Ang Blog ni Aling Baby

 

Taong 2008 mula ng sinimulan ko ang blog na ito. Hindi pa kasi uso ang Facebook noon at wala pang group chat o tag photos…kahit newsfeed. Kaya itong blog na ito ang naging daan para pag-pyestahan ang mga pangyayari sa bahay namin pag weekend sa Dubai.

Nag-umpisa sa mga kalokohan, nauwi sa seryosohan at ngayon…padalaw-dalaw na lang.

Eto rin ang panahon na usong-uso ang blogging. Marami din akong nakasabayang magagaling na bloggers. Yung iba dito naging ka-chokaran ko rin. Ang saya, sa blogosphere noong 2008-2009. Na kapag nag-post ka ng bagong entry, nagiging thread dahil sa ginagawang thread na kwentuhan.

At ngayong 2016, nalaos na ang WP dahil sa FB.😆

 

Ako si Aling Baby.

Yung mahilig magtakip ng mukha tulad neto kasi disguise ko yan.

bangs

 

Minsan talaga masarap magsulat pag di ka kilala ng mga nagbabasa. Bakit? Tanungin n’yo kaya si Bob Ong. –kailangan pa ba nun? Eh puro mga kapitbahay lang ‘ata namin ang nagbabasa ng blog ko. 😛

Fyi din, hindi ko paboritong subject ang Filipino o Balarila nung elementary at highschool, marunong lang talaga ako mag-tagalog. Mas feel ko kasi pag tagalog kesa sa Ingles. Pero ngayon, taglish na ang istilo ko kasi uso eh.

Saka di n’yo naitatanong, nung College, sapilitan kaming isinali sa Essay writing contest ng Retorika prof namin tapos nung awarding na sapilitan din kaming um-attend kasi hindi pwede lumabas ng school (di namin natakasan si manong guard nun…) – Alam n’yo ba na nung tinawag yung pangalan ko para umakyat ng stage at i-claim ang award, nagkkwentuhan kami nun at nagtatawanan. Wala kaming kamalay-malay na nanalo ako! Silver award.Sa.Essay.Writing.Na.Hindi.Ko.Naman.Sineryoso. Like haller! Pano pa kaya kung kinarir ko yun? Hahaha! Char!

Magaling akong chumamba sa pagluluto. Dati, pag marunong ka, wow ang galing mo naman. Ikaw na lang magluto tuwing gabi hahaha! Pero ngayon kasi naglipana ang mga online recipes. Tapos may FB pages na nagppost ng vids ng mga recipe’ng dati pinapangarap mo lang kainin pero ngayon, naisip mo, madali lang palang gawin. Kaya eto, magaling lang akong chumamba. Salamat sa mga recipes at mabilis na wifi connection.

Ako yung taong kayang magpuyat sa panonood ng kung ano-ano. Pag pinagkape mo pa, malamang aabutin tayo ng umaga. Susuko lang ang mata ko pag nasilaw na ko sa sikat ng araw.

Tapos pag sinipag, walang kebs at pahi-pahinga ang mga bagay-bagay. Tatapusin ko yan kahit abutin pa ko ng buong maghapon. Pero pag tamad day…alam na. Literal na tamad, yes.

Dati, masipag magpost; Ngayon, nagpopost na lang pag sinwerteng inabot kahit saan ng isang magandang topic na pamblog material. (kahit saan, minsan nga sa cr eh…)

Pasensya na kayo kung minsan, malalim ako magtagalog (magpasalamat na lang tayo sa google translate), tagi-lish (tagilid ang ingles), di mo malaman kung nakikipagkwentuhan lang ba (mas madaldal ako sa blog kesa sa personal…), parang laging may kaaway (o inaaway, buti na lang at walang death threats), malimit manermon (mana-mana lang yan, ma.), at nakiki-gay lingo (I love gayness…what’s not to love?).

Wala nang tanungan ng edad, (‘lam ko hindi big deal sa inyo pero….), mas matanda yung edad ko kesa sa sa’kin sa personal.

In fairness, di naman required sa blogging ang educational attainment, (salamat sa nanay at tatay ko pati na sa ate ko…) dahil umabot ako sa Bachelor’s Degree in Broadcast Journalism (naaaaks! Pira-pirasong pangarap!) char! in Typing and Filing siguro. May diploma, picture na naka-toga (Ang huling pikcher ko nung payat pa ko at literal na inosente sa mundo.) at TOR na may red ribbon. Pwede na siguro yun.

Height? Weight? –Iilan sa mga bagay na paborito kong hindi sagutin. Ang importante, di hamak na mas matangkad ako kay Mahal at hindi kasimbigat ni Dabiana. (Some things I am thankful for.)

Civil Status? Di na uso yan, relationship status na ngayon: Hmm…I’m In a relationship…with myself and everybody else who loves me. Magmahalan tayo! 

*Dahil uso ang mga kakaibang set-up, wala po akong naging asawa at naging anak nung single pa ko, kahit ngayon na single pa rin ako…but I love kids, maybe I’ll try to keep one someday.😛

Loves? My furry-furry-furry-furry-furry, little fellow ChiCheese. (Yung mala-garfield kong pussy-cat, my stress reliever, pain reliever, massager, ka-cuddle, at ang nagpatunay na wala akong hika.), Ano pa ba?? Movie marathons (Love ko ‘to pag tamad-days and holidays), Cooking with the Daza’s (feeling marunong), Sing (kumanta yan, wala nang kasunod na salita. -lalo na pag abot ko yung high keys lels), Coffee (talks, bonding, -paborito ko to habang nakatingin sa malayo at nag-iimagine na totoong relaks na relaks ang feeling ko…) and shempre, ang paborito ng lahat…Lumamon.

Interests? Make-up (maiba lang…), yung DIY vids sa youtube; Gusto kong i-try maging modista (sobrang leap na’to ha from boring to spinster-mode haha…) Pag may bagong gadget, chak matagal-tagal mo ako bago makausap na hindi busy sa kabisihan; Pag interesado kasi ako sa isang bagay, di ko tinatantanan. Kaya, so far, yan pa lang. Pag merong bago, update kita, k?

Hobbies? Soundtripping. Music collecting pa rin pag may time. Photography (kala mo may Nikon/Cannon – in fairness, di lahat ng may Nikon, magaling magpicture! Parang I sounded bitter dito sa parteng ito…lels). Small interesting talks dahil kapagod nang makinig sa chismis.:P

To be continued…