Parting Time

 

 

Parting_Ways

Alam nyo ba ‘tong song na ‘to?

“I remember the days…when you’re here with me. Those laughters and tears we’ve shared for years hoo-huumm…”

Pag naririnig ko’to, naaalala ko nung nasa First year highschool pa ko, punumpuno ng memories. Umpisa pa lang ng apat na indi malilimutang taon ko sa hayskul.

Pero wag kayong mag-alala, indi ito tungkol sa kabaduyan at ka-cheesy-han na kwento ng buhay hayskul ko na siguradong ikasisira ng reputasyon ko sa wp kung meron man hehe.

Sa lahat na siguro ng low moments ng buhay natin at kung ibabase sa palaliman ng baon sa lupa ang winner nito…nasa pinakailalim-lalim na siguro yung iwan/mamatayan ng mahal sa buhay funeral kasunod ay ang Hiwalayan o Parting Time. breakup

Sa halos lahat ng klase ng pakikipagrelasyon natin, indi na bago sa ating pandinig ang salitang “Hiwalayan”, chugihan, dumped, binitiwan…

Ang mga ito tulad ng I love You ay karaniwan na sa pang-araw-araw na buhay nating mga Pinoy. Sa’min sa Showbiz :P, ang hiwalayan ay parang isang Birthday celebration sa tindi ng mga pasabog na isyu. Merong phone patch, vtr, maraming umuusyoso, pinag-uusapan. Extended pa ito dahil hangga’t nagsasalita ang magkabilang panig, tuloy-tuloy lang celebration na ikinatutuwa naman ng ilang mga programang akala mo ay totoong nakikiramay.

Sa karaniwang buhay, noon ang mga ganitong isyu ay halos itago sa buong madla. Sa sobrang sensitive ng isyu at sa pagiging discreet ng dalawang partido, indi mo mahahalata na may lipatan na palang nangyari. Sa pagkakataong malaman mo ito, huling-huli ka na sa balita.

urban-legend-rumor

Pero ngayon, pag nag-away ang isang magpartner na rinig ng sangsinukluban…ang usap-usapan na agad mula sa circle of friends nyo at ng rotary club of chismosa toda sa lugar nyo ay maghihiwalay na kayo bukas at may kinakasama na ang isa sa inyo etc-etc-etc. Parang pimple lang na naging  stage 4 kanser na pagkatapos ng isang linggo.

Indi lang sa relasyong pampuso pwedeng idikit ang salitang hiwalayan.

  • Kapag natapos mo na ang halos labinlimang taon mo sa pag-aaral…ganun din, mahiHIWALAY ka na sa mga klasmeyts at barkada mo na nakasama sa halos kalahati ng buhay mo.
  • Kapag nagresign ka sa trabaho at aalis ka na sa kumpanya, maghiHIWALAY na kayo ng opis meyts mo.
  • Kapag lumipat na kayo sa ibang lugar pagkatapos tumira ng mahabang panahon sa tinitirhan nyo, nakakalungkot na HIWALAYan ang magaganap sa inyo ng mga kababata at kapitbahay.
  • At shempre, pag nag-abroad ka…para mo na ring HIniWALAYan ang buong Pilipinas. (Buti na lang may TFC hehe.)

Ito ang mga hiwalayang hinihingi ng pagkakataon. Wala naman gaanong mabigat o hidwaang dahilan para sa parting time na ito.

For most cases na biggie deal para sa lahat ay ang HIWALAYang binabalutan ng samu’t-saring isyung pansarili, puno ng poot, walang kapatawaran (para sa iba), panloloko at panlilinlang, betrayal, o simpleng ayaw na lang talaga.

Mahirap pagdaanan ang mga bagay na ito sa buhay natin. Sinu ba naman ang maghahangad na matapos o mauwi sa HIWALAYan ang isang koneksyon na pinaghirapan mong buohin, ipinaglaban, indi ipinagpalit sa kahit anong bagay at pinilit ibinangon sa mga oras nang pagbagsak nito? Wala naman sigurong gagawin o kahit man sa isip na sirain ang isang samahan na halos panahon na ang nagpatibay nito.

Pero ang isang samahan, parang isang puno kung saan ang mga miyembro ang siyang ugat nito. Indi sa taon na binilang makikita ang tatag nito. Kundi sa kung ilang beses na dinadaanan ng sakuna na sama-samang dinaanan kung saan ang lahat ay  indi nagpatinag.

Indi lahat ng ugat nito ay mahigpit ang kapit. Kung minsan, sa kahinaan ng isa ito ang bumubuwal sa lahat at sa pagkakataong ito…HIWALAYan na lang ang tanging paraan para maisalba ang kahit na katiting na pag-asang maging maayos ang lahat.

Walang HIWALAYan na nakakatuwa. Kung meron man, sila yung mga kabit o mas malaking kaginhawaan para sa kanila ang indi makita ang inyong pagsasama.

Maraming dahilan.

Maraming palinawagan.

At dapat nating malaman na ang mga tao at bagay na nagHIWALAY, kadalasan…indi solusyon na pagbalikin o pag-isahing muli dahil mas makabubuti na rin ito para sa kanila at para sa lahat.

broken_glass

 

Time heals all wounds.


Time_heals_all_wounds

 

Aling Baby

Advertisements