Merong permanente sa mundo. Meron.

Yang tat mo.

tats

Meron ka bang tat? Pang ilan mo na yan?

Masakit? San mo pinalagay?

Wow, ano’ng meaning nyan?

Magkano?

Nung bata ako, meron kaming kapitbahay na si Mang Kanor. Laging nakahubad at nakikipag-inuman sa harap ng tindahan sa tapat ng barberyahan ni Mang Paul. Si Mang Kanor na punumpuno ng tattoo ang katawan. Galing bilibid.

Dati, pag may tattoo parang equal na rin ‘to sa mga galing bilibid. Urban legend yan noong panahon ni kopong-kopong.

Pero ngayon, ang tattoo parang bagong accessory. The more the merrier. Mas colorful, mas maraming gustong magpagawa ng ganun din. Ganun na ganun na ilalagay sa likod o sa binti o sa braso.

Meron din ako nyan. Dalawa na.

Yung isa, nadala sa agos ng trending at kagustuhan maka-try ng something bago. At yung pangalawa, may malalim na pinaghugutan.

Hindi ako mahilig sa tat. Dati, pag nakakakita ako ng may ganyan na plain black, yung halatang hindi pulido ang pagkakagawa na nakalagay sa brasong nagsisimula nang kumulubot. Naisip ko, hindi ako magpapalagay nyan. Never. Si Claudine Barretto nga eh, pinatanggal ung anklet tat niya na may pangalan ni Mark Anthony Fernandez eh. Ibig sabihin, isa itong permanenteng desisyong di mo pwedeng basta-bastang bibitiwan dahil mas masakit pag ayaw mo pala nito at nagsisi kang ito ang ipinalagay mo eh pag pinatanggal mo, another masakit na naman.

Kaya heto, pinagtawanan ako ng Never na sinabi ko. AT nakakadalawa na ‘ko.

Ang totoo nyan, masakit talaga ang magpatattoo. Depende kung saan mo gustong ipalagay. Mas mabuto at manipis na balat, mas masakit. At kung mahina ang pain tolerance mo, eh manood ka na lang. Bukod dun, kailangan din na yung ipapalagay mo, may meaning sa’yo hindi yung dahil uso lang. Kasi uso talaga si tweety bird at tazmania dati eh, ang daming nagpalagay nun. Astig diba? Ngayon, may edad ka na at may six pack abs ka pa tapos may tat kang tweety bird sa dibdib. Seriously. So, ano ngayon ang balak mo kay tweety nyan?

Biruin mo, masakit na nga, magastos na nga, permanente talaga tapos kung anu-ano lang ang ipapalagay mo. Kaya kung di ka pa sure at atat ka lang….kalma muna ha? Hindi pa magugunaw ang mundo bukas.

At since hindi rin ganun kadali na alisin ang mentality sa Pinoy household ang thinking na isang sign ng pagiging rebelde, kriminal, astigin, pasaway, adik, etc. ang mga meron nito. It’s high time to get things straight. Kasi alam naman nating lahat na hindi totoo yun. Kriminal ka ba?

At hindi ko rin sinasabing magpa-tat na rin kayo. Kung gusto mo at kaya mo, goow. Life is too short not to try something new. Yun eh, kung trip mo talaga. Wala namang pilitan.

Kasi para sa mga nakasubok na, di talaga maiwasan na dumating yung araw na gusto mo pa ng isa. Hahanapin mo kasi yung sakit at feeling mo, tumaas na din ang level ng pain tolerance mo…tapos saktong may nakita kang bagong design na gusto mong ipalagay sa parteng mas challenging lagyan. Kaya mo siguro diba? Kaya papalagay ka ulit hanggang sa di mo namamalayan na marami na sila at oa na.😛

Papalagay pa nga ulit ako, dalawa pa. (Char!) Nakakuha ako ng permit para sa dalawa pa pero pinag-iisipan ko pang maigi kung itutuloy ko o iddeclare ko nang tapos na ang experience na ito at move on na sa ibang adventure.

Wala namang masama sa tat. Permanente lang naman ito, ano ba naman yun sa’yo diba? Katawan mo naman yan. Desisyon mo na yan. Kung magpapalagay ka para lang makiuso, wag mo sanang kalimutang pag di na ito uso, di mo na rin ‘to mae-erase (pero pwede pa rin naman, with kelloids and everything…). Kaya, isip muna maigi ha at isipin mo ring maigi ang long-term effect pag pinalagay mo ang butterfly tat sa leeg o sa braso o sa binti ha? Kung talagang sure ka na, goraa…kontakin mo ang pinakamagaling na kuya’ng dudutdut nyan and Good luck!🙂

*Photo credits: Google search, Friends and Balot  :)

10 thoughts on “Merong permanente sa mundo. Meron.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s