UWIAN NA!!!

 

Alam n’yo ba na ang bakashun minsan sa isang taon ang isa sa pinakamalaking highlight naming mga nasa ibang bansa? Taob ang ilang mahahalagang okasyon pag ito na ang pinag-uusapan. Kaysarap sa pakiramdam pag alam mong makakauwi ka kahit ilang linggo lang sa lupang tinubuan para makasama ang mga mahal sa buhay at makapagpahinga na rin kahit papano.

Pero sa tuwinang darating ang panahon na ito, ang isa sa pangunahing pangangailangan ay ang datung. Naman. Ang proseso nito mula sa pagpa-plano ng petsa, pag-aasikaso ng tiket, kargo padala hanggang sa pocket anda pauwi ay indi biro.

Para po sa dagdag kaalaman ng iba, may kahirapan ang pagbuo ng planong ito sa nakararami lalo na kung indi naman kalakihan ang kinikita sa ibang bayan. Pahirapan nang masasabi, mabuti na lang at likas sa ating mga Pinoy ang pagiging maabilidad kung kaya’t nakakaisip ng ibang paraan para lang maging posible ang mga bagay na imposible.

Indi biro ang manirahan at manilbihan sa ibang bayan. Isang malaking sakripisyo na ngang matatawag ang mahiwalay sa mga mahal sa buhay pero ito rin ang siyang nagbibigay ng lakas ng loob para ituloy ang laban. Sabi nga ng matatanda, “Pag may tiyaga, may nilaga.” Kaya kahit na mahirap at hirap, napapagaan ito ng pang-unawa, pagkalinga, pag-aalala at pagmamahal na ipinaaabot ng mahal sa buhay sa Pilipinas. Maliit na bagay nga lang ito pero ang para sa aming nasa malayo, gamundo sa pakiramdam ito.

Likas na kasi sa ating mentalidad na kapag nasa abroad ang isang tao, pagtatak pa lang ng entry stamp sa passport ng bansang pinuntahan, para bang kasama na rito ang isang milyong salapi, bahay at lupa, magarang sasakyan at napakalaking sweldo. Ang tingin sa’yo ng lahat ng naiwan mo sa Pinas – – mayaman. Oo, mayaman ka nga. Mayaman ng isang entry stamp sa kanilang lahat at ang stamp na yon ay nagkakahalaga ng milyones – – – kung nabebenta nga lang ito.

Indi na siguro natin maiaalis ang mentalidad na ito sa ating lipunan. Kailangan na lang natin masanay at maipraktis ng maayos ang arte ng isang mayaman (If you can’t beat them, join them.), kase pag sinabi mong inde mas lalo silang maniniwalang mayaman ka. (Diba, walang kawala?)

At dahil dito, kahit mahirap, pipilitin mong makapagdala ng kahit ano para sa buong angkan na singdami ng 5 baranggay ng mga kamag-anak na first time mong makita sa tanang buhay mo na biglang nagsulputan dahil ikaw nga raw ay mayaman na. 🙂 At yung mga not-so-friendly sa’yo’y biglang naging bestfriend ka na lang bigla dahil sa pag-uwi mo. Ito ang ilan sa mga bagay na expected nang nangyayari at patuloy na nangyayari kaya medyo nakakadismaya lang.

Marami rin kasi dito na kahit wala na, pinipilit pa rin kahit na magkandabaun-baon sa utang, mapangalagaan lang ang reputasyon ng pagiging mayaman and all. At sa ganitong pagkakataon, nakakagawa rin tuloy ng mga bagay na indi maganda. Pagbalik tuloy sa ibang bansa, ayun…bayaran ang kaharap.

Lingid sa kaalaman ng marami, mas nangingibabaw para sa amin ang pakiramdam na eksayted kang makita ang mga mahal mo sa buhay. Yung ilang taon na inilagi mo sa malayong lugar, ito na yung panahon na makasama mo sila sa pagkain, manood ng sabay, umaatikabong kwentuhan, ma-update ka sa paglaki ng mga bata, yung mga namiss mong pangyayari, maipamili mo sila ng mga gustu nila, makapagsimba kayong buong pamilya, makapagselebreyt ng isang okasyon na kasama sila, super bonding, mayakap at maramdaman mong ito, nandito ka kasama ng pamilya mo sa bahay na kinalakhan mo, ito ang comfort zone mo yung matatawag mong iyo.

Ito ang dahilan kung bakit ka uuwi. Kung bakit eksayted kang uuwi. Diba?

Kaya’t sana, maintindihan ng lahat na mas masarap sa pandinig ang maalala at alalahanin at indi para ipaalala ang mga pasalubong na huwag itong makalimutan dalhin kasama na ang mahabang listahan ng mga taong dapat na pasalubungan. Kasi nakakasira ito ng excitement. Pramis.

Kaya eto nga, indi pa redi ang bagahe ko…meron pa kong ilang araw bago umalis. Alam ko malapit na malapit na pero indi ko na mashadong inaantay kase mas lalong nagtatagal eh. Eto ang unang beses na uuwi ako pagkatapos ng halos apat na taon ko dito, kaya siguradong multi-millionaire na ako para sa mga kachokaran dun sa kanto ng David. Well, mahirap na sigurong alisin ang mantsa na ito sa Pinoy Culture. Mahirap nang tanggalin ang permanente na pero pwede pa rin naman nating ipaliwanag ang ilang bagay na mahirap ding itanggi….ang katotohanan, diba?

Yun lang! 🙂

 Aling Baby

Advertisements

Musta bakasyon?

 

Kung meron man akong pinakagustung gawin pag may holiday eh eto yung pakiramdam na walang ginagawa. Yung alam mo na bakante ang buong araw mo at pwede kang magpa-appointment somewhere out there, pwedeng tamarin, pwede ka sa biglaang lakaran at mag-tamad day.

Sa halos limang araw na bakasyon na dumaan, indi ako shur kung nabigyan ko ba ng hustisya ang ilang araw na yon na halos isang taon ko ring hinintay. Kunsabagay, sakto lang din talaga kasi kalilipat lang namin at sa dami ng mga unforgettable at forgettable moments…We deserve this break. Kaso lang, naritong nagkarpintero, kargador at nagpaka-atchay naman ako ng  ilang araw. Isa pa, excited din kasi sa bagong room. Maliit pero punumpuno ng peace of mind. 😉

Naisip ko lang, indi ko talaga ma-take eh…parang nasayang ko yung bakasyon na dumaan.

Pag alam kong walang pasok, naka-otomatik na ang body clock ko na magpuyat. Tila ba napakahaba ng gabi. Lahat ng pwedeng gawin, magagawa ko na parang may pasok na kinabukasan sa dami ng activities. Mas masaya sana kung meron pang internet na kasama kaso mo, wala kaya ang dami ko tuloy na-miss sa blogosphere.

Naritong maglagalag at mamasyal na rin sana sa mga tourist spots dito sa Dubai para may maidagdag sa pics collection, kaso naman indi kagandahan ang mga schedule ng mga kasama ko. Pag kinalkula mo, dalawa lang kami ni Peebee makakaalis — ang saya diba?

Kung nahilig lang sana kaming gumimik at mag-inom all night long,  kaya nga lang indi rin. Mas gustu pa naming manood ng random movies kesa maramdamang sober at tipsy kaya ayun, movie marathon na lang kami.

Tinamad din kaming mag-mall tour dahil sa dadalawang piraso lang kami, wawa naman ang maiiwan sa bahay.

Oks lang, kahit indi natuloy yung mga out-of-bahay lakads na pinagpaplanuhan nang gawin couple of months earlier…sa dami ng pwedeng gawin sa bahay, sulit na sulit pa rin ang 5 days vacation na naganap. Sinu bang maiinip sa……..

  • Magwentuhan habang nagsa-soundtrip.
  • Maglaba habang nagkukulay ng buhok.
  • Magluto ng ulam na ilang buwan mo nang kine-crave kainin.
  • Makipaghabulan sa mga pusa (Mariah, Rihanna at Dishwalla) sa loob ng bahay para lang indi sila umakyat sa mga kama habang hinihintay maluto ang ulam.
  • Makakita ng ga-palad kalaking butiki ng alas kuatro ng madaling araw na singtapang ni Andres Bonifacio dahil nanunugod ito at walang takot na lumalapit samin habang namamaos na kami kakasigaw kada hakbang niya.
  • Makipag-bonding sa aming next door neighbor, nagkaron pa kami ng mini picnic chorva sa dining area nila.
  • Hulihin si Stuart Little (daga) sa maliit na sulok na tinataguan niya malapit sa kusina namin na siya namang ginawang laruan ng tatlong pusang alaga namin. Sa takot ni Stuart, nagpe-play dead talaga siya hanggang sa tuluyan na siyang kinuha ng Diyos ng mga daga.
  • Alalahanin ang mga kolektor ng bahay, tubig, kuryente, mayordomo, mukhang alahador  na nagpapaupa sa kabilang bahay, utang sa tao-hayop-bagay-lugar-at-pangyayari habang kumakain ng bubog at umiinom ng coffee with fire. Sinu ba namang indi mag-eenjoy sa gantong bakasyon diba?
  • Magkulitan, magwentuhan, mag-asaran, magchismisan, mag-laughing trip.
  • Masaya sana kung nandun si Master of Salvation Dance — si Kirky, kaso mo, nagbabakasyon din siya sa Iran. (Taray!)

Kung susumahin ang ilang araw na yun, indi naman nakakahinayang na lumampas lang ang mga ito na indi man lang kami nakapasyal o nakagala, ayus lang naman talaga.

Kadalasan kasi yung mga bagay na nakakapagpasaya sa atin, ito yung indi kinukwentang parang pautang — priceless kumbaga.

Isa pa, marami pa namang araw para mapuntahan ang mga ito mas masaya kung kumpleto kami para mas memorable ang datingan.

Marami pa namang okasyon ang darating ngayong buwan na ito at paniguradong makakaisip pa rin kami ng mga pwedeng gawin sa mga araw na darating.

Excited na ko sa Pasko at Bagong Taon. 🙂

Ang wish ko lang para sa lahat, maging masaya, peaceful at matiwasay ang Pasko at Bagong Taon na darating sa piling ng mga mahal natin sa buhay. Kahit parang walang Pasko sa bansang ito, nasa puso pa rin ito ng bawat Kristiyanong nandito. Nakakamiss talaga ang mga gantong okasyon sa Pinas. There’s no place like home.

Ok, tama na ang drama-dramahan dito.

Ika nga eh, “Kahit na anong mangyari, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!”

Mauuna na kong bumati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! 🙂

 

abcde