Sana ay ikaw na nga..

daydreaming

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang ideal someone. Ayoko talagang gawan ng listahan at baka lalong lumabas ang pagiging idealist ko. Pero, iba talaga ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa kakaulit ko sa song na You’re the Inspiration kaya na-inspire tuloy akong i-share sa inyo itong ideal someone na tingin ko…siya na nga.🙂

Mahilig siya magbasa. Ang dami niyang collection ng books. Kulang na lang maglagay na siya ng library section sa bahay nila. Dahil nga sa hilig magbasa, smart talaga. Minsan, nauubusan na ko ng topic at isasagot sa mga tanong niya. Nosebleed talaga pati terms na ginagamit. Malimit sa mga kina-raassh ko, kasama sa honor roll eh.

Ang galing niya gumawa ng love letter, kahit di na uso. Peg ko talaga. Nung hayskul, nakatanggap ako ng super kakilig love letter sa isang masugid na manliligaw na binasted ko kasi hindi siya peg ng friend+teacher namin. Pagkabasted ko pa nga saka kami naging close pero ganun lang.

Clean Living. Mahilig mag-exercise at Health conscious. Kaya siguro fit and right. Nahiya naman ang kebs ko sa mga ganyang bagay. Pero in fairness, nakakahawa ang mantra niya. We’re not getting any younger kaya galaw-galaw naman para mabawasan ang fats na tulog at ma-istroke.😛

Ang sarap niya kasama sa lakaran. Walang reklamo kahit pagod at masakit na ang paa. Goraa lang. Sama anywhere basta’t f na f niyang na-eenjoy mo ang company niya.

Daming alam. No dull moment. Lahat ng bagay pwedeng pag-usapan. Nakakaaliw. Di nakakasawa kakwentuhan kahit madalas sa hindi na walang kwenta ang pinag-uusapan. Mababaw ang kaligayahan at ang sarap asarin kasi di basta-basta napipikon. Kadalasan ikaw pa ang napipikon sabay aamuin ka. –ayieeee!!

Good listener. Kahit minsan, paulit-ulit na yung reklamo mo sa buhay, pakikinggan at bibigyan ka pa ng sensible advises on how you can deal with it. Dependable. Di mahirap kontakin. Isang message mo lang, sagot agad.

Mahilig din sa music. Nagja-jive ang interest namin sa klase ng genre niya. Halos lahat ng saved mp3’s niya, gusto kong ilipat sa HD ko dahil walang tapon.

Couch potato. Basta’t kahit ano’ng movie ang nakasalang, tatabihan ka para panoorin. Hindi pa maingay manood at kwento ng kwento kaya maiintindihan mo talaga ang pinapanood mo. Eto ang masarap kasama manood ng horror flicks kahit na mahilig manggulat bago pa yung nakakatakot na scene.😆

Sweet. Kaya kang pakiligin in simplest ways. In fairness, ito talaga ang weakness ko eh. Pag napakilig mo’ko, di na kayang itago ng pamumula ng pisngi ko ang katotohanang nagtagumpay ka. Mabuhay!

Ang galing niya magluto ha. Marami din akong bagong natutuhang lutuin kasi ang galing niya magturo. Ang sarap kaya gawing bonding ang cooking. Ka-raaashh ko na nga yata itu…

Marunong pala siyang tumugtog ng gitara. Nung hayskul, meron akong kinaka-raash, ang galing lang. Kahit ano’ng kanta, kayang tugtugin. Take note, buong kanta ha. Hindi yung puro intro lang ang alam. Ang saya ka-jamming ng ganun, mahilig pa naman akong kumanta ng kung anu-ano.

Ang favorite ko sa lahat….Yung kaya kang patigilin sa bad habits mo.

You had me at ‘Kaya kang patigilin sa bad habits mo.’ –yun yon eh.

Nakita ko na nga yata siya. Siya na yata talaga.

Kaya lang…..

Isa itong panaginip, wag n’yo akong gisingin, PLEASE LANG!🙂

5 thoughts on “Sana ay ikaw na nga..

  1. ay nakakarelate ako! ung ideal someone ko din gusto ko mhilig sa music at gitarista. hhehehe. napangiti nman ako sa post po ninyong ito. ^__^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s