Opinyon ko lang naman…

cat opinion

Sabi nila, hindi naman masama ang umopinyon in general sa mga bagay-bagay. Yan ang pribilehiyo ng mga utak at bibig natin sa gitna ng mainit na pag-uusap. Pero hindi nagkakahulugan na ang mga ito ay TAMA at KARAPAT-DAPAT na pakinggan. Lalo na para sa mga taong alam naman ang kanilang ginagawa/walang pakialam sa mga opinyon na ito.

Dalawang klase lang ang alam kong mga ganito.

  1. Harapang opinyon (parang yung sa Face to Face).
  2. Patago, pasimple o pa-traydor (ang hard…) na paraan.

Yang Face to face na paraan, kadalasan yan habang nakasalang ka sa ‘hotseat.’ Cornered ka na. Tapos on the spot na aabangan ang reaksyon mo. Kung katulad ka ni Aling Rowena-Katipunera, direchahan kang sasagot, ke pabalang man yan o direktang sagot na, “Eh di ibig sabihin, wala kang ginagawa kundi abangan ang mga ginagawa ko?”Boom! Chismosa! LOL!

Yang mga patago naman. Laman yan nga mga Chat Apps. Alam n’yo yan!!! Alam natin yan. Yan ang mga opinyon na minsan below to the low the belt na tirahan na yan. All out. Eh kasi, yung topic, busy sa buhay at walang kaalam-alam sa mga pangyayaring nagaganap pero di rin natin alam na baka busy rin pala siya sa kahihimay ng opinyon niya sa mga buhay n’yo hahaha! Life is just fair sometimes.

Wag na tayo magtaka, peeps. Kasama yan sa ecosystem. Pag wala na kasi ang chismisan at kutuhan (as we call them during the old times), eh walang saysay ang buhay mo. Kaya pag hindi ka napag-uusapan, magtaka ka na.Biruin mo, sa dinami-dami ng chismosa sa mundong ginagalawan mo, wala man lang kahit isang nagkainteres na pag-usapan ka. Diba? How uninteresting and worthless can you get?

Pero di ko rin naman sinasabi na i-enjoy mashado ang fact na pinag-uusapan ka ng mga tao. Lalo na kung, 1. Di ka naman Artista. 2. KSP ka. 3. F na F mo pag pinagbubulungan ka. 4. Wala kayong kapitbahay. 5. Ibang lahi yung mga kapitbahay mo kasi obviously, di naman kayo magkakilala.

Minsan, aminin natin na mahirap lunukin ang katotohanan na somehow sa mga narinig mong facts ay totoo naman. Well, sino ba’ng gusto makarinig ng pangit na katotohanan?

Gosh, tapos maririnig pa ng ibang tao…eh pano kung maniwala sila???

Hahaha! Eh pano kung alam na rin naman nila? Tapos ikaw na lang ang in denial. Eh di WOW.

Sabi nga nila ulit, kahit ilang beses mo linisin ang harap ng bahay mo, loob, labas, pati kasuluk-sulukan ng mga ito…kung yung may ari, di naliligo! Eh di malinis ang bahay niya. Go figure.

Wag din natin kalimutan yung mga ibang panira ng moment. Tipong ang saya-saya mo. Good vibes. 11:11. Ikaw ang Bida sa Primetime Bida. Sabay magccomment ng “Three months na lang ngayon ang bumibida sa Primetime.” –Which means, di ka bida for life. Diba? Porket, di siya ang bida, kailangan pareho kayo. Ayaw mo shempreng isipin na hindi siya genuinely happy para sa’yo pero pwede mo naman na ipaniwala sa kanya na na-appreciate mo ang pang-eeps niya sa moment mo. Quits na lang kayo.😉

May mga tao na mahilig ibagay ang karanasan nila sa iba na parang damit na kapag bagay sa kanila, for sure, bagay din sa’yo yan. Kaya maniwala ka na. Hahaha! Eh di WOW ulit! Porke-porke? Magtayo ka na ng Consultancy firm hahaha kung gayon.

Maraming klase ng mga tao. Marami ring klase ng approach. At marami ring klase ng paraan para unti-unting mawala ang mga masasamang elementao sa masayang kalmadong mundo. Pwede mo naman silang intindihin pag bored ka tapos nun tuloy ulit ang buhay.

Anyway, buhay mo talaga yan eh. Obviously, ikaw na’ng bahala d’yan. Diba?

One thought on “Opinyon ko lang naman…

  1. Natawa naman ako sa ” How uninteresting and worthless can you get?”.

    Pero minsan, ok na rin na hindi ka pinagchichismisan. Or better yet, wag na lang pansinin. Kesyo nababahuan sila sa baktol ko, so what? Nakikiamoy lang sila. We need to tune out opinions some times para naman magkaron tayo ng peace of mind.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s