Problema :(

Di na talaga nauubusan ang problema sa mundo.

Oh well.

Marami talagang problema. Iba’t-iba para sa lahat. Eh bukod sa budget na pawang generic na, yung pinoproblema kong tummy fats…heto nga’t nag-upgrade na sa pisngi, braso at pata ko. Yan ang main concern ko. Yan ang magnified ngayon at nasa state of emergency. Pero tuwing gabi, sa kusina namin, parang merong makinarya ng mga pagkaing bawal at detrimental sa mga pangarap kong maglaho ang mga taba na ito. Pwede ka bang i-donate? Ang dami talaga d’yan, hirap na hirap tumaba. Eh heto ang mga unwanted-ever kong mga taba, please lang, iyong-iyo na ito FOC!!

lose weight

Para sa nakararami, ang problema kong ito, maliit na bagay daw. Hmp, akala nio lang ganun-ganun lang ‘yun. Akala nio lang, maliit na bagay. Pero kapag ikaw na, eto na, kainan na…mapapasabi ka na lang na, “Ano’ng araw ba ngayon? Hmm, next week na lang ako magsisimula. Pangit magsimula ng alanganing araw. Kakain na lang ako ng konti.” At lingid sa kaalaman mo, nakaka-tatlong Linggo ka nang ganito. Naglolokohan na kayo ng sarili mo. Hanep lang.

Nakaka-relate ba kayo?

Nung isang buwan, nagpyesta ako. Taray pa ng mga linya kong mala-taga mo sa bato…”Magddiet na lang ako pagbalik ko dun. Kasi sayang lang ang effort. Pagbalik dun, simula agad-agad. Hahaha!!” Sarap kiluhin ng mga kanin na kinain ko. Ngayon, na-kanino ang huling halakhak? Malamang andun sa timbangan na ni hindi ko malingunan, dalawang Linggo mula nung nakabalik ako galing bakasyon.

weight pros

Bakit ba ang hirap? Yung gustung-gusto mo naman pero hindi pa sapat yung gusto na yun para simulan mo na. Para, hawiin mo na yung mga walang kapararakang umuubos ng oras mo para simulan ang dapat at ang galing mo pa talagang gumawa ng mga rason para ipagpaliban. Tapos magbbrowse ka ng mga litrato mo nung kaunti pa lang ang gusto mong mabawas sa’yo. Ngayong mas marami na parang wala ka nang balak. Parang nag-aantay ka na lang ng himala. Ng Divine intervention. Gustung-gusto mo pero nakaupo ka pa rin d’yan. Ganto na lang ba tayo?

Gusto kong i-challenge ang sarili ko.

Nagawa ko nga dati eh. Bakit hindi ko magagawa ngayon? Diba?

Sabi nila, kung gusto mong may mabago, simulan mo sa sarili mo.

Eto na nga.

Mamaya, haharapin ko na ang matagal ko nang iniiwasang timbangan namin. Gagawin ko na ang dapat. Sisimulan ko na para hindi na yung puro gusto lang. Kikilos na ko. Hindi na ko tatamarin. Para hindi na lang puro sana. Kailangan ko nang i-push ang sarili ko kasi wala namang ibang gagawa nito para sa’kin. Para sa’kin din naman ‘to. Ako rin naman ang makikinabang sa resulta nito.

Kaya ko ‘to. Pramis ko yan sa inyo.

Babalitaan ko kayo. 🙂

lose-weight-woman

Advertisements

Merong permanente sa mundo. Meron.

Yang tat mo.

tats

Meron ka bang tat? Pang ilan mo na yan?

Masakit? San mo pinalagay?

Wow, ano’ng meaning nyan?

Magkano?

Nung bata ako, meron kaming kapitbahay na si Mang Kanor. Laging nakahubad at nakikipag-inuman sa harap ng tindahan sa tapat ng barberyahan ni Mang Paul. Si Mang Kanor na punumpuno ng tattoo ang katawan. Galing bilibid.

Dati, pag may tattoo parang equal na rin ‘to sa mga galing bilibid. Urban legend yan noong panahon ni kopong-kopong.

Pero ngayon, ang tattoo parang bagong accessory. The more the merrier. Mas colorful, mas maraming gustong magpagawa ng ganun din. Ganun na ganun na ilalagay sa likod o sa binti o sa braso.

Meron din ako nyan. Dalawa na.

Yung isa, nadala sa agos ng trending at kagustuhan maka-try ng something bago. At yung pangalawa, may malalim na pinaghugutan.

Hindi ako mahilig sa tat. Dati, pag nakakakita ako ng may ganyan na plain black, yung halatang hindi pulido ang pagkakagawa na nakalagay sa brasong nagsisimula nang kumulubot. Naisip ko, hindi ako magpapalagay nyan. Never. Si Claudine Barretto nga eh, pinatanggal ung anklet tat niya na may pangalan ni Mark Anthony Fernandez eh. Ibig sabihin, isa itong permanenteng desisyong di mo pwedeng basta-bastang bibitiwan dahil mas masakit pag ayaw mo pala nito at nagsisi kang ito ang ipinalagay mo eh pag pinatanggal mo, another masakit na naman.

Kaya heto, pinagtawanan ako ng Never na sinabi ko. AT nakakadalawa na ‘ko.

Ang totoo nyan, masakit talaga ang magpatattoo. Depende kung saan mo gustong ipalagay. Mas mabuto at manipis na balat, mas masakit. At kung mahina ang pain tolerance mo, eh manood ka na lang. Bukod dun, kailangan din na yung ipapalagay mo, may meaning sa’yo hindi yung dahil uso lang. Kasi uso talaga si tweety bird at tazmania dati eh, ang daming nagpalagay nun. Astig diba? Ngayon, may edad ka na at may six pack abs ka pa tapos may tat kang tweety bird sa dibdib. Seriously. So, ano ngayon ang balak mo kay tweety nyan?

Biruin mo, masakit na nga, magastos na nga, permanente talaga tapos kung anu-ano lang ang ipapalagay mo. Kaya kung di ka pa sure at atat ka lang….kalma muna ha? Hindi pa magugunaw ang mundo bukas.

At since hindi rin ganun kadali na alisin ang mentality sa Pinoy household ang thinking na isang sign ng pagiging rebelde, kriminal, astigin, pasaway, adik, etc. ang mga meron nito. It’s high time to get things straight. Kasi alam naman nating lahat na hindi totoo yun. Kriminal ka ba?

At hindi ko rin sinasabing magpa-tat na rin kayo. Kung gusto mo at kaya mo, goow. Life is too short not to try something new. Yun eh, kung trip mo talaga. Wala namang pilitan.

Kasi para sa mga nakasubok na, di talaga maiwasan na dumating yung araw na gusto mo pa ng isa. Hahanapin mo kasi yung sakit at feeling mo, tumaas na din ang level ng pain tolerance mo…tapos saktong may nakita kang bagong design na gusto mong ipalagay sa parteng mas challenging lagyan. Kaya mo siguro diba? Kaya papalagay ka ulit hanggang sa di mo namamalayan na marami na sila at oa na. 😛

Papalagay pa nga ulit ako, dalawa pa. (Char!) Nakakuha ako ng permit para sa dalawa pa pero pinag-iisipan ko pang maigi kung itutuloy ko o iddeclare ko nang tapos na ang experience na ito at move on na sa ibang adventure.

Wala namang masama sa tat. Permanente lang naman ito, ano ba naman yun sa’yo diba? Katawan mo naman yan. Desisyon mo na yan. Kung magpapalagay ka para lang makiuso, wag mo sanang kalimutang pag di na ito uso, di mo na rin ‘to mae-erase (pero pwede pa rin naman, with kelloids and everything…). Kaya, isip muna maigi ha at isipin mo ring maigi ang long-term effect pag pinalagay mo ang butterfly tat sa leeg o sa braso o sa binti ha? Kung talagang sure ka na, goraa…kontakin mo ang pinakamagaling na kuya’ng dudutdut nyan and Good luck! 🙂

*Photo credits: Google search, Friends and Balot  🙂