Opinyon ko lang naman…

cat opinion

Sabi nila, hindi naman masama ang umopinyon in general sa mga bagay-bagay. Yan ang pribilehiyo ng mga utak at bibig natin sa gitna ng mainit na pag-uusap. Pero hindi nagkakahulugan na ang mga ito ay TAMA at KARAPAT-DAPAT na pakinggan. Lalo na para sa mga taong alam naman ang kanilang ginagawa/walang pakialam sa mga opinyon na ito.

Dalawang klase lang ang alam kong mga ganito.

  1. Harapang opinyon (parang yung sa Face to Face).
  2. Patago, pasimple o pa-traydor (ang hard…) na paraan.

Yang Face to face na paraan, kadalasan yan habang nakasalang ka sa ‘hotseat.’ Cornered ka na. Tapos on the spot na aabangan ang reaksyon mo. Kung katulad ka ni Aling Rowena-Katipunera, direchahan kang sasagot, ke pabalang man yan o direktang sagot na, “Eh di ibig sabihin, wala kang ginagawa kundi abangan ang mga ginagawa ko?”Boom! Chismosa! LOL!

Yang mga patago naman. Laman yan nga mga Chat Apps. Alam n’yo yan!!! Alam natin yan. Yan ang mga opinyon na minsan below to the low the belt na tirahan na yan. All out. Eh kasi, yung topic, busy sa buhay at walang kaalam-alam sa mga pangyayaring nagaganap pero di rin natin alam na baka busy rin pala siya sa kahihimay ng opinyon niya sa mga buhay n’yo hahaha! Life is just fair sometimes.

Wag na tayo magtaka, peeps. Kasama yan sa ecosystem. Pag wala na kasi ang chismisan at kutuhan (as we call them during the old times), eh walang saysay ang buhay mo. Kaya pag hindi ka napag-uusapan, magtaka ka na.Biruin mo, sa dinami-dami ng chismosa sa mundong ginagalawan mo, wala man lang kahit isang nagkainteres na pag-usapan ka. Diba? How uninteresting and worthless can you get?

Pero di ko rin naman sinasabi na i-enjoy mashado ang fact na pinag-uusapan ka ng mga tao. Lalo na kung, 1. Di ka naman Artista. 2. KSP ka. 3. F na F mo pag pinagbubulungan ka. 4. Wala kayong kapitbahay. 5. Ibang lahi yung mga kapitbahay mo kasi obviously, di naman kayo magkakilala.

Minsan, aminin natin na mahirap lunukin ang katotohanan na somehow sa mga narinig mong facts ay totoo naman. Well, sino ba’ng gusto makarinig ng pangit na katotohanan?

Gosh, tapos maririnig pa ng ibang tao…eh pano kung maniwala sila???

Hahaha! Eh pano kung alam na rin naman nila? Tapos ikaw na lang ang in denial. Eh di WOW.

Sabi nga nila ulit, kahit ilang beses mo linisin ang harap ng bahay mo, loob, labas, pati kasuluk-sulukan ng mga ito…kung yung may ari, di naliligo! Eh di malinis ang bahay niya. Go figure.

Wag din natin kalimutan yung mga ibang panira ng moment. Tipong ang saya-saya mo. Good vibes. 11:11. Ikaw ang Bida sa Primetime Bida. Sabay magccomment ng “Three months na lang ngayon ang bumibida sa Primetime.” –Which means, di ka bida for life. Diba? Porket, di siya ang bida, kailangan pareho kayo. Ayaw mo shempreng isipin na hindi siya genuinely happy para sa’yo pero pwede mo naman na ipaniwala sa kanya na na-appreciate mo ang pang-eeps niya sa moment mo. Quits na lang kayo. 😉

May mga tao na mahilig ibagay ang karanasan nila sa iba na parang damit na kapag bagay sa kanila, for sure, bagay din sa’yo yan. Kaya maniwala ka na. Hahaha! Eh di WOW ulit! Porke-porke? Magtayo ka na ng Consultancy firm hahaha kung gayon.

Maraming klase ng mga tao. Marami ring klase ng approach. At marami ring klase ng paraan para unti-unting mawala ang mga masasamang elementao sa masayang kalmadong mundo. Pwede mo naman silang intindihin pag bored ka tapos nun tuloy ulit ang buhay.

Anyway, buhay mo talaga yan eh. Obviously, ikaw na’ng bahala d’yan. Diba?

Vs.

argue

Hindi ito acronym for Victoria’s Secret. Ito yung nilalagay sa pagitan ng dalawang tao o grupo na pinaglalabanan ang 1st Place at Grand Prize, House & Lot at Brand New Car.

Diba ang sarap sa pakiramdam kung may premyong ganyan sa pinaglalabanan? Bayad ang pagod at hirap at effort. At hindi yung nakakahiya naman kesa masayang lang mga ito sa wala.

Eh pano pag prinsipyo ang pinapagitnaan ng VS. na yan? May katapusan nga ba ang usapan na ito lalo pa’t parehong hindi magpapatalo para maipakita ang kahalagahan ng “Prinsipyo” na siyang ipinaglalaban? Hindi ba’t ang premyo n’yan ay Sakit sa Bangs? At sama ng loob na nauuwi sa mas lalong hindi pagkakaunawaan?

Masarap manalo. Oo, sino ba’ng ayaw manalo? Ke Lotto, Raffle, Bingo, Color Game kahit sa pustahan pa nga. Mas lalo na cguro sa mga diskusyunan. Wow, kay sarap manalo d’yan. Heaven ‘yan. Lalo na sa mga mga ma-Pride d’yan. Yan ang ika nga’y Cherry on top. I won! I’m Great! I’m the Best!

Eh di WOW.

couple-arguing-2

Ang sarap manalo talaga, lalo na kung ang goal mo sa usapan ay ‘Manalo’ lang without even listening or even hear what your “kalaban” has to say. Bira lang ng bira. Bato lang ng bato ng point. 10 points! 20 points! 30-50 points! Eh ang goal nga manalo lang. Kaya ang siste, ang diskusyunan, nauwi na lang sa contest. Family Feud. Deal or No Deal. Laban o Bawi?

Ang tanong dito: NAGKAINTINDIHAN BA KAYO? Na-gets mo ba yung sinasabi nung kausap mo? Pinakinggan mo ba talaga? O sadyang focused ka lang sa susunod na batch ng point mo? Eh teka…gusto mo ba talaga na ma-absorb niya yung mga sinasabi mo o dedma na lang? Kasa ulit.

Ang hirap kasi sa dalawang magkausap na hindi magkasundo, imbes na makinig, nagreready ng isasagot. Kaya tuloy kung saan-saan na napupunta ang usapan. Nawawala na dun sa subject. Minsan, umaabot na sa mga hindi kasali tulad nga ng mga tapos na dapat sana, tapos na. Labo-labo na lang. Mauwi na lang sa giyera. O siya sige kahit wala nang premyo basta magkaunahan na lang.

Siguro hindi naman ito yung kung sino ang dapat na magpatalo o sino yung mas may “K” manalo. O dahil kasi palagi ka na lang nananalo sa usapan, dapat ako naman, mga ganyan. Kasi una sa lahat, hindi naman ito Contest. Hindi naman ito labanan kung sino ang magaling sa debate. Hindi naman dapat mauwi sa mas malabong usapan. May isyu diba? At dapat ang goal n’yong dalawa, ma-bull’s eye yung isyu and not the other way around…kayo ang na-bull’s eye ng isyu n’yo. Ano ngayon kayo?

Kaya nga sinasabi nilang, Two heads are better than one eh. Pagtutulungan n’yo ang mga hindi pagkakaunaawan. Hindi yung nilamon na kayo ng sarili n’yong isyu. Kasi sa kadulu-duluhan, ano ba ang naayos? Di’ba’t naging magulo lang? Masaya ba?

Normal lang paminsan-minsan, makakaencounter ng ganyan. Hindi yan dapat tingnan as problema. Pagkakataon yan para mas lalong yumabong ang pagsasama. Ang misyon n’yo, gawan ng solusyon at pagtuwangan na malampasan yan kasi d’yan mo makikitang nagmamature ang samahan eh. May kanya-kanya man tayong opinyon sa mga bagay-bagay, hindi rin ito hadlang para mas maiayos. Dapat may respeto at malawak na pang-unawa sa bawat isa. Mahalaga yun. At napakasarap sa pakiramdam yung i-welcome ang parehong opinyon. Kase hello, sinu-sino lang ba ang magkakaintindihan sa mga bagay na yan bukod sa inyo? Kayo pa rin.

Mas marami pang ganyan ang darating.

At kung nagkakaunawaan, balewala lang yan lahat sa inyo.

Gorabels lang.

Finger-couple-love-in-high-quality-free-nice-hd-wallpaper

Aylabyu…<3

4

Sabi nila, ang aylabyu (I love you) ay overrated na. Sa sobrang gasgas na neto, nawawala na ang true essence ng totoong ibig sabihin nito. Parang ekspresyon na lang o kasama sa sentence parang “Hello.”

Pero para sa mga tulad naming inlababo lang at kasalukuyang dinuduyan ng kakaibang magaang pakiramdam (Hello, Cloud Nine!) at sadyang mga hopeless overly romantic…..ang Aylabyu ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yung pakiramdam ng seguridad, katahimikan at katiyakan na sa dinadami-dami ng nilalang sa mundo na naghahanap ng magiging kabiyak ng puso mo…yung sa’yo, eto, sinasabihan ka ng Aylabyu (plus unlimited kisses) sampung beses (or more) sa isang araw dahil sa Mahal ka niya. Aangal ka pa ba?

3

Kaya eto, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito para masabi ko kung bakit Aylabyu.

Aylabyu kasi nabawasan ang memory gap ko sa tuwing maaalala kong baka may nakalimutan ako sa kaka-paalala mo sa’kin.

Aylabyu dahil napahaba mo ang pasensya ko sa mga bagay-bagay.

Aylabyu dahil hindi ka nagrereklamo sa lakas ng hilik ko. Inaasar mo lang ako kahit pikon ako. Tsup!

Aylabyu dahil sa pagpapakilala mo sa’kin at sa mga pagkaing kadalasan hindi ko pa narinig o natikman sa buong buhay ko like sobraa!

Aylabyu dahil nakikinig ka pa rin sa mga kwento ko kahit tutok ang atensyon mo sa paglalaro ng PS4 at XBOX at nakaka-comment ka pa. (pero kailangan i-pause muna ang game.)

Aylabyu dahil sinusunod mo ang mga pangmatatandang paalala ko sa’yo.

Aylabyu dahil laging may ice cubes sa tindi ng pagmonitor mo ng stock sa ref.

Aylabyu kasi ambilis mo tumayo pag may nalimutan akong i-off kahit nakapwesto ka na para matulog.

Aylabyu kasi sinasabi mong masarap ng luto ko at obvious naman kasi ang laki mo na. 😉

Aylabyu kasi gusto mong sabay nating pinapanood ang mga series at movies na inaabangan natin.

1

Aylabyu kasi pareho nating alam na hindi tayo mahirap kausap. Kahit hindi tayo nag-uusap.

Aylabyu kasi natatawa ako sa’yo pag naiinis ka sa mga pasaway na kasabay natin sa daan. Nahahawa na rin tuloy ako sa’yo.

Aylabyu kasi ang haba ng pasensya mo sa pag-aantay na maisip ko ang gusto kong kainin.

Aylabyu kasi alam mo na kung kelan malamig na ang ulo ko para suyuin.

Aylabyu pag sweet at malambing ka lalo na pag tulog. 😆

Aylabyu kasi kahit ano pa ang ginagawa mo, pag narinig mo na ang “hay naku”, to the rescue ka na agad.

Aylabyu kasi nakikinig ka na rin kay Papa Jack! Hahaha!

Aylabyu kasi pag naiinis ka na ng totoo, bokot na ako. (Bihira lang kasi yun mangyari.)

Aylabyu kasi ansarap natin mag-usap at magkwentuhan.

Aylabyu sa pagitan ng mga hindi maipaliwanag na dahilan.

Aylabyu kasi yulabmi.

Aylabyu kasi alam naman nating hindi madali pero hindi rin yun naging hadlang para tumigil at sumuko. Sabi nga nila, normal ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Pero may mga paraan at solusyon din naman. At ito ang magpapatibay sa kahit ano’ng samahan. Maraming madaling sabihin at gawin. Ang pagtatagal ng isang relasyon ay hindi nasusukat sa mga regalo, sa tagal, o sa ilang beses na pag-aaylabyuhan sa araw-araw. Wala naman makakapagsabi kung hanggang kelan magiging kayo o magiging kayo ng panghabambuhay. Ang sagot ay nasa inyo…to keep the love alive.

2

Aylabyu ulit, my lab at Salamat.

Salamat sa pabalik-balik-balik na nangyari. Salamat sa Cloud nine. Salamat sa mga mahihimbing kong tulog. Salamat sa dighay ng kabusugan. Sa mga lakaran na walang kapaguran. Sa mga kwentuhang kahit yung iba walang katuturan. Salamat sa atensyon. Salamat sa pagtulog mo ng mahimbing sa tabi ko. Salamat sa papuri sa mga araw na palpak ang luto ko. Salamat sa pagtikim ng konti sa matatamis na kinakain ko kahit di mo hilig. Salamat sa pagtatanong mo ng opinyon ko. Salamat mga stress-kwento mo tungkol sa trabaho. Salamat sa pagtawag mo para lang kulitin ako. Salamat sa pagiging on-time mo kaya bumibilis ang kilos ko. Salamat sa paghawak sa kamay ko kahit saan tayo magpunta. Salamat sa mga magagandang kanta. Salamat sa mga masasaya at di masasayang mga araw. Salamat sa mga halik at yakap at lambing. Salamat kasi kinumpleto mo na ang kulang sa buhay ko. Aylabyuuu…

Tulog

s2

Yung pakiramdam na ansarap ng tulog mo at feel na feel mong walang pasok ngayon kaya pumwesto ka pa ng maigi tapos maya-maya’y nag-alarm ang orasan. May isang araw pa palang pasok. At tila ayaw kang payagan ng unan at kumot mo na tumayo.

Haayy.

Ako, oo. Kaninang umaga lang.

Paniwalang-paniwala akong wala na talagang pasok at siguradong-sigurado akong Huwebes na kahapon kaya makakatulog ako ng mahimbing pa more. Yahuu.

Yun pala’y hindi. Nilingon ko ang mahimbing na tulog ng katabi ko. Ang lamig pa naman.

Haayy na lang ulit.

Yan ang dilemma ko tuwing umaga, nitong mga nakaraang labing-apat na linggo na (alam na alam ko, bakit ba?) Ang hirap aminin ang katotohanan ang madalas na maalimpungatan sampung minuto bago tumunog ang alarm ko ng ala-sais. Ang saklap. Yung sampung minutong parang isang minuto lang sa pakiramdam. Yung kakapikit mo pa lang, ayan na ang alarm. At sa tuwina, gusto kong isipin na isang malaking joke ang ganitong eksena tuwing umaga. Kung bakit kagabi, pasado alas dose na nung ayaw ko pa talagang matulog. Kaya tuwing umaga rerekla-reklamo naman ako. Haayy ulet-ulet…

s3

Tulad ngayon. Nagrereklamo ako. Kulang ang tulog ko. Kung maibabalik ko lang ang mga oras kagabi nung huli kong nilingon ang orasan, alas-onse diyes at dinedma ko lang habang nagmamadali akong isalang ang kasunod na episode ng series na minamarathon namin, isang linggo na naming nasimulan. Na kung hindi pa ako inayang matulog, sabay sulyap sa oras, juicecolored, alas dose impunto na naman pala. Kahit pa nagmadali ako mag-ready sa pagtulog, di ko na mababawi ang katotohanang pasado alas dose na. Ibawas mo pa ang ilang minutong goodnighting plus konting chika bago matulog. O diba, malamang alas dose y medya na cguro yun di ko na tiningnan ang oras. Tapos iikot-ikot pa ako bago makuha ang tamang pwesto. Buti pa yung katabi ko, ppwesto lang ng patagilid chak tulog na yun. Di kasi nahilik kaya di mo malalaman. Basta’t di na kumilos, alam na. Eh ako, kukumbinsihin ko pa ang sarili ko na makakatulog ako sa pwestong patihaya o yung nakatagilid para maka-akap, kahit ang totoo nito, sa gawing kaliwa, chak yun awtomatikong tulog ako. Sinayang ko lang ang ilang minuto na sana’y narating ko na ang dreamland.

Sa totoo lang, eksayted akong pirmi pag sumasapit ang Huwebes ng gabi. Biyernes kasi ang bawian ng tulog. Walang rason para gumising ng maaga. Pag nagising, pwede ulit bumalik sa tulog. At madurugtungan mo pa ang naudlot na panaginip bago ka naalimpungatan.

Kaso mo, tuwing Biyernes ng umaga, magigising ako pag nagpaalam na sa’kin ang may laro ng basketball. At mawawala na ang antok. Hindi tulad noon na nakakabalik pa ko sa tulog. Kaya’t wala na akong ibang choice kundi bumangon at mag-almusal at manood at umasang babalikan ako ni antok maya-maya lang. Si antok na kapag kailangan mo, wala pero present pag nasa opisina ka.

s1

Di ko rin nababawi ang tulog ko pag walang pasok (eksheli), lalo na pag nakapwesto na ko para manood na naman. Feeling ko, sayang ang oras pag itinulog ko pero pag may pasok di ko yan naiisip, pramis. Pag natutulog kasi ako ng alanganin, chak na gising ako hanggang madaling araw. Di rin naman pwedeng sumobra sa tulog kasi sakit naman sa ulo ang kalaban ko.

Pag sinwerte, may mga Sabado kaming tamad-day. Manonood hanggang sa antukin ng Alas dos ng hapon pagkatapos ng tanghalian. Siesta galore ang trip namin nun. Magigising lang pag oras na ng pananggabihan. Yun ang paborito kong araw. Dun ko lang nasasabing nakabawi na ko sa mga umagang antok na antok akong umaasang may additional 3 hours na tulog pa ko pag naalimpungatan bago mag-alarm ang orasan.

s5

At shempre, pagdating ng Sabado ng gabi, unti-unti nang nagssink in ang katotohanang back to reality na naman. Puyat + 6AM alarm = Antok.

Ok lang. Pampalubag na lang cguro yung ambilis naman dumaan ng isang linggo. At kahit napuyat ako kagabi dahil akala ko wala nang pasok, ok lang pa rin kasi totoong off na bukas. Yahuu.

Happy Weekend! Alarm-off. 🙂

Boom-saklap

Hawak mo na eh, nawala pa. Boom-saklap.

Malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang bagay pag nawala na ito. Well. Ganun talaga ang buhay. Minsan bibigyan ka ng dahilan para mag-expect sabay bawi nito. Joke lang pala yun. Kala mo totoo na.

Pero naman kahit na na-brokenheart ka sa isang bagay na yun, that won’t be enough for you to learn your lesson. Bakit? Kasi uulit ka na naman, chak yan. Sabi nga nila, you can only endure hurt so much. At di ka magtatanda unless the lesson kicked you hard enough. At siguro naman sa point na yan, titigil ka na?

Tama na?

Weh? Sure ka?

Finally!! Congratulations!

Di naman kasi porket pinaghirapan mo ang isang bagay eh deserving ka na dun. That’s how unfair life is. Pero teka, bakit di mo tingnan sa ibang anggulo? Baka naman, pinaghihirapan mo ang isang bagay na hindi talaga para sa’yo. Diba? Kaya siguro mashadong mailap. Hawak mo na pero di pa rin mapasayo. Sana wag mo rin isipin na pinagdadamutan ka ng pagkakataon. May mga bagay kasi na mas maiging di mo na malaman ang dahilan at rason.

It’s just—-it’s….not meant to be. Yun lang yun. And  #TruthHurts.

Ang hirap kasi mag-move forward kapag blanko ang sagot sa napakaraming tanong d’yan sa isip mo. Parang, papa’no? Saan ka magsisimula?

Hindi biro ang makipagwarlahan sa isip ah. Tipong may tanong ka na ikaw rin ang iisip ng sagot. Tapos nasagot mo na, di ka pa rin kuntento kaya magtatanong ka sa iba. Tapos pag di kayo pareho ng sagot, in denial ka na. Paulit-ulit lang yan. Walang katapusan. Well. Hindi kung wala kang balak tapusin yan.

Yung totoo, Kaya mo ba talaga? Keribels lang ba na minsan, tanggapin na lang natin na kahit pagbali-baligtarin natin ang mundo (which is imposible talaga…), hindi talaga ito para sa’yo. At kailangan mong magpakatatag kahit mahirap at masakit. Anyway, mas masakit lang naman ito pag di mo kayang tanggapin. At kung mas concern ka sa sasabihin ng ibang tao. Yung mga likes at comments nila sa issue na ‘to.

Pero sa totoo lang, wala naman talagang pakialam ang mga tao sa pinagdadaanan ng bawat isa. Nasanay lang siguro tayo sa mentalidad na mashadong maraming interesado sa buhay natin kaya tuloy hirap tayong magpakatotoo sa nararamdaman natin.

Wehnonamanngayon kung malungkot ka? Eh di umiyak ka. Ilabas mo yang bigat sa dibdib mo. Isigaw mo! Tanggalin mo na yan d’yan sa puso mo kasi pag pinatagal mo yan, magtatayo na ng komunidad yan jan. Baka magkaron na sila ng Presidente at dumami parang gremlins.

Di mo naman kailangan ng validation galing sa ibang tao na kaya mong lampasan ang humps sa buhay mo. Alam mo yan sa sarili mo. Bigyan mo ng timeline ang sarili mo. Di naman pwedeng mabuhay ka na lang para sa sasabihin ng iba. Minsan naman naging masaya ka. Naging ok rin ang lahat.

Namimiss ka na ng realidad. Marami pa raw siyang ituturo sa’yo. Marami ka pang dapat matutunan. Saka ang dami pang pwedeng mangyari. Di ka ba naeexcite dun? Isara mo na ang malungkot na kabanata at i-claim mo na ang masaya at makahulugang kasunod na kabanata sa buhay mo.

At sa pagkakataong ito, yung mas excited na ikaw. Tama na ang ka-dramahan.

Gorabels. Everyone deserves to be happy.

Isyu 101

One fine Wednesday. Nasa opisina ako at kausap yung nanonood ng UAAP na may sakit. (habang nasa bahay).

Aling Baby: Ano’ng laban?

BB: Ateneo, UST

Aling Baby: Panalo UST?

BB: Wala pa kaya. 2nd quarter pa lang eh. Lamang ateneo. USTe ka pala ha. Cge magkalaban tyo!

Aling Baby: (Halaa, magkalaban na agad?) Nagtatanong lang talaga ako eh.

BB: LOL

Aling Baby: Cleveland kaya ako.

BB:  Waaahhh bandwagoner. LOL.

Aling Baby:  Andun si Kyrie eh

BB:  Bandwagoner ka. Mukha mo, last year miami ka. Tapos ngayon cleveland ka na! Hahaha!

Aling Baby:  Pero miami heat pa rin ako…

BB:  Lumipat lang si lebron, cleveland ka na.

Aling Baby:  …last year yan (miami) 😉

BB:  Bandwagoner. Eh ako Lebron for life ako. Hahaha. Walang team. Kung san lang sya. LOL.

Aling Baby:  Bandwagoner number 18,578,637 ako, bakit ba! Hahahaha.

Pambihira talaga. Di na pala pwede magdagdag ng team na gusto mo. Buti pa pala yung mga NBA players, nagffree agent eh, pwede lumipat sa ibang team. Ang fans pag nakapili na pala ng team, touch-move na. Bawal na magpalit -forever! Hahaha! Unfair! Bwisit lungs! LOL.

Kebs ko sa inyo. See you next season, Kyrie. ❤

Ok lang ba?

Galaw-galaw.com

embrace-life

“Galaw-galaw, baka ma-stroke.”

Payo sa mga abangers lang ang peg nila sa mundo. Waiting and never having the courage to do something and make things happen.

Hoooyyy! Anumpecha na? Ano’ng akala mo, mag-aantay sa’yo ang oras at panahon na ready ka na? Aba’y hinde! Kilos na.

Eh pano mo ba naman lalabanan ang katamaran kung tinatamad kang labanan? Mas madali lang mag-abang at magreklamo pag wala namang dumating matapos mong mag-antay ng matagal.

Yan tayo eh. Nauuna nating kalkulahin yung pagod at hirap pag meron tayong goal na gustung abutin. Kahit pa gustong-gustung-gusto natin ang isang bagay, kung wala ka naman gagawin para ma-achieve ito, eh wala rin.

Tulad na lang ng “Goal Weight”, umpisa pa lang ng taon, nasa unahan na yan ng listahan mo. Pero pang-pitong buwan na ng taon ang pagsasabi mo ng, “Bukas, start na ko magdiet at exercise.” Eh ate, limang buwan na lang ang itatagal ng 2014….Ano na ba ang na-achieve mo?

Di naman mauubos ang bukas eh at paalala lang, mas mahirap tanggalin ang mga tabang naging laman na sa tagal ng pag-aantay nilang mag-exercise ka. Kaya helloo…galaw-galaw.

Eto pa. Ang lovelife mo, kumusta na?

Kung noong kalakasan mo at sariwang-sariwa ka pang nakalagay sa estante eh panay ang bilang at score mo sa malaking scoreboard na nakakailang jowa ka na. Trophy ba yan? Tapos ang reklamo mo naman sa buhay eh, kelan ka kaya makakahanap ng magpapatahimik sa napaka-sociable mong buhay? Eh teka, yun ba talaga ang gusto mo? Ang manahimik na? Kung yun na nga talaga, assessment ang kailangan mo. Meditate. Contemplate. Ikaw lang ang makakasagot kasi nyan. Basta. Mararamdaman mo na lang pag nasa harap mo na yun. Yung Siya. And that person’s laughter is the question you want to spend your whole life answering. Mga ganyan. Heartwarming ang dating.

Pero kung akala mo na marami ka pang oras na pwedeng sayangin, think again. Pag nakalampas ka na sa College life at nagsisimula nang maging abnormal ang mga dati’y normal lang naman sa’yo. Ibig sabihin nun, tumatanda ka na. Isama mo pa yung mga puting buhok na nagsisimula nang makihalubilo sa paunti nang paunting tumpok sa bumbunan mo. Yung naiingayan ka na sa malakas na tugtog. At mas gusto mong itulog ang inuman at gimik ng barkada. Mga bagay na sadyang pakiramdam mo, matanda ka na para d’yan. Kailangan mo nang gumalaw-galaw.

Try to see the bigger picture. Kung para sa iba, mashado ka nang late sa meeting na ito….well, you came JUST IN TIME. –Nananakot lang ung iba. Minsan, katulad ng ibang normal na routine pag sobrang busy ka, nalilimutan mo lang ang oras. Nagugulat ka na lang kapag tumingin ka sa kalendaryo. Ang oras at kung gano ito kabilis tumakbo. Lalo na kapag nakita mo yung tag photos ng classmate mo nung elementary at highschool from 15-17 years ago. Gosh. Ang tagal (tagal-tagal-tagal) na pala. Best years of our lives.

But you know what? There are far more….best, chart-topping moments to come….basta’t simulan mo nang gumalaw-galaw d’yan and make it happen.

And when you do, don’t forget to cherish every moment. As in. ❤