Sabi ko na eh…

36-cat

Hindi naman kagulat-gulat. Di rin naman ako nagtaka.

Well, ano ba ang ine-expect mong reaksyon? Violent reaction?! Hmm, malamang cguro kung plot twist ka sa series na mina-marathon ko, pwede pa. Pero kung hindi, eh wag ka na mag-expect.

Sa panahon ngayon, lahat ng balita kahit nakakagulat, hindi na bago kaya nasasanay ka na lang. Isa pa, kung hindi ka na rin naman interesado, cguro mapapa….”Ahh talaga…” ka na lang.

Nakaka-offend ba? Yung hindi na mabigla ang mga tao sa bago mong update? Kase bakit naman? Sa mundong punumpuno ng update ang buhay ng bawat isa at meron ka pa ngang anim na fb reactions to choose from kasama na yung non-offending unlike or dedma na lang choice. –Yun eh kung friends tayo sa social network sites pero kung hindi, eh ano’ng pinuputok ng butse mo jan? LOL.

Nakakatawa talaga ang mundo ngayon. Hind na nga kayo friends in real life at cyber life, pilit ka pa ring ina-unfriend like patay ka na tapos papatayin ka pa. LOL ulit.

Halika, magsisihan tayo. LOL pa more.

Sinulat ko ‘to kasi natatawa lang ako. Biruin mo, napa-update ako ng blog dahil dito. Tenkyu! Ipagpapasalamat ito ng dalawang pirasong reader ko sa WP. Inaagiw na eh. Nung Mayo pa ko huling nag-update. Sensya na. Ang hirap mag-maintain ng blog lalo na kung past time mo lang naman talaga ito. Updated yung FB page ko. Dun mo ‘ko dalawin pag may time ka. For sure, mamimiss mo na naman yun kasi past time din ang tawag jan. Magpa-KSP.

Pero alam mo ba? Totoo yung sinasabi nila na may pakpak ang balita. Meron talaga. May pakpak at malaking bibig. Pano mo naman yun maiiwasan? Kumbaga sa nagmmove on, naka move on ka na’t lahat sabay may babanat at huhugot. Eh di nalaman mo pa tuloy. Well, kasalanan mo pa ba yun? Wala namang mundo na kayong dalawa lang ang laman. Sa ayaw at sa gusto mo, apat kayo jan at hindi mo alam kung kaninong bibig ang may pakpak.

Boom!

Binigyan lang kita ng idea. Maling pader kasi ang tinatakpan mo. Dapat talaga ang gawin sa mga butas, vinu-vulca seal. Oh well, bakit mo pa tatakpan? Huli na. LOL ano ba yan. Yung mukha na lang pala ang dapat takpan. Hahahaha! Sorry na.

Di ko na dinagdagan ang ipag-aalala mo. Kung ine-expect mo pala na may pakpak din ang bibig ko. Ulk! Sabi ko nga sa’yo, di naman ako interesado. Party mo ‘yan, cguro kahit naimbita ako, may saktong okasyon din ako ng saktong araw na yan. LOL. Ang makabagong rason sa panahon ngayon. Lalo na sa mga taong paasa. (Humugot lang).

Sana mag-enjoy ka jan. San ba yan? May snow ba jan? LOL. Di ko sure. Malay ko. Ewan ko. LOL.

Ano’ng napala mo? Ha?

Isa sa pinaka-pahiyang marami sa buhay ng tao ay yung mahuli ka on the spot at wala kang kalaban-laban. (I know, right.)

Yung lilingon ka pakanan-pakaliwa pero wala kang makitang pwedeng sisihin kundi ikaw. Ang sarili mo. Kaharap ang nakahuli sa’yo na ang tangi mo na lang pwedeng gawin ay ang yumuko.

Yumuko sa kahihiyan. Tumahimik. Humimlay.

At yung katotohanan na yung iniingat-ingatan mong tiwala niya sa’yo, eto ngayon, basag-basag sa pagitan ninyong dalawa. At tahimik kang humihiling na sana. SANA HINDI NA LANG NANGYARI ‘TO.

Abot-hininga. Ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Di mo sure kung ang next move nito ay yung pisikal na. Ano bang gagawin ko, tanong mo sa sarili habang nagddrumroll ang pintig ng puso mo.

Shit kasi. Ang tanga ko. Bakit di ko naisip agad yun?

Imbes na pagsisihan ang ginawa, mas naiisip mo pa kung bakit hindi mo naagapan na mahuli ka. Eh di sana wala ka sa posisyon na ito. Gisado.

Nakakainis no?

Samantalang nung enjoy na enjoy ka habang nakikipaglandian-huntahan o kung ano-ano pang pwedeng itawag jan eh hindi mo naiisip na baka lang. BAKA LANG biglang magbiro sa’yo yung mga demonyong kalaro mo at finally, mahuli ka na sa kalokohan mo.

Meron ka bang PLAN B? Like alam mo ba ang eksplanasyon dito pag na-hotseat ka? Naisip mo bang pwedeng mangyari yun sa’yo. One time. Jackpot prize. House and lot. Sa Sementeryo.

O, bakit ngayon natatakot ka na? Kinakabahan. Di mo kasi pwedeng sabihin o kahit sa hinagap na isipin at umarteng parang hindi ito nangyari. Parang walang nangyari. Di mo pwedeng itago ang katotohanan na lumandi ka o nakipaglandian ka ng panakaw lalong lalo na kung huling-huli ka pa. Di ito file sa cellphone/computer na pwede mo lang bastang i-delete. And it will just go away…

You wish.

Sa totoong buhay, pag nahuli ka. Lagot ka. There’s no other way out.

Tanga ka eh. Gago ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. May utak ka sana ginagamit mo. Kaya wag kang umangal kung mahirap. Kung nakakainis na at kung nakakarindi na.

Magpasalamat ka na lang. Pasalamat ka dahil buhay ka pa. Pasalamat ka kasi kahit hindi ka deserving, binigyan ka pa rin ng pagkakataon.

Kaya mag-isip isip ka. Dahil hindi bottomless ang pagkakataon na yan.

Bukas makalawa, ang mga tanga, magigising din sa katotohanan.

At hindi lahat ng party, masaya. (—Third Party) #patawaLang 😛

Ok? Ok.

Kalandian Fest Generation Z 2015 (iGen/Post Millenials) wutever…

Sa panahon ngayon, mahirap nang makasiguro kung yung kalandi-an mo ay pawang nagsasabi ng totoo o jinojoketime ka lang. Shempre, sino ba naman ang tatangging landiin lalo na pag may itsura naman ito at f na f mo rin na type na type ka nito.

Maliban dito, kahit alam na alam mo naman ang background ng kalandi-an mo, cge ka pa rin sa kalandian kasi pag dumating ang di inaasahang tamang panahon, pwede mo namang isagot na, “Eh kasi di ka naman nagtanong.” O diba? Pak na pak lang.

Ang totoo n’yan, generally speaking, ang babae, hindi agad-agad nahuhulog sa patibong. UNLESS, type ka nito at laman-tyan ka, yung tipong di ka pabigat sa budget. Bagkus, siya ang makikinabang sa budget. Ay, Go!  Keribels, landian na ‘to.

O, teka…di ko nilalahat.

Pero wag na tayong magpaka-plastik. Sus, lahat naman sa panahon ngayon, alam na. Wag na tayong magpaka-mahinhin at magpaka-santa kasi ang totoo, lahat tayo, may tinatagong LANDI sa katawan. We just have to find the right person to unleash it.

It just so happen na may kilala akong expert sa panlalandi. (Excuse me friend, hindi ito compliment.) Kasi may tamang oras at panahon at STATUS ang paglalandi. At hindi ito dahil sa kaya at pwede mong gawin sa oras na gusto mo. Dahil for sure, meron ding mga tao na nagfformulate na ng mainam na paraan para pumuksa sa mga pesteng malalanding tulad mo sa mundong ito.

Yes. Kailangan na silang puksain. Pagsama-samahin at sunugin. Yung sinusunog ng buhay para mas masaya. Ayoko ng may maiiwang buhay. Hahahaha! Burn baby burn!!

O, teka ulit…hindi ako galit. I’m just speaking on behalf of them Malalandi haters. Of course, sino ba ang kakampi sa mga malalandi? Ikaw?

Sabi ko nga bago ka lumandi, magpalandi o manlandi…paki-check muna kung single ka o kung single ba yung kalandi-an mo kasi mas masarap sa pakiramdam yung naglalandian na kayong dalawa lang at hindi yung di lang pala ikaw yung kalandi-an ng nanlalandi sa’yo kasi…#KarmaIsABitch te. It’s true! Try mo nga para malaman mo.

At sa tamang panahon, it will die down. Yang kalandian mo. Kasi it’s either of the following lang yan…

  1. Mahuhuli ka ng jowa mo or ng jowa ng kalandi-an mo.
  2. Magkakaron ng mas yummy yung kalandi-an mo kaya chugi ka na.
  3. Mala-lapse ka na kasi hello tumatanda talaga tayo.
  4. Mamatay ka dahil sa kalandian mo.
  5. Mamamatay kang malanding mag-isa.

At sa tingin mo ba may seseryoso sa’yo pag nagkakilala kayong malandi ka? Well, in the long run cguro mapapaisip siya kung for keeps ka ba eh baka pag nakakita ka na naman ng yummy eh ulit-ulitin mo lang ung mga pinaggagagawa mo at mandadamay ka pa.

Eventually, lahat tayo ay maghahahanap ng peaceful na kalalagyan (hindi ito ung ikaw, ang kabaong sa sementeryo…), alam n’yo na ‘to diba? Yung safe haven. Yung pakiramdam na yung humahalik at yumayakap sa’yo araw-araw eh hanggang sa huling hantungan na. Yung sinasabi nilang ‘May Forever.’ Well, eh kung papalarin ka lang naman.

Kase hello, sino bang hindi maghahangad ng ganito? Yung iba nga nagpapakamatay at nakikipagpatayan pa ma-achieve lang yan.

Kaya ang suggestion ko lang sa mga malalandi, kung gusto niong humaba pa ang buhay nio yung tipong aabot kayo sa finish line at machu-chugi of old age or dahil sa sakit hindi dahil sa nabuo na ang formula at isa kayo sa napuksa dahil sa sobrang kalandian lang. Nakakahiya naman mamatay ng walang saysay.

Saka Karma is just around the corner –waiting. In my experience, di pa siya natatakasan. Wala siyang patawad at kung matatauhan ka kung kelan malaki na ang damage na nagawa mo, eh sorry ka na lang. #sorrynotsorry. Magdusa ka.

Ok? Ok.

Tulog

s2

Yung pakiramdam na ansarap ng tulog mo at feel na feel mong walang pasok ngayon kaya pumwesto ka pa ng maigi tapos maya-maya’y nag-alarm ang orasan. May isang araw pa palang pasok. At tila ayaw kang payagan ng unan at kumot mo na tumayo.

Haayy.

Ako, oo. Kaninang umaga lang.

Paniwalang-paniwala akong wala na talagang pasok at siguradong-sigurado akong Huwebes na kahapon kaya makakatulog ako ng mahimbing pa more. Yahuu.

Yun pala’y hindi. Nilingon ko ang mahimbing na tulog ng katabi ko. Ang lamig pa naman.

Haayy na lang ulit.

Yan ang dilemma ko tuwing umaga, nitong mga nakaraang labing-apat na linggo na (alam na alam ko, bakit ba?) Ang hirap aminin ang katotohanan ang madalas na maalimpungatan sampung minuto bago tumunog ang alarm ko ng ala-sais. Ang saklap. Yung sampung minutong parang isang minuto lang sa pakiramdam. Yung kakapikit mo pa lang, ayan na ang alarm. At sa tuwina, gusto kong isipin na isang malaking joke ang ganitong eksena tuwing umaga. Kung bakit kagabi, pasado alas dose na nung ayaw ko pa talagang matulog. Kaya tuwing umaga rerekla-reklamo naman ako. Haayy ulet-ulet…

s3

Tulad ngayon. Nagrereklamo ako. Kulang ang tulog ko. Kung maibabalik ko lang ang mga oras kagabi nung huli kong nilingon ang orasan, alas-onse diyes at dinedma ko lang habang nagmamadali akong isalang ang kasunod na episode ng series na minamarathon namin, isang linggo na naming nasimulan. Na kung hindi pa ako inayang matulog, sabay sulyap sa oras, juicecolored, alas dose impunto na naman pala. Kahit pa nagmadali ako mag-ready sa pagtulog, di ko na mababawi ang katotohanang pasado alas dose na. Ibawas mo pa ang ilang minutong goodnighting plus konting chika bago matulog. O diba, malamang alas dose y medya na cguro yun di ko na tiningnan ang oras. Tapos iikot-ikot pa ako bago makuha ang tamang pwesto. Buti pa yung katabi ko, ppwesto lang ng patagilid chak tulog na yun. Di kasi nahilik kaya di mo malalaman. Basta’t di na kumilos, alam na. Eh ako, kukumbinsihin ko pa ang sarili ko na makakatulog ako sa pwestong patihaya o yung nakatagilid para maka-akap, kahit ang totoo nito, sa gawing kaliwa, chak yun awtomatikong tulog ako. Sinayang ko lang ang ilang minuto na sana’y narating ko na ang dreamland.

Sa totoo lang, eksayted akong pirmi pag sumasapit ang Huwebes ng gabi. Biyernes kasi ang bawian ng tulog. Walang rason para gumising ng maaga. Pag nagising, pwede ulit bumalik sa tulog. At madurugtungan mo pa ang naudlot na panaginip bago ka naalimpungatan.

Kaso mo, tuwing Biyernes ng umaga, magigising ako pag nagpaalam na sa’kin ang may laro ng basketball. At mawawala na ang antok. Hindi tulad noon na nakakabalik pa ko sa tulog. Kaya’t wala na akong ibang choice kundi bumangon at mag-almusal at manood at umasang babalikan ako ni antok maya-maya lang. Si antok na kapag kailangan mo, wala pero present pag nasa opisina ka.

s1

Di ko rin nababawi ang tulog ko pag walang pasok (eksheli), lalo na pag nakapwesto na ko para manood na naman. Feeling ko, sayang ang oras pag itinulog ko pero pag may pasok di ko yan naiisip, pramis. Pag natutulog kasi ako ng alanganin, chak na gising ako hanggang madaling araw. Di rin naman pwedeng sumobra sa tulog kasi sakit naman sa ulo ang kalaban ko.

Pag sinwerte, may mga Sabado kaming tamad-day. Manonood hanggang sa antukin ng Alas dos ng hapon pagkatapos ng tanghalian. Siesta galore ang trip namin nun. Magigising lang pag oras na ng pananggabihan. Yun ang paborito kong araw. Dun ko lang nasasabing nakabawi na ko sa mga umagang antok na antok akong umaasang may additional 3 hours na tulog pa ko pag naalimpungatan bago mag-alarm ang orasan.

s5

At shempre, pagdating ng Sabado ng gabi, unti-unti nang nagssink in ang katotohanang back to reality na naman. Puyat + 6AM alarm = Antok.

Ok lang. Pampalubag na lang cguro yung ambilis naman dumaan ng isang linggo. At kahit napuyat ako kagabi dahil akala ko wala nang pasok, ok lang pa rin kasi totoong off na bukas. Yahuu.

Happy Weekend! Alarm-off. 🙂

BV??! GV!!!!

Nakita kita kanina, nung naglakad ako palabas saglit sa napakatahimik na kinalulugaran ko. Gusto ko kasing makarinig ng konting ingay na bihira kong marinig sa buong araw ng pagtatrabaho…yung ingay ng mga walang ginagawa. Hindi kasama sa agenda ko ang makita ka dahil katulad ng sirang plaka, alam ko na ang aura’ng makikita ko…yung pakiramdam na magugunaw na ang mundo…bukas.

Pasensya na lang ako, ikaw ang nabungaran ko kasama ng bigat na gusto mong ipasan sa mga taong wala kang amor. Iniwas ko na nga ang paningin ko, umaasang hindi mahawa sa nega vibes na parang virus na nakapaligid sa lugar ninyo.

Pero katulad kong likas na pasaway, sinabi na ngang wag pero napasagi ka pa rin sa gilid ng paningin ko.

Haayy, bakit ba hinahayaan mong mabuhay na walang kalatuy-latoy? Hindi mo ba alam na sa tuwing magsisimangot ka, iniimbita mo ang mga masasamang elemento na paligid-ligid? Dahil jan, ikaw mismo ang sumisira ng magandang araw, para sayangin ang mga minuto at oras na hindi mo na maibabalik.

Di lang naman ikaw ang may negatibong epekto pag nakikita ko. Meron nga malapit sa’kin, di nila alam na alam ko ang ginawa nila na umabot na sa pagkawala ng interes at tiwala ko sa kanila pero kailangan ko pa rin isiping may magandang intensyon sila kung bakit nila yun ginawa. Minsan, nahihiwagaan lang ako kung saan sila kumukuha ng tapang ng apog para humarap na para bang wala lang.

Sabi ko sa sarili ko, ayoko nang maging nega. Gusto ko nang umiwas sa mga taong nakikirason para magalit at paiksiin ang pasensya ko dahil lang sa pagiging imperpekto nila. Dahil una sa lahat, pareho-pareho lang naman kaming di perfect. Marunong na lang akong umiwas ngayon.

Siguro nga totoong temperamental ako. Bukod sa mga nega, inis ako sa mga taong mahilig magturo kung ano ang tama para sa’yo lalo na kung alam mong di sila ang tamang tao para umagaw-eksena sa paglilitanya porket “pakiramdam nila, andun sila mga grupo ng mga tama at mabubuting alagad ng planetang kinabibilangan nila.

At hindi porket mali ako, sila na ang tama.

Hindi porket okay ka, mang-eepal ka na, ganun.

Mamuhay ng walang pakialam sa iba. May kilala akong ganyan. Isa lang ang masasabi ko sa kanya gaya ng paboritong raising eyebrow line ni bff zapped noong 90’s – – “The nerve!!!

Totoong masarap magpatawad, lalo na sa mga taong hindi deserving. Kung paiiralin mo kasi ang pagiging tao mo, mas gugustuhin mong antayin ang karma niya para mapayapa ang loob mo lalo na’t mas deserving ito sa karma kesa patawarin. Kaso mo, masama rin ang mag-isip ng di maganda sa kapwa, kahit gaano pa kaitim ang budhi nito. Mas makakabuti pang dedmahin ang bad vibes na ito sa paraang proven at tested na….

Walkout-an mo sila.

Minsan, mas makakabuti na rin ang pananahimik at paglilimita ng koneksyon. Less talk, less mistake. Hindi mo naman kasi malalaman ang mga tama at maling taong pakikisamahan mo. Kadalasan, kusa mo itong natutuklasan sa mga sitwasyong di mo inaasahan. Pag andun ka na…saka ka magdesisyon.

O kaya, eto ang pinakamagandang gawin – – imbitahin ang lahat ng good vibes. Party-party na tayo. Forgive but never, ever forget. Learn your lessons and get on with your life. 

Nang ako ay na-hayblad sau..

Ilang beses ka bang maligo araw-araw?

Pano ka ba maligo? Yung tipong inaabot ng mahigit isang oras para tiyaking tanggal ang lahat ng libag ng buong araw?

Sana pati budhi pwedeng malinis ng paliligo.

Pwedeng paputiin ng pagiging OC sa paliligo ang mga maiitim na budhi.

Kung pwede nga lang talaga.

– – – Di ko alam na meron palang pa-contest ng paputian ng budhi. Nagulat na lang ako at kasali pala ako dun. Bigla na lang tinawag ang pangalan ko at ibinase sa kulay ko kung ano ang kulay na meron ang budhi ko.

Ano ba’ng laban ng isang morena?

–Naliligo ako araw-araw at gabi-gabi at meron pang in between pero ang kulay ko, morena. So, ibig sabihin ba nun, Tan ang kulay ng budhi ko? Ganun?

So, ang mga mapuputi, sila lang ang may karapatang mag-uwi ng korona? Ganun ba un?

Sorry, pero Transparent ang budhi ko. –What you see is what you get.

Ayoko mag-fashion show sa harap ng mga tao para pagtakpan ang sarili ko sa kung ano ang dapat nilang makita kung ano ako. –Dahil hindi ako nakakatulog sa gabi kapag alam kong napaniwala ko ang maraming tao sa kasinungalingan na pinagsasabi ko.

Hindi ko kailangang kunin ang atensyon nila para lang paboran. Para sa akin, kung ano ang totoo –yun ang gawin n’yong basehan. Tapos.

Hindi ako mahilig makipag-away. Mas madalas, yung away ang lumalapit sa’kin.

Argumento. Misunderstanding. Miscommunication. At kung anu-ano pa.

Dati kasi, sumasagot-sagot ako. Oo. Kasi alam kong tama ako. –Pero naisip ko, may mga taong ayaw malaman na mali sila kaya mas lalo nilang pinalalala ang mga bagay-bagay sa mundo.

Kaya mas pinili ko na ang pananahimik.

Ang sagot ko sa lahat ng mga patama, parinig, paninisi, pagmamaling akala, pagpapapansin, pang-iinis, pagkakalat ng maling balita, pag-iisip ng mga bagay na ginawa ko ‘raw’ at pamemersonal —- SILENCE.

Nakakapagod na mag-explain at makipag-ayos at umayon at magpakumbaba. Lalung-lalo na kung nauulit at nauulit at nauulit at walang katapusan.

Marunong din akong maumay at alam ko rin kung kelan dapat huminto at mag-isip-isip na di ko kailangang sayangin ang panahon ko sa mga bagay na makakapagbigay lang sakin ng SAKIT SA ULO. Makakadagdag lang sa iisipin gayong mas maraming importanteng bagay ang nag-aabang sakin para unahin ko.

Hindi ko kailangan ng maputing budhi para purihin nyo at yakapin at i-console kapag may umaagrabyado sakin dahil una sa lahat, HINDI AKO NAKIKIPAG-AWAY. –Yang parte na yan ng buhay ko, matagal ko nang iniwan. Hindi na ko bata para humingi ng tulong sa mga kalaro para awayin ang umaway sa kanya. Iwan na lang natin sa kabataan ang mga bagay na yan.

At hindi ito contest ng paramihan ng kaibigan. Pakontian at Patotoohan. –Kung gusto mo ng ganyang contest, ikaw na lang. Kung saan ka masaya, gawin mo dahil may oras ka pala para jan.

Pero para sa transparent at kulay tan na budhing katulad namin, walang oras sa walang kwentang bagay.

May mga bagay na hindi ko pinanghihinayangan mawala lalo na kung nagawa ko na ang lahat ng kaya kong gawin para ma-save ito pero wala pa ring nangyari.

Ganun talaga, gusto mo yan ee.

Ramadan 2011

Ano pa ba ang mas nakakarelaks pa sa 6 hrs work/day for a month?

Ang much awaited season naming mga ofw sa middle east. Para sa mga sinuwerteng mabigyan ng ganitong work sked during this season, eh parang award na nga for being good this year (parang xmas gift).

Ang konti naman kasi ng holidays dito di tulad sa Pinas na every month yata may declared holiday at isama mo pa pag nagkaron ng bagyo.
Wala namang rainy season dito at kung umulan man, ang mga tao dito parang first time makakita ng ulan, super mega tatawagin ang lahat para silipin. Pag minalas at lumakas ng konti, ung isang state lang ang lumalangoy sa baha. Dedma lang sa Dubai, keribels kasi di naman binabaha.

Di naman ito ranting much about holidays. Minsan lang talaga pag sobra nang nakakapagod sa work, hahanapin ng sistema mo ang mga araw na gusto mong humiga at manood the whole day at i-declare ang mga araw na yun as ‘Tamad Day.’ Diba?

Kaya aside from a handful of holidays a year, the next best thing? Annual Leave. Ang precious 30 days na well-planned talaga pagpasok pa lang ng taon.

Going back to Ramadan season…

Shempre naman, di ito freebie na pwede mong i-enjoy to the max. As we all know, this is their Holy Week-like na meron tayo as Catholics. They have to fast from 4am to 6pm, para kang kukunan ng dugo…nothing by mouth talaga as in, everyday for the whole month tapos makakakain ka lang during Iftar (sunset). At shempre, as our share of respect, is to follow. Oo, kung gusto mong mamahinga sa kulungan hanggang matapos ang Ramadan pag nahuli ka in public between 4am to 6pm na umiinom or kumakain. Pwede naman kumain basta lang yung hindi nila makikita. Di rin pwede ang loud music, may liquor ban at bawal ang partying. Un lang naman, pero makakauwi ka naman ng maaga. Ok na rin kesa wala.

Bukod sa extra hours after work para makapagpahinga at makagala, pagkakataon na rin ito spend quality time with loved ones naks! Yun yon eh. Kaya nga well-planned na rin ang activities for the whole month. Nakakaexcite lang. Isama mo pa ang Eid na 3 days after Ramadan, super busy month talaga pambawas na rin sa mahabang paghihintay ko sa aking much awaited Pinas vacation. 🙂 (Dun ako mas excited!)

Ramadan Mubarak!!