaw o ginamit mo ang mga gamit niya nang walang paalam lalo na’t kabisado pa niya ang ayos nito. Kapag nakarinig ka na ng, “Hay naku, nakakainis talaga pag pinapakialaman ang mga gamit ng iba ng walang paalam.” Yun na. Sunud-sunud na yan.

Para maiwasan ang mga ganitong eksena, dapat indi nakikialam sa gamit ng may gamit, lahat tayo ay may right to privacy.

  • Meron ding OC lang na pahihiramin ka naman. Ikaw pa mismo ang pakukuhain. Pero kapag indi mo ito naibalik sa ayos na ginawa niya, humanda ka na sa mala fireworks na reklamong abot mo.

Adjustment lang naman siguro ang solusyon dito. Indi naman mahirap kung ibabalik na lang sa ayos diba?

  • Merong mga reklamadoro/a na malamang lumaki sa Antartika kasi indi sila sanay sa mainit. Yung mga akala mo naman sa Pinas eh, centralized ang tinitirhan niya kung makareklamo. Magugulat ka na lang sa asal nito na para bang celebrity lang.

Dapat sa kanya bumili ng sariling aircon tapos itapat niya sa sarili niya kahit saan siya pumunta tapos dalhin na rin niya papuntang opisina. Intindihin na lang ang mga tulad nila. Kung madadaan sa usap, yon ang gawin o kaya wag mo na lang pansinin…mapapagod din yan sa kakareklamo.

  • May mga pantastik pa nga na kumikita naman ng sapat para sa isang nag-uumpisa pa lang pero sige pa rin ang reklamo niya sa kababaan ng sinusweldo niya. Me dialogue pa yan na, “Kung nade-depress tayo sa sweldo natin…isipin na lang natin si Chuva Chenes (yung kaibigan niyang mas mababa sa sweldo niya.) diba?”

Tama ba naman yun???! Parang mas ok pa yata kung sinabi niyang, “Atleast sumusweldo pa rin kesa sa wala.” Diba? Indi ka na nakasakit na-inspire ka pa.

  • Mga reklamadoro/a na likas nang indi sanay makisalamuha sa ibang tao. Yung tipong ang ibang tao pa ang mag-aadjust para sa kanila. Kadalasan, kung sinu pa ang indi marunong mag-adjust, sila pa yung mahilig pumuna ng mga indi maganda sa kapwa nila.

Minsan kasi, tingnan naman natin yung magagandang bagay na ginagawa ng iba para sa atin. Indi porket nakagawa sila ng masama minsan eh wala nang chance para bumawi.

 

Ang pagiging reklamadoro/a ay isang senyales ng pagiging mahina at negatibong pag-uugali. Nakikita natin ang pagkakamali ng ibang tao na para bang nasa loob tayo ng isang glass case na indi pwedeng masaling. Pawang mga pagkakamali ng iba ang lagi nating nakikita at sa bawat mali na ito, doble at triple pa ang singil na ginagawa natin para lang maramdaman nito ang pagkakamaling nagawa na para bang sa ating mga sarili, indi natin nakikita na tayo rin ay nagkakamali.

Napakahirap tanggapin kapag ang sariling kamalian na ang pinag-uusapan. Ito ang isang bagay na bibihira lang ang nagagawang umamin sa sariling pagkakamali. Sa mga teleserye at pelikula kasi, madalas na ipinakikita dito ang pagganti o pag resbak sa mga taong gumawa ng mali sa’yo. Dito umiikot ang istorya. Kung meron mang ilang eksena na nagpapakita ng paghingi ng tawad nung kontrabida at gayun din ng bida sa mga mali ring nagawa niya…maliit na porsyento lang ito ng kabuuang istorya na inabot ng ilang taon bago natapos.

Pare-pareho lang tayong mga reklamador sa mga buhay natin. Nagkakaiba lang tayo sa diskarte. Sa aking palagay, kapag palaging negative ang tingin natin sa ibang tao at bagay…negative vibes din ang babalik sa atin. Lahat naman ng ibinabato natin sa kapwa, bumabalik at bumabalik ito sa iba’t-ibang paraan. Indi para makaganti ang mga ito sa’yo kundi para malaman natin ang resulta ng mga nagawa.

Kung palagi na lang nating irereklamo ang iilang bagay na nangyayari sa atin, siguro inis na inis na si Kuya Jesus sa atin. Diba  mas maganda kung paminsan-minsan palalampasin natin ang mga ito? Tanggapin na lang na wala namang perpekto. Mas makakagaan ng loob kung indi natin ipapatong ang lahat ng galit at inis sa ating mga puso, minsan palawakin din natin ang ating mga isip para maintindihan ang mga ito. I-welkam natin ang shortcomings kasi makakatulong din ito sa growth at maturity natin.

Kaya sa susunod na may makilala kang reklamadoro/a…pakinggan mo na lang siya tapos mag-change topic ka na lang at pag may pagkakataon, sabihin mo na lang sa kanya na masarap mabuhay…wag mo itong sayangin sa sobrang pag-iisip ng mga bagay na wala sa’yo at magpokus sa imperfectness ng mundo. Let’s live life to the fullest. 🙂

 

When God loves a creature he wants the creature to know the highest happiness and the deepest misery He wants him to know all that being alive can bring. That is his best gift. There is no happiness save in understanding the whole.”

 


 

 

 

 

May-akda: Aling Baby

Hindi bagay, hindi hayop...parang tao lang. :)

28 na mga thought (isipan) sa “REKLAMADORO/A”

  1. hay naku aling baby marami na naman akong natutunan sa post na ito…kaya ako hindi na ako magrereklamo…..hus tagal naman ng post mo dumating….halos tubuan na ako ng pakpak sa kababalik at kababasa ng alak-alakan ekek…..
    Aling baby hindi reklamo yan ha…freedom lang of expression..hahahahaha…palusot!

    Like

    1. Hi blu! salamat sa malimit na pagdalaw. 🙂

      pasensya na po kung matagal ang interval ng posts ko…kasi naman, pinipiga ko pa ang minsan tuyot na utak ko bago pa man ako makabuo ng panibagong entry. 🙂 di bale, kakain na ko ng maraming nuts baka makatulong. 🙂

      Like

  2. Aling Baby….mejo tinamaan ako sa posts mo, kasi minsan wala na akong ginawa kundi magreklamo kesa ganito,kesa ganon.

    Lage ako nayayamot at lage ako humahanap ng mali…

    Haizzzzzz…

    Napaisip tuloy ako.

    Buti na lang napadpad ako dito…

    🙂

    Like

  3. ako nga ba ang naunang magkomento? ako nga!

    yihhhiii..

    “May reklamadoro/a na aalarma lamang kapag ginalaw o ginamit mo ang mga gamit niya nang walang paalam lalo na’t kabisado pa niya ang ayos nito. ”

    akong ako to! 😦
    hehehe. ansarap magbasa ng mga gantong entry..
    di ka lang napapangingiti, natututo ka pa..

    niceee one te sha.. 😀

    Like

  4. tama ka aling baby.. lahat ng tao ay may reklamo sa buhay.. pero nde yun dahilan para tignan ang kahinaan ng ibang tao kaysa sa sariling kahinaan.
    ang masasabi ko lng.. lalo na sa mga kapwa natin OFW na nasa tabi tabi lng hehehe
    bago ka magreklamo sa hirap ng buhay mo, eh pagdaanan mo muna lahat ng pinagdaanan ko… papunta ka pa lng pabalik balik nako ineng 🙂 dahil kung may dapat mag reklamo satin.. dapat ako! bakit? hay naku.. sana naisip mo ung mga panahon na wala ako tpos ikaw walang wala pero, busog ka.. explain before you complain!

    may poot!? nyerks! love u kuya joey!

    Like

  5. it’s human nature – ang magreklamo… wala kasing contentment ang tao. minsan kapag nakuha na ang gusto, hihirit pa ng isa.

    guilty di ako dyan. ako kasi si reklamadora 1 & 2… mahirap talagang maging OC… kailangan yata matuto akong maging makalat paminsan-minsan. 😆

    Like

  6. ahah kahapon lang naging reklamador ako sa jeep, papuntang sm marikina. Sobrang trapik, may truck na nakaharang sa kalahati ng daan. Sisi ako ng sisi tapos may banggan pa. Gumagaan naman pakiramdam ko kahit konti pag nagrereklamo kesa manahimik. hehe

    Like

  7. hindi ako mareklamo pero may diskarte ako 😀 iyun naman ang importante e, magreklamo ka pero dapat alam mo kung anu nirereklamo mo at alam mong lusutan 🙂

    Like

  8. salamat sa pag bisita sa BOMBA!!!..,
    reklamo..?
    ahhmm..,
    minsan lang ako mag reklamo..!
    pero…
    kapag nag reklamo na ako…
    ibig sabihin noon…
    punong puno na ako..!
    pag titiisan ko muna ang sitwasyon…
    hanggat kaya ko..!
    tapos…
    kapag paulit ulit at…
    walang nababago..!
    doon lang ako mag rereklamo..!
    reklamong sumasabog..!
    BOMBA!!!…
    hehehehehehehe..! 😉

    * ikaw pala ay aking idinugtong..!

    Like

  9. aling baby, maganda ang isinulat mo. totoong lahat tayo ay mga reklamador/a at some point. pero hindi ko lang gusto yung ending, para kasing pagod ka na sa mga reklamo. kung ako ang rereklamuhan, ang ssabihin ko, “anong gagawin mo ngayon?” kasi naman, natatalsikan na ako ng mga laway nila pero wala namang balak gawin sa reklamo nila. yun ang di ko ma-take.

    Like

    1. hi ada… 🙂 salamat sa pagbisita.
      minsan talaga nakakakapagod din ang laging makinig sa mga reklamo lalo na’t indi ka
      naman nagkukulang sa mga paalala. pero indi ibig sabihin na hihinto na talaga…papahinga
      lang tayo. tuloy ang buhay. 🙂

      Like

  10. shoot!

    sakto!

    may kakilala ako na maalis lang ng konti sa tapat ng aircon/ electric fan, nagmimistulang gripo na yung mukha sa tagaktak ng pawis. at tila radio yung bibig sa kakareklamo.
    asar! haha

    Like

  11. ganda naman ng post mo aling baby..tumpak lahat ito 🙂
    madalas nga tayong magreklamo na mahirap ang buhay.. pero sa totoo lang narinig ko na rin ang salitang ito sa aking mga magulang.. 🙂

    salamat!

    Like

  12. kahirap pa namang kasama ang ganung reklamador, pare siyang mabigat na baggage na hihila sa iyo pabaligtad. Me iba naman na ang style kapag alam na me ilalapit ka sa kanila raratsadahan ka ng walang katapusang problema na sa dulo e magiguilty ka pa kung bakit naisipan mo pang lapitan hahaha.

    Like

  13. papasa ako sa reklamadorang… naiinis kapag may kumukuha ng gamit ng ‘di nagpapaalam. hahaha

    pero may kilala ako na reklamador na ‘di sanay makisalamuha sa tao… sobra ang adjustment namin sa kanya. pero ganun talaga, para siyang malaking challenge.

    ….good thing talaga para sa mga reklamador ay may mapagtiis na tenga at may lugar para sila ay makapagmuni-muni.

    Like

  14. ALING BEBS! alam mo ba?! alam mo na nga bang talaga?!?!? na itong post mo…!!! pra siyang generalize na post ko?!?!?!

    how coinciding!!!!

    natutuwa naman ako… though hindi buo, yung huling part, swak na swak…

    ^^

    galing!

    Like

  15. “Merong mga reklamadoro/a na malamang lumaki sa Antartika kasi indi sila sanay sa mainit. Yung mga akala mo naman sa Pinas eh, centralized ang tinitirhan niya kung makareklamo. Magugulat ka na lang sa asal nito na para bang celebrity lang.”

    Natamaan ako dito. Hmmm… nasanay lang siguro kasi ako sa baguio eh. pero hindi naman grabe kung magreklamo. Pabulong lang. Hakhak!

    Pero hayun minsan reklamadora ako. Meron ding iba na nagrereklamo sa ibang tao pero hindi masabi sa taong dapat pagsabihan nun. Pero pag sasabihin mo sa kanyang sabihin sa taong iyon hindi niya masabi. Nahihiya daw. Ay pAk!

    hakahk!

    Like

Mag-iwan ng puna