Talon na!!

just jump

Ang buhay ay isang malaking balong walang salbabida. Kinakailangan mong matutunang lumangoy sa ayaw at sa gusto mo, dahil kung hindi, matatangay ka ng alon at malulunod ka sa kailaliman.

Aminin na natin, madali maki-swimming sa buhay ng ibang tao pero sa sarili mong balon, hirap na hirap ka.

Madaling makisawsaw at manguna sa desisyon ng iba dahil hindi naman ikaw ang haharap sa magiging kalabasan ng pangingialam mo.

Sa tuwinang magkakaron ka ng problema, parang nagwworkout ang utak mo sa pag-iisip kung kanino at saan ka kakapit para di ka tuluyang maanod nito. Dependent ka. Asa ka lang ng asa.

Bakit di mo harapin? Hey, harapin mo na. Ilang taon ka nang nagsswimming sa buhay mo. Hindi habambuhay anjan ang mga kinakapitan mo. Pano na lang pag wala na nga talaga? Pakalunod na lang? Patay na lang? Di ba pwedeng subok muna bago patay?

Ang hirap kasi, sinanay mo ang sarili mo. O baka, sinanay ka nila. Ano ba ang ikinakatakot mo? Ang worst lang naman na pwedeng mangyari eh malunod ka. Hahayaan mo bang mangyari yun?

Sa totoo lang, napakadaling sumuko. Aayaw sabay talikod. Ano’ng mahirap dun? Meron? Alam mo kung ano ang tama at ang karapatdapat na gawin pero mas pinipili mong ipikit ang mata mo. Kasi ayaw mo mahirapan. Kasi ok na sa’yo ang ganyan. Hanggang kailan mo balak gawin yan?

Sabi nga nila, kanya-kanya tayong buhay…sana maisip nating ang mga taong siyang kinakapitan natin ay kasama dun, may sariling buhay.

Kaya sige na, talon na!

Hayaan mong salubungin ang alon at ramdamin ang lalim. Walang mahirap sa taong may determinasyon. Wala ka naman ding choice kundi harapin ito. Ang importante, may karamay ka. Suporta ng pamilya habang sinusubok mo na harapin gaano naman kalakas at kalalim ito. Maniwala ka sa kakayahan mo.

Uy, hindi pa naman huli. Kaya mo yan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s