Buti na lang…!

untitled

Buti na lang buhay ako.

Buti na lang kumpleto pa rin ang pamilya ko.

Buti na lang may mga kaibigan pa rin.

Buti na lang may boss na ayos!

Buti na lang may trabaho at sumusweldo.

Buti na lang sumusweldo kahit minsan wala namang gagawin.

Buti na lang may transport service.

Buti na lang malamig kahit traffic.

Buti na lang may internet at blackberry social services.😛

Buti na lang may skype at ka-skype.

Buti na lang may charger kahit walang load.

Buti na lang may nakakausap kahit wala akong kwentang kausap.

Buti na lang marami kang baong kwento.

Buti na lang napapa-hahahahaha mo ako ng madaming madami.🙂

Buti na lang mababaw lang ang kaligayahan natin.

Buti na lang may alak sa inyo.

Buti na lang nalalasing pa rin kahit puma-pass.

Buti na lang may videoke.

Buti na lang masarap kumanta kahit sintunado ang boses.

Buti na lang maraming masarap magluto.

Buti na lang may mga masarap kasabay kumain.

Buti na lang may malambing na pusang matabang tulog palagi.

Buti na lang ginising ako ni Papa J at Mama M.

Buti na lang supportive kayong lahat.

Buti na lang mahaba ang pasensya nila.

Buti na lang nakinig ako sa kanila.

Buti na lang mahal pa rin ang mahalaga.

Buti na lang may pagkakataon pa.

Buti na lang may paraan pa.

Buti na lang naghintay ako.

Buti na lang may oras pa.

Buti na lang nakakangiti pa rin kahit na masakit ang ulo at walang panadol.

Buti na lang nakapagtimpi pa si ate sa inyo.

Buti na lang di nadamay ng memory gap ang malimutan kita.

Buti na lang kahit di pa ok, o-ok pa rin.

Buti na lang nagpakilala ka ng maaga.

Buti na lang opposite attracts.

Buti na lang maraming natutunan.

Buti na lang kuntento na tayo sa ganito muna.

Buti na lang di ko na kailangang bumibo-epal para lang matanggap nila.

Buti na lang lahat ng malayo, nararating pa rin.

Buti na lang di na kailangang tumawid at lumakad ng malayo para ma-reach kita.

Buti na lang nalaman kong hanggang dito na lang.

Buti na lang…tuloy-tulooyy-tuloy pa rin….tuloy pa rin ako.🙂

4 thoughts on “Buti na lang…!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s