Drama-Rama Presents: Push mo lang yan.

push

Life is Punung-puno ng drama.

Hindi naman ako active sa panonood ng teleserye pero bakit panay drama na lang ang naririnig/nakikita/ibinabalita sa’kin?

Ako na naka focus na lang sa panonood ng documentary, rom-com, action-sci fi, detective at true stories (Ayoko pa rin ng horror flicks, sorry.) …ay hindi pa rin tinatantanan ng mga dramang walang kwenta.

Mula nung nabuhay ako sa pagkamatay nung isang taon, isa lang ang sinabi ko sa sarili ko.

“Tama na.”

Simple at malinaw.

Eh bakit ko pa ba naman guguluhin ang isip ko kung kaming dalawa lang naman ang nag-uusap? Ako rin ang chak na maloloka kakaisip. Kaya ayun, nagkaintindihan na kami.

So, I left yesterday behind. No matter what it was. Lahat. Pinagsama-sama ko, binalot, tinali at sinunog. Arson.😛

I don’t want to close the book. I’m just turning the page and moving forward.

But don’t get me wrong. Hindi ko ‘yun ginawa to make me forget my mistakes. Eksheli, memorize ko pa nga eh. Enumerate ko pa, gusto mo? I’m not proud of them. And I don’t have the power to go back and change everything. Even if I had, I wouldn’t change anything. (Umi-ENGLISH!! Hahaha!)

Somehow, may mga tao na nag-iisip na yun ang ginawa ko. Na I moved forward and ignored everything I’ve caused to some…or maybe to most of them (may aapela talaga alam ko.). At nature lang siguro ng tao na ipagtanggol ang mga sarili nila. Pagalingan ng argument. Paramihan ng sumbat. Pataasan ng Ere at Pride. Ako-Ikaw ang magaling. Ganyan.

Ipinagtatanggol ko ang sarili ko, para sa sarili ko. Hindi para ipamukha na ako ang tama. Dahil kailangan kong tanggapin na ang pagkakamaling iyon ang nagturo sa’kin ng leksyong matagal ko nang dinededma. –Ang maniwala sa sarili ko at huwag…I mean HUWAG DUMEPENDE SA IBANG TAO FOR EMOTIONAL SECURITY.

Walang taong aamin na mahina siya…..lalo na sa harap ng mga taong nag-aabang ng pagbagsak niya.

W.A.L.A.

Sa pagitan ng hirap at sakit, ngingiti ka lang at sasabihin mong, “Bring it on! May agimat yata to!” –pero ang totoo, kung hindi lang masakit ung maglaslas or hindi mababasag ang bungo mo at okay lang sa inyo na ganun ang gawin mo, why not para tapos na. Nasasaktan ka na pero iisipin pa rin ng ibang tao ang nakiki-eksena sa utak mo. Human nature.

Daming drama.

Sa dami ba naman ng problema sa mundo, pati na yung malimit magpost ng bad days nila sa news feed mo…SASALI KA PA?

Wala namang imposible eh. Kung gusto mong wag masira ang araw mo, tigilan mo na ang paniniwalang may nag-aabang palagi na masira ang araw mo. At panata ng mga tao na yun na bwisitin at maging miserable ka kasi yun ang magpapasaya sa kanila.

Kasi ang totoo, MERON TALAGANG GANYAN. Pero na sa’yo ang POWER of DEDMA. All you have to do is go to that person on your contacts. PRESS DELETE and BLOCK.

Tapos ang drama. Tahimik ang buhay.

Lagi ko sinasabi sa mga nakakausap ko na “ang mga bagay na hindi mo nakikita at naririnig…hindi makakasakit sa’yo.” At minsan, kailangan mong magbawas-bawas ng pabigat mabigat para hindi lumubog yung katiting na kahoy na inaapakan mo kaya nakalutang ka pa.

At alam mo rin bang, IKAW LANG ang makakabuo ulit sa sarili mo? Katulong ng mga paraang alam mo para mabuo ka ulit. (Kung anuman yun. Ikaw na yun lahat.) Kasi kung gusto mong may mabago sa’yo, kailangan mong gawin ang dapat. Wag mo nang intindihin yung sasabihin nila. Set your mind on something like…”I’m BINGI, ‘can’t hear y’all.”😛

Take that huge step. Hindi mo lang alam na ikaw lang ang nananakit sa sarili mo sa tuwing hinahayaan mong makapasok sila sa isip mo. Wag mo na silang bigyan ng permiso. Ang daming tao sa mundo. Maliit na porsyento lang sila kumpara sa mga taong mas nakakaunawa at tanggap ang pagkatao mo sa kabila ng lahat. Dun mo ituon ang atensyon mo.

Push mo lang yan.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s