Musta?

how-are-you06
Isang simpleng tanong na kadalasan sa hinding panimula ng isang mahabang lakbay.
Maraming ibig sabihin ang pangungumusta. Depende sa sitwasyon. Okasyon. At sa kumporme (konek?)
Sa lahat ng pangungumusta, ang pinakapaborito kong isagot ay ‘Ok naman’ at dun na rin yun natatapos, depende sa nagtatanong.
Para sa mga literal at jumping jack na katulad ko, kung wala naman akong sakit, malamang ok naman ako…bakit ka pa nagtatanong? (Taray! Hehe) Pag wala naman akong gusto pang idagdag dito, convo ended na agad.
May mga tao kasing gusto lang makibalita. Mga simpleng nagpapa-update. May nakahandang hingin na pabor. Magandang pang-intro lang para sa mas hebigats na pabor. Kumu-confirm sa bali-balita. At mga totoong, sinserong, concern citizens na gustong rumeach out at catch up for lost times.
Browsing in the dark
Mase-sense mo naman agad sa umpisa pa lang na tanong. At sa panahon ngayon, kailangang may nakahanda ka nang sagot na depende rin sa pagkakatanong. Eh sa totoo lang, wala nang nahuhuli sa balita these days sa tulong ng facebook. So malamang, umabsent ka lang ng ilang update, mag-aalala na agad ang abangers mo sa news feed kung ano na ang nangyayari sa’yo. (Ano nga ba? Ilang linggo ka na kasing walang post! -mga ganyan.) Parang celebrity ka na ring wala nang privacy kaka-update mo ng status. At malimit, kung sino pa yung puro games lang ina-update, sila pa ang mas updated sa buhay mo. Kaya wag ka na magtaka.
Kaya nga ba pag may nangangamusta pa, iisipin mo kung alin sa post na yun ang topic na kasunod nun. Alam mo na dapat yan…member ka na since 2010,
Maraming nangyayari sa buhay ko at 90% nun, andun sa kabilang updated social network site na sinalihan ko — AkinNaLangYun.Com.AE. -kung ano ang nakikita n’yong nakapost sa fb at blog ko, ito yung mga bagay na validated to go on public. Pwedeng i-share. Pwedeng pagpyestahan. Pero mas marami pa ring di na dapat ibinobroadcast. Mas mabuti na kasi yung ganun.
Di naman bawal mangamusta. Minsan, nakakatuwa ring isiping may nag-aabalang magtanong at alamin kung ok ka nga ba. Masarap ding sumagot ng ok lang naman na kung mababasa lang nila ang kabuuan ng pagiging ok mo, makukuntento na sila sa simpleng sagot na yun.
Kaya sa mga iba jan na kumukumusta expecting na hindi ka sana ok, wag na ma-disappoint. Di lahat ng maiksing sumagot, malungkot. Hindi lang talaga interesadong sumagot yun or worst, you’re not worthy enough para malaman pa ang ibang bagay. Ganun talaga. Nangyayari yun sa totoong buhay.
Yeah-Right-On
Mind your own business na lang para everybody happy.🙂

2 thoughts on “Musta?

  1. Meron naman kasing ang tanong ganito.. musta anong balita? kadalasan ang sagot ko sa tanong na iyan eh ganito: ok lang, di ko pa alam ang balita di pa ako nakakapanood ng news sa tv.. wala ka ba tv sa bahay nyo?
    boom! sensya na..
    😉

  2. Di lahat ng maiksing sumagot, malungkot. Hindi lang talaga interesadong sumagot yun or worst, you’re not worthy enough para malaman pa ang ibang bagay. —- AGREE!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s