Ano na ba ang latest?

new

Anim na taon.

Ang tagal na pala noh? Mula ng huli tayong nagkasama-sama. Sa totoo lang, habang nag-iisip ako kung ano ang isusulat ko, napasilip ako sa weeeyybak dekada kopong-kopong at di ko namalayang, iniisa-isa ko na ang mga pahina.

Nakakatawa. Nakakatuwa. Nakakaloka. Ambabaw lang ng mga kaligayahan natin. Nagsisimula pa lang maging haytek ang mga bagay-bagay. At sa totoo lang ulit, di matutumbasan ng ka-bigtime-an ang mga araw at panahon na kuntento na tayo sa pagtambay sa labas ng bahay, magkwentuhan, mag-inuman at magbonding. Pag sinabing ‘bonding’, hindi ito yung may obligatory photo-op para i-update sa mga social net account. Ito yung bonding na solid, walang may hawak ng cellphone at punumpuno ng kalokohang usapan. Ito yung nawawala na sa panahon ngayon.

Ang saya balikan. Kung di nga lang bigla akong tinawag ng amo ko, baka natapos ko lahat basahin. Biruin mo nung panahon na yun…

Noon: Merong brokenhearted na dumadayo sa inuman every weekend, dala ang kakulitan, baong mp3’s, tictac-toe at libreng alak at yosi habang kinukulit ang mga tao at pakalat-kalat na parang residente talaga ng bahay.

Ngayon: Matapos ang ilang trial and error, nakatagpo na ng swak na swak sa banga. Sadyang totoo nga na lahat ng hirap, sakit at lungkot ay hindi rin permanente. Makakatagpo ka rin ng laan para sa’yo sa tamang panahon.

Mensahe: Nakakamiss ka na huy. Di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa natin sa mamahaling telepono na hinulaan natin ng maraming password kaya kahit yung may-ari di niya mabuksan. Hahaha! Nakakamiss yung kakulitan mo. Sana pag nagkaron ng pagkakataon, makapagkwentuhan ulit tayo. Pramis, ibabalik ko na yung wand mo kahit di mo na kailangan kasi, natagpuan mo na ung magic. It’s inside your fingertips hahaha!😛

Noon: Sa Pinas pa lang, panay na ang yaya ng “Let’s Volt In!” hanggang makarating ng ibang bansa nakahanap pa ng Red-1, Blue-3, Yellow-4 at Pink-5. Umiinom kahit lasing na. Nakakatulog sa CR. Humihiga sa sahig at nagpapa-chalk. Nakakalimutan huminga ng normal. At nangyayakap pag hay na hay na sa alcohol habang nagpapasalamat na parang nanalo ng award sa Famas. At kadalasan, pinakamaayos at matinong kausap. Nagluluto para sa mga tamad magluto at magluluto pag may gusto kang ipaluto…habang shuma-shot.

Ngayon: Yung prusisyon na naudlot, sa simbahan din nagtapos. At meron nang bunga na kamukhang-kamukha ng puno. Sa tingin ko at ramdam na rin…Masaya. Fulfilled. Complete. Minsan pag malungkot tayo, akala natin bottomless kasi exagge tayo mag-isip pag malungkot. At gagawin ang lahat makalimutan mo lang yun sa kahit anong posibleng paraan. Pero ang totoo, kailangan mo lang maghintay at magpasensya. Kasi pag dumating naman ung araw na ok ka na, hindi mo na halos maalala na naging ganun ka pala kalungkot dati. Let’s just be thankful for everything and hope for the best.

Mensahe: Minsan mas masarap magkape sa labas. Try natin. Tapos kwentuhan. Gaya ng dati, yung inabot ng closing time hehe…pero di na yun pwede. Yung hanggang madaling araw pero malay natin diba?🙂

Noon: Merong magulo at makulit. Mas madalas na makulit na maingay pag naka-volt in. Number one sa may pinakamalakas na tawang pagdating ng madaling araw paos na. Sumasayaw ng “Owa” (Owang galing, galing mong sumayaw…galing mong gumalaw…) at Ang Ganda daw niya. Pero pag normal na araw, tagabantay ng unan at kumot habang nagssenti sa kanta ni Kuya Martin at Divo. Inlab. Hinamak ang lahat.

Ngayon: Kahit hindi naging sakses ang ilan. Naghintay pa rin at nakatagpo ng isa. Akala ko at lahat, siya na. Pero hindi. Kadalasan, kung sino pa ang fanatic ng pag-ibig, sa kanya ito mailap na mailap. At kahit ilang beses nang bigo, umaasa pa rin. Idol mo ba si Wency?😛 Naniniwala ako na merong nakalaan para sa bawat isa sa atin. At hindi daw ito hinahanap…kusa lang dumarating. Baka isang araw, makasabay mo sa traffic. Ingat lang sa fine.

Mensahe: Kapag nahimasmasan ka na sa lablyf, kita naman tayo. Seryosong usapan. Bawal tumawa. Pag tumawa, magpapainom. At pag mas malakas na tawa, may kasamang pulutan. Ok lang ba?😛

Noon: Ang Kanin ay pinapartneran ng ulam. Naghahanap ng kapareha. May nakita. May mga nakita pero…siguro hindi pa talaga. Wala pa talaga. Naglilibang sa pagttrabaho, panonood, pangongolekta. Mag-update ng Ipod. Foodtrip. Alaktrip. Chikahan at Barkadahan. Ok na lang sa ganun.

Ngayon: Ang Kanin pa rin ang priority na mapartneran. Marami nang nawala at nadagdagan pa.😦 Pero wala pa rin nagbago. Ganun ka pa rin. Ganun na ganun, timbang lang ang kaibahan pero ikaw pa rin. Ang pinaghalong warm-nokebs welcome na nakaka-at home. Minsan, akala ng iba malungkot pag mag-isa pero hindi. Lalo na pag napapaligiran ka ng kaibigan at mga taong nagpapahalaga sa’yo. Totoo, maiisip mo rin na kelan kaya darating ang nakalaan para sa’yo. Pero ang kaligayahan, di naman nahahanap sa iba. Masaya ka kasi kuntento ka na. Kung may darating man, salamat. Kung wala….sana meron pa rin naman hehe.😛

Mensahe: Andito lang ang music collection ko pag kailangan mo. Wag kang mag-alala, wala nang UNO Grill na kapalit tulad ng dati hahaha. Kwentuhan lang at inom, pwede na. Yun lang ha kasi di na ko nagrrice.😛

Noon: Sunud-sunod ang lablyf. Pag natapos ang isa, may kasunod na agad. At pag nabbrokenheart, iinom lang ng malupet at magwawala ng very-very light…bukas ok na ulit at may bago nang kinakarir. Kung sa iba, motto lang ang “Try and try until you succeed.” At yung, “Collect and collect then select the best.” – Sa kanya, seryoso yun. Ang love, ay este, True and Lasting love ang goal niyang ma-claim sa buhay. Nagamit na ang iba’t-ibang strategy at na-enhance pa nga ang mga lumang technique. Bukod jan, kung malungkot ka at gusto mong sumaya, pag siya ang kasama, walang palya. Pag nag-volt in na yung si maingay at makulit tapos eto…cguradong mag-eecho ang tawanan sa buong bahay. Alam ng lahat yan.

Ngayon: Kasabay na yata ng pagkaka-edad ang ka-seryosohan sa buhay. Minsan ang pagbabago, kala mo yun lang pero ang totoo, para kang umikot ng 360 degrees and more. Mapapa-anyare ka na lang. One of the many things you do for love. May mga kailangan kang gawin. At hindi lahat, makaka-gets. Di mo naman kailangan i-please ang lahat ng tao eh lalo na’t alam mo kung ano ang makakapagpasaya sa’yo. Try mo para malaman mo ang pakiramdam.

Mensahe: Pag nagkaron ng pagkakataon, let’s catch up. Magtawanan tayo ulit. Magpakasenti tayo kasi majonders na tayo at jojonders pa sa mga darating na taon. Ang dami na nating naipon na kwento. Magbawas-bawas naman tayo pag may time.😛

Noon: Hanggang ngayon, yang lablyf ang panay goal ng mga tao. Kung ilang beses na may dumating kasama ng pag-asa na panay din tanong kung “sana siya na nga…” Nakailang attempt ka talaga eh, napagkwentuhan natin yan madalas. Dahil ok naman ang work kahit nakakapagod, sana meron naman kapartner na pampawala ng pagod at iyon ang wini-wish mo sa wand namin ni tictac-toe. At sa ilang taon na dumaan, marami ring pagsubok. Alam ko rin yun. Pamilya, Trabaho, Lablyf…Kaibigan. Kakilala. Pero ang atapang-atao, di natatakot. Kapit lang at positibo ang pag-iisip. Ikaw lang kilala kong ganyan.

Ngayon: Tulad ng seryoso sa buhay at tictac-toe, nakahanap ka na rin ng para sa’yo. Thank God. At ang tagal n’yo na. Happy Puso. Happy for you. Di man naging successful sa career, God is Good…alam mo yan. Still alive and kicking. At suma-shot ka na ngayon ha. Minsan ipa-experience mo naman sa’kin yang bagong talent mo.😛

Mensahe: Pag natuloy ang catch-up with serious black, sumama ka na. Alam ko, isang tawag ko lang sa’yo pag free ka, gogorabels ka talaga. Tenks. Tenks. Tenks. Kitakits tau minsan. “I mishu.” Sabi ng ngongo na nakakita ng piso sa daan. LOL!😛

Noon: Akala natin pag nakahanap ka na. Nagkahanapan na kayo, may forever na. Totoo na ang forever. Pano’ng di ka mapapaniwala…eh tumagal talaga kayo. Ang tagal-tagal na, nakailang palit na ng teleserye tapos kayo pa rin. Naka-graduate na ng elementary at hayskul yung mga bulinggits na kapitbahay nyo tapos kayo pa rin. Nakailang jowa na yung ilang kabarkada nyo tapos kayo pa rin. Tapos sabay ayan biglang wala na kayo.😦 wala palang forever. Katulad ng mga bagay na nag-eexpire. Mga istoryang umaabot sa the end. Mga karerang andun na sa finish line. Ganun talaga. Minsan ganun lang talaga. May mga nangyayari na di mo inaasahan. Mga nangyayari na di mo inisip na pwede palang mangyari.

Ngayon: Nangyari na ang nangyari. Tapos na. At parehong nakapagsimula na ng panibago.

Mensahe: Kung naniniwala kaung may forever, eh di wag kayo maghiwalay. Kapit lang.😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s