Di siguro…

 

basyang

 

Sa mahigit ilang libo’t ilang daang mga araw na dumaan sa buhay natin. Kung lalagyan natin ng klasipikasyon ang bawat pangyayari, pwede nating hatiin ang mga ito sa hanay ng mga masasaya, malulungkot, kakahiya, kakilig-kilig, outstanding, kanerbyos-nerbyos, first times, kasikatan, kabaduyan, kasula-sulasok, saktong moments, stress, depress, climax,wholesome, censored, sacred, monumental, fleeting at marami pang iba.

babies

Bago naman tayo binuo, nahulma, magpaikot-ikot sa mga uterus ng ating mga nanay at maiskedyul sa pag-arayb sa mundong ito. Wala tayong kaide-ideya kung anu ang magiging kasarian natin, sinu ang magiging magulang (at kung anu ang binabalak nilang ipangalan sa atin.), saang parte ng mundo tayo iluluwal, bakit ba tayo ipapananganak at ng anumang magiging buhay natin.

briefing

Walang briefing na naganap sa loob ng uterus. Basta kailangan habang nasa loob ka pa, dapat paminsan-minsan sisipa at susuntok ka para malaman nilang buhay ka at ma-excite sila sa iyong pagdating. Tapos pag nailabas ka na, wag na wag mong kalilimutang ngumawa dahil tears of joy yan ng mga sanggol na buong pusong nagpapasalamat sa inang nag-alaga sa kanya hanggang siya’y mailuwal (naks!).

new-born

Mula nang maipanganak tayo, wala pa ring dumating ni isa na kahit pa nag-katawang baby para magkaintindihan kung ano ba ang in store sa atin sa mundong ito. Sa kaaabang ng diaskeng orientation na yan, inabangan na lang ang mga darating kung anuman yun.

Kaya nga ba nauso ang TAMA at MALI eh. leftrightwrong

Bata palang tayo, right-way-wrong-way naituro na sa atin na ang direksyon na tatahakin natin ay sa kung anu ang tama at patas sa tingin ng Diyos at ng sangkalahatan. Shempre, meron bang magulang na nagturo ng mali? (Meron din siguro – – yan ang balance of nature eh.)

Sa ilang taon natin sa elementary, hayskul at kolehiyo alam na alam na natin kung sino ang manloloko, manggagamit, estapador, plastic, o kahit na ano pang klase ng masasamang gawain meron ang isang tao.

Meron tayong takot sa Diyos. cross

Respeto sa bawat isa. respect

Makagawa ng mabuti para sa kapwa.deed

Magpakatao. oblation

Ang daling sabihin noh? Pag bata ka, maiiisip mo na “Ganun lang pala ang dapat gawin ng isang tao para maging karapat-dapat siyang makasama si Papa God.” Ganun lang tapos kakandirit ka na papunta sa mga kalaro mo sa iskul.

As we grow older, yung realidad ng buhay…ikaw mismo ang hihimay-himay nito.

[Reaksyon ni Aling Baby: Uumpisahan ko palang himay-himayin, parang ayoko nang ituloy. Nood na lang tayo hehe.]

 

Lalakbayin mo ito mag-isa. Whether you like it or not.

 

Kasama na rin sina teacher_in_classroom titser, sister, ate canteen, manong guard, kuyang tindero, manong driver, ateng tindera at ang mga bumubuo ng komunidad malapit sa eskwelahan ninyo.

Makikilala mo ang mga taong kasabay mong tutuklas ng sinasabi nilang love PAG-IBIG o LAB. Magbibigay ng unang karanasan na indi mo malilimutan. Wala pa naman akong nakikilang indi na heartbroken ng kanilang first love. Indi nagkatuluyan at kung naging sila man, malamang ngayon pinagsisihan na nila na indi sila nakapamili muna bago nag-asawa.

Nariyang masasalubong mo sa daan ang mga taong magiging malapit mong kaibigan. friends Minsan, nasa elementary pa lang makikilala na natin sila. Madadagdagan pa pagtapak ng haysul at kung meron mang dumating pa nung kolehiyo, masasabi mong solid pa rin yung tropa sa hayskul. Maraming darating at aalis. Indi rin natin alam kung sinu ang mga totoo at siyang maiiwan sa tabi natin hanggang pagtanda. Kung bakit – -eh wala ngang nag-orient. Kahit naman biyayaan tayo ni Papa God ng maraming kaibigan, nasa sa atin pa rin at sa pag-aalaga sa pagkakaibigan tumatagal at lumalalim ang samahan. Walang anting-anting na dapat gamitin at minsan indi sa tagal ng samahan napapatunayan ito nasa pakikisama pa rin. Laging sa pakikisama.

Shempre, kung merong mapapalapit sa’yo sa lakbay ng buhay…meron ding indi.  argue Sila ang mga magiging humps, bukas na manhole, baku-bakung daan,putik at kung anu-anu pang pwedeng maging sagabal sa maayos na lakbay ng buhay. Walang taong walang kaaway. Kahit nga yung pinakamabait na meron pa rin sumusubok sa kanilang pagkatao. Sa lahat ng pagkakataon, meron tayong isa o dalawang taong indi makakasundo. Normal lang yun. Sa bawat sitwasyon na makakasalubong mo ang mga tulad nila, ang lahat ng matututunan mo sa eksperyens na yun ay makakatulong sa’yo sa mga susunod pang humps na darating. Pag umabot tayo sa puntong indi na kayang pang i-stretch ang ating pang-unawa, isipin na lang natin na indi masarap ang buhay sa kulungan. Indi masarap ang ulam at indi de-kutson ang kama. Indi lahat ng umaatras sa laban ay talo. Ibayo pa rin ang tapang na ito para harapin ang mga mapang-asar pero sa mata ni Papa God…panalo ka!😉

Mga taong magbibigay sa’yo ng inspirasyon inspiration para sa kung anu ang gustu nating “maging” sa ating paglaki. Ang magkakaron ng impluwensya sa mga gustung abutin at marating.

Kung meron bubuo ng pangarap, meron din namang villain_icon wawasak nito. Yung mga taong hahamon sa tibay ng dibdib at faith natin sa Kanya. Nakakaloko pa nga ang mga ito dahil indi sila titigil hangga’t indi ka susuko. Malimit pa naman na sa unang pagkakataon ay sumusuko na agad tayo sa kanila. (Ganyan naman talaga pag pers taym eh, duwag pa tayo.) Pero pagkatapos matuto sa mga nangyari, nakakapagtakang kahit na ilan pang tulad nila ang dumating sa buhay natin ay indi na ito threat sa atin.

graduate_pic

Kapag natapos na ang pag-aaral. Nakapagtrabaho. Unti-unting naaabot na pangarap. Saka darating ang phase sa buhay natin kung tayo ba’y mag-aasawa na, mamimili muna, magbubuhay dalaga/binata, mag-iipon, mag-aanak muna, makikipag live-in, o mamumuhay nang mag-isa. Kung anuman ang magiging desisyon natin para sa future…kusa yang dumarating at indi hinuhulaan.

regret

Sa lahat ng pangyayaring ito sa buhay natin, kapag nararamdaman mo nang nakalampas ka na sa kalagitnaan ng life span mo. Indi maiiwasang maramdaman ang ilang panghihinayang sa mga bagay na napalampas. Pinabayaan. Indi sinubok. Indi tinapos. Mga pag-ibig na pinakawalan. Mga araw na sinayang. Mga salitang binitiwan.

Nakakapanghinayang man ang mga ito, fate na rin ang siyang may gawa kung bakit nangyayari ito. Para sa ibang naniniwala na “ito ang nakasulat sa ating tadahana.” Regrets pag pinaganda. Indi naman kailangang mabuhay ang isang tao na umiikot na lang sa mga bagay na pinaghihinayangan eh. Mas dapat na ituloy natin ang journey para itama ang mga maling nagawa.

Para sa akin, ang mga bagay na nawala ay indi pinanghihinayangan. Indi ko ito pinipilit ibalik o kunin dahil alam ko yun pa rin ang mangyayari sa ayaw at sa gustu ko. Tinatanggap ko na lang ang mga ito dahil naniniwala ako na ito ang isang paraan para matuto.

Kailangan bang sisihin ang magulang kung bakit pa tayo ipinanganak nang mga ito gayong ang hirap pala talaga ang mabuhay sa mundo???

DI SIGURO….😉

 

 

 

 

16 thoughts on “Di siguro…

  1. naalala ko tuloy yung mga pinagsasabi ng mga klasmeyt ko nang bumagsak sila sa analytival geometry kasama ko…

    yung mga “bakit ba kasi…” namin

    hanggang humantong sa “bakit ba kasi ako inire ng magulang ko…”; ” bakit ba sila nag-sex?..ayan tuloy… hindi muna kasi nagpigil…” LoL!!!

    Nakakatawa na nakaawa… haaay…

  2. wow naman aling baby parang sinulat mo na ang talambuhay ang human kind……congratulations ……isang obra-maestra sa paghabi ng kasaysayan mo, ko at natin….kudos sa malaya at malalim mong pagsiwalat ng isang katotohan ng buhay….

  3. wow naman… sobrang haba ng entry pero punong-puno ng laman. Napakaganda at parang ang dami ko pa palang di alam. Ang dami kong narealized at may mangilan-ngilan na natutunan…. Marami pa akong lalakbayin, at marami pang humps ang madadaanan. Malau pa ako. Salamat sa mga kung anu-anu slash kuro-kuro mo dahil ito’y makakatulong sa buhay ko.

  4. awts. ang haba ng posts pero natouch na naman ako.
    hanky please…
    hakhak!
    ayaw ko magakaroon ng regret sa buhay..
    pero yun ang kadalasang nararamdaman ko…
    hayyyyy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s