Tanong lang: Bakit ba?

what

Bakit kaya may mga taong pagkatapos mong pagbigyan, antayin, pagpasensyahan at intindihin….pag turn na nilang gawin yun, hirap na hirap? Anditong nagmamadaling makuha ang gusto, walang pasensya at hindi makaintindi?

Bakit kaya kapag alam mong hihintayin ka ng mga kasama mo, saka ka pa lalong nagbabagal kumilos at literally taking your time pero pag ikaw naman ang maghihintay, di ka magkandaumayaw sa pagmmessage kung nasan na ang mga ito at nakukuha mo pa talagang mag walk out dahil sa trenta minutong pag-antay kumpara sa halos dalawang oras kung magpaantay ka?

Bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga taong pagkwentuhan at pagpyestahan ang buhay ng iba nang patago? Pero pag na-caught in the act na sa ginagawa, halos manguna sa pagmamalinis at pagpapakita ng magandang bagay maisalba lang ang sarili sa kahihiyang isa sila sa mga karaniwang taong tingin nila sa sarili nila, sila ang tama?

Bakit kaya may mga mahilig magbigay ng pabor at tulong na sadyang isang kabayanihan, isang tunay na kaibigan. Walang halong pagmamaramot. Pero kapag dumating ang araw na nagkamali ka. Hindi mo napagbigyan. Nakalimutan mong magbigay-pugay mag-alay ng bulaklak…bigla kang bibilangan ng mga tulong, pabor, utang at kung anu-ano pang mga bagay na ginawa niya para sa’yo?

Bakit kaya kahit ilang ulit ka nang umikot, baguhin ang pwesto ng tulog, bumaling, dumantay sa unan, i-full blast ang electric fan, isara ang lahat ng bintana, maglagay ng eye mask, magdasal o magbasa….di ka pa rin makatulog? –Ganun ba talaga pag bagong gising?😛

Bakit kaya kung sino pa yung gustong gusto ng respeto at pinagpipilitan na karapat-dapat silang galangin at pahalagahan, sila pa itong hindi marunong gumawa ng gusto nila para sa ibang tao? Ano, dapat kayo lang? Kayo na.😛

Bakit kaya pag sinasabi mong ayaw mong gawin ang isang bagay sa pansariling dahilan na hindi katulad ng sa ibang tao, iisipin na agad ng mga ito na maarte ka at pasushal. Hindi marunong makisama. Makasarili. Agad-agad? Husgado agad, wala pang imbestigasyon?

Bakit kaya kung sino ang inaakala mong mabait, matulungin, mabuting ehemplo, simple pero rock, magaan kasama, laging masaya, tawa ng tawa, banat ng banat, umeepal pag kinakailangan, sumusulpot kahit di mo kailangan, aaliwin ka, kasama mong makalimutan ang problema, bibong-biba, okay sa olrayt…….eh pakitang tao lang pala?

Bakit kapag sinasabi ng kausap mo sa umpisa pa lang ng usapan na opinion niya lang ang mga sasabihin niya…kalaunan ng usapan, ang opinyon na ito ay nagmimistulang gabay at mabisang paraan kung paano magiging mainam na solusyon ito sa problema mo? Bakeeet?? Bakit ganun???

Bakit kapag nakakakita ako ng mag-asawa-magjowa-mag-MU-magkaIBIGAN…umiinggit mode akong maghanap na rin ng kapartner. Lalo na pag puros saya at punumpuno ng pag-ibig ang mga pinagsasabi ng mga ito. Flowers and petals. Bed of roses. Parang gusto mong bukas na bukas rin manghahablot ka na ng someone para ipartner mo sa sarili mo. Tapos, isang araw malalaman mo na lang ang mga lokohan, pambababae/panlalalake, away dito-away doon, sigawan dito-bulyaw doon, sumbatero/ra, depression, pain, lies, betrayal, heartaches, miseries…regrets. Gusto mo na ring ipagpasalamat na single ka ngayon. In times like this, magtatanong ka pa ba kung bakit ka single?🙂

Bakit kaya kapag kating-kati ang mga taong may malaman sa’yo, gagawin ang lahat (as in literally lahat-lahat-lahat) daig pa ang paparazzi, cctv, imbestigador, undercover agents -makuha lang ang mga impormasyong parang may kapalit na milyong halaga. Mapapaisip ka na lang kung bakit? Ano bang meron? Para saan ba yan? Project? Assignment? -Big deal??

Bakit kaya may mga taong kahilig mamuna ng kapintasan ng iba mailigtas lang ang sarili na siya mismo ay may mas malalang kapintasan? Bumabangka. Umeeps. Pumaprimetime bida. Nangangagaw ng dialogue at role. Sneaky, redhanded na nakukuha pang dumeny. For some reason, nakakabilib lang. Taas kamay ako sa inyo. Sa guts…..oozing confidence. But at the end of the day, may isang tanong lang ako…masaya ba? Masaya ka na ba? Bakit? (enumerate your answers.. :P)

Bakit sa bawat tagumpay ng ibang tao lalo na ng mga nasa hanay ng kinaiinisan natin, hindi natin makuhang maging masaya para sa kanila? Sa halip, mas marami pang naiisip na hindi kagandahang bagay na mas lalong nagpapatunay kung gaano ka kabitter sa nakikita mo? Bakit? May sakit ka ba?

Bakit imbes na mag-abang ka ng mga madadapa sa harap mo, hindi mo subukang tumayo. Maglakad-lakad. Smell the flowers. Love the weather. Hold the people you care about and cares for you close to your heart. Be the miracle. Smile. There’s a lot in store in this lifetime than waste your whole life trying to bring people down to the same black hole that you’re in. Labas na jan, friend. Grow up. Breakaway from the anger. Kase, sa totoo lang…nakakapagod yan. It would do you harm than good. Look around you. Konti na lang ang natitira. Cherish them.

God bless you.

3 thoughts on “Tanong lang: Bakit ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s