“Kung san ka masaya ok na ‘ko dun.”

smirk

Weh? Di nga?

Bakit ba ang hilig natin magsabi ng mga bagay na hindi naman bukal sa loob natin?

Tulad n’yang dialogue na yan.

Alam naman nating pare-pareho na ang OK LANG ay HINDI OK. At kahit na pagbali-baliktarin natin ang shorts mo, mas mataas na porshento ng sinabi mo, joke lang, fraction lang dun ang ok.

Parang ano kasi yan eh, pang-end ng conversation. Katulad nung pag ni-like mo yung comment niya sa fb kasi wala ka nang masabi, end of conversation na yun, tapos na ang thread.

Saka mas mabuti na yun, at least kahit masama ang loob mo, iisipin pa rin ng kausap mo na “Sobrang understanding” ka…buti ka pa, naiintindihan mo ang mga bagay-bagay. Kahit hindi naman.

Isa pa, kahit naman ayaw mo, may magagawa ka ba kung yun na ang desisyon niya? Wala na rin diba? Para que pang mag-effort kang mag-explain ng point of view mo kung focused na sa sarili niyang view yung kausap mo, eh wala rin. Might as well, agree…to disagree in silence.

So, ibig sabihin pala kaplastikan lang ang ibig sabihin n’yan? Kiss-assin’. Pampatahimik sa kausap. Or para sa mas magandang description….Validation.

Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na may nakakaintindi sa sitwasyon mo kahit gaano man kabaluktot ito. At sa mundong ang mga tao ay may iba’t-ibang opinyon sa lahat bagay, it’s a relief to know na merong kasimbaluktot ang isip mo para masakyan ang trip mo.😛

Minsan para mas matakpan pa ang kaplastikan ng dialogue na ito, magffollow up message ka pa ng, “Go and get happy.” –ayan para mas lalong kapani-paniwala.

Hindi naman sa nilalahat ko ha. Alam ko namang may mga nagsasalita ng ganyan na bukal sa loob nila. Lalo na kung ang sitwasyon eh, kunwari yung kausap mo gusto lang ipakita sa’yo na nakahanap na siya ng iba’ng mas higit pa sa’yo at ikaw naman, tuwang-tuwa at makakalaya ka na. Ang tono n’yan, kunwari nanghihinayang ka pa pero ang totoo, magpapaparty ka na mamaya. Big celebration ito.

Joke lang. Seriously. They are seriously honest that they’re happy  for you. Mga ganun. Maniwala na lang tayo.😉

Sa totoo lang naman, napakahirap makahanap ng mga taong totoong masaya para sa’yo. Genuinely happy lalo na sa success at achievements mo. At hindi yung pasikretong nangungumpetisyon. Simple lang ang diskarte at ayaw malamangan. Daming ganyan. Ingat lang po tayo, ano po?

Parang yung fans ng Miami Heat at San Antonio Spurs, nung nanalo ang Spurs, ang daming nagpost jan ng “Congratulations. Kudos. Good job.” Mga ganyan, pero ang sasama naman ng loob. Shempre, sino ba naman kasi ang gustong matalo diba?

Minsan cguro mas magandang pag sinabihan ka ng “Kung san ka masaya ok na ‘ko dun.” -wag mo nang isipin if they meant it or not. Isang malaking effort na rin naman ang magsabi ng ganyang bagay kasi may choice din sila na hindi magcomment or hayaan ka na pero dahil cguro mejo importante ka, nag-abala pa silang kalamayin ang loob mo. Ok na rin diba?

“Thank you, friend.” Yan na lang ang isagot mo para mabawasan naman ang mga mapagduda sa mundo.

“Cge na. Kung san ka masaya…chak cguro masaya dun kasi ang saya mo. Ok na ko dun. “

🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s