Mismo..

ab

Kelan mo ba huling naramdaman yung kakaibang pakiramdam na hindi mo maipaliwanag? Yung walang mapagsidlang saya. Yung halos araw-araw na kumakandirit ang puso mo at hindi maitagong ngiti. Yung sayang umaapaw na kayang pumuno ng kalungkutan ng iba.

Naaalala mo pa ba?

Lahat ng tao, tingin sa ganitong pakiramdam -award. Daig pang nanalo sa Lotto. Swerteng napasigaw ng Bingo! Gawad parangal na may kasamang confetti at fireworks. Sayang walang katumbas na halaga.

Hinahanap mo ito sa panahong pakiramdam mo, wala nang magandang nangyayari sa buhay mo. Puros lungkot lang at lungkot at maraming-marami pang lungkot. Lalo na kapag akala mong matatapos na sabay lungkot pa rin ang nabunot mo pati sa pa-raffle. Minsan mapapatanong ka na lang kung darating pa ba ang araw na  magrreunite kayo ng saya. Kung buhay ka pa ba bago kayo magkita.

Napaka-overrated ng saya na ito. Feeling ko tuloy lahat na lang ng tao, malungkot at wala nang iba pang magandang nangyayari sa buhay nila kundi ganun na lang at ganun na naman bukas. Ang bigat-bigat ng mundo at yun pa ang napiling pasanin. Pwede namang hindi.

Pwede naman diba?

Hindi naman palaging ang ibig sabihin ng hindi masaya, malungkot na agad. Mapapa-assess ka na lang pag may biglang nagtanong sa’yo ng, “Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?” or yung simpleng tanong na, “Masaya ka ba?” -well, kung totoong masaya ka, ang daling sagutin nun. Pero kung alanganin ka, bigla ka nalang mapapatigil at mapapatingin sa malayo na parang gumagawa ng MTV, sabay balik ng blankong tingin sa kausap at hindi na sasagot. Meron pa ngang iba, bigla na lang mapapaiyak na parang tumeteledrama lang.

Big deal ang issue ng saya na’to. Minsan nga nakakalito  na rin kung ano ba talaga ang basehan ng tunay na saya. Fulfillment ba ito? Kasi ang abnormal mo naman kung lagi ka na lang masaya. Oo, andun na ‘ko, sino ba naman kasing tao ang gustung lagi ring malungkot? Ang totoo nyan, dapat balanse lang sila eh. May araw na masaya ka na parang katapusan na ng mundo bukas at may araw na tinatalo mo pa ang mga soap opera actors sa lalim ng pinaghuhugutan mo ng lungkot na yan. Pero diba may araw rin na steady ka lang? Yung kalmado lang na parang hinahalo ng cement mixer yang nararamdaman mo buong araw o minsan inaabot pa ng buong linggo. Normal ka pa rin nun.

Maliban sa mas magaan sa pakiramdam pag masaya ka. May mga araw na nakakalimot ka na rin. Yung mga dapat gawin. Yung mga tao sa paligid mo nagiging blurry..busy ka kasi sa kasiyahan. Kala mo forever ka nang ganyan. Kaso lang, may sayang sumasaglit lang. Pinasarap lang ng konti pagkakasquat mo lalo na pag biglang kinumusta ka ng realidad. Pag biglang may sumulpot na aberyang inaabot ng siyam-siyam. Dun….dun ka na parang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang iikot ng 360 degrees ang sitwasyon.

Paikot-ikot lang naman yan eh. Nakikiikot lang tayo kaya wag na magreklamo. Minsan yung mga nagrereklamong stuck na sila sa isang sitwasyon, sila lang din ang may kagustuhan nun. Pwede naman kasing umalis dun, nag iinarte pa. Kung ayaw mong maging malungkot, subukan mong bitiwan yung mga bagay na nagpapalungkot sa’yo. Yun at yun lang ang paraan para matapos na yan -period. Maraming dahilan, oo pero mas maraming paraan kung gugustuhin mo lang talaga. Kasi, pag ginawa mo yun at nalaman mong yun ang dapat mo nang ginawa noon pa, sasabihin mo sa sarili mong….”Bakit ba hindi ko ginawa agad?”

Sa totoo lang, walang nasasayang na oras. Na noong masaya ka, ang dami mong dapat na nagawa kesa sa magpakasaya. At nung sinayang mo rin ang oras mo sa kaiiyak at kakaaway sa pesteng sitwasyong napasok mo….nagamit mo ang mga oras na yun para may matutunan. Lahat nang yun, may naitulong sa’yo. Ke masaya ka o hindi, yung naranasan at napagdaanan mo, yun ang nagturo sa’yo ng mga bagay na hindi mo matututunan sa mga libro at kung ibabase mo lang sa mga kwento at sabi-sabi. Kinailangan mo yung pagdaanan kasi yun ang nakatakda.

Kaya kung nasa taas o ilalim ka man ngayon, gamitin mo yang sitwasyon na yan para matuto. Walang maling sitwasyon. God never make mistakes. You are supposed to be where you are kaya embrace the current season of your life.

Aja!

3 thoughts on “Mismo..

  1. “Minsan yung mga nagrereklamong stuck na sila sa isang sitwasyon, sila lang din ang may kagustuhan nun. Pwede naman kasing umalis dun, nag iinarte pa.”

    madalas akong mag-inarte eh… kaya sapul na sapul ako sa sinabi mo. hahahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s