Ako na.

Hindi ito yung usong linya ng pamumuri pag merong something big time sa’yo, ginawa para sa’yo or may nangyaring ka-tambling-tambling na pwedeng i-award lamang sa’yo.

Ito yung Ako na as in “Ako na ang gagawa.

Shempre naman, walang ibang pwedeng umepal sa buhay ko kundi ako lang.

Katulad ng maraming kakilala kong Arian. Marami akong imbak na energy. At kadalasan sa sobrang dami nito, kung pwede lang i-share sa iba para lang makasabay sa hyperness ko, ginawa ko na. At kung nabebenta lang ito, chak milyonarya na ko.

Mahilig akong mag-Ako na. Siguro dahil sa pagiging OC at dahil ayokong iasa sa iba na magawa ang isang bagay na naaayon sa gusto ko kaya ako na lang ang gumagawa. Kahit na mapagod.

Minsan din kase, ayoko rin makaipon ng impression na pala-utos ako at nagmamando pag ginaganahan. Kase, kung pwede ko naman gawin, bakit mang-uutos pa ‘ko. (Or siguro nasanay lang akong utusan dahil bunso nga ako…)

Minsan, nagagamit ko rin yan pag naiinis na. Yung tipong, “Wag na nga! Cge na, Ako na lang!” Mga ganyan. Malamang yan nasabi n’yo na rin.

May mga tao rin kasi na hindi mo basta-basta masasabihan na di rin nila mami-misinterpret ang ginagawa mong pagtuturo ng gagawin. Mamaya masabihan ka pa ng, “Alam ko, hindi ako tanga…” Mga ganyan. Pahiyang marami ka lang nun for sure. (Or siguro dahil naka-encounter na ko ng ganyan…)

Nakakawalang gana kasi pag mataas ang expectations mo dun sa pinagawan mo tapos it turned out na di pumasa sa’yo. Uulit ka pa ba? Malamang kung sasabihin nun na next time gagalingan na niya. Ayun baka pwede pa.

Siguro nasanay lang din ako na hindi iasa sa iba ang mga gusto kong gawin (unless super comfortable ako sa tao…). Isa pa, wala naman akong bunsong kapatid para alilain. Kaya natuto akong gawin mag-isa. Naging advantage naman in fairness. Yun nga lang, nagkaron naman ako ng trust issues. Minsan, pag tingin ko lang sa tao na di kayang gawin, kahit mag-attempt, di ko na rin gagawin.

Mahirap talaga iwasan ang nakasanayan. Diba? Kaya walang pilitan.

Siguro kung meron mang nakaka live up sa expectations ko, sila yung mga maituturing kong totoong nakakakilala sa’kin. Sila lang yung pwede kong palampasin and they don’t have to try harder to please me. Pagdating sa kanila, kahit di na ko mag-Ako na, pwede ko nalang irelaks ang likod at itaas ang paa ko nang wala nang aalalahanin pa.🙂

8 thoughts on “Ako na.

  1. ako na.. ang magcocomment… nagagamit nga yang salita na yan lagi aling baby… at tama ka, kadalasan, yung gusto mo ng mangyari ay hindi nasusunod kapag hinayaan mong iba ang gumawa.. pero kailangan kasi matuto tayong magdelegate ng trabaho para hindi naman sabihin na “nanjan na si aliing baby, siya na lang ang gumawa”.. nagiging tamad ang karamihan dahil sa thinking na ganyan…

  2. ayos na boss. minsan, maiisip din nung mga tao mo na, wala kang tiwala sa kanila or selfish ka kaya angkinin mo na. dapat balance. lahat ng bagay napagaaralan natututunan. walang taong bobo. meron lang talagang nagpapakabobo.

    tiwala lang alingbaby. do\’t be selfish. share it to others para they will know din. walang masama don. And besides, kung ako yung tao mo, maiisip ko na, wala akong kwenta. walang pakinabang.

    alam ko na ako ang talo pag inisip ko yon…

    kaya alingbaby, do the right thing.
    Ika nga, its better to do the right thing than to be nice.
    turuan mo, then pag nagkamali, pagalitan mo… nagturo ka kaya dapat nilang intindihin yon.

    GIVE AND TAKE lang yan.

  3. Arian ka din ba Aling Bebs??

    Tama ka, may mga issues na kailangang isettle tulad ng trust kapag inaako mo madalas ang isang gawain… pero kasi…

    sana hindi ka mapagod, aling Bebs…😉

    1. Hi Leeyo🙂
      Proud Arian. Ikaw din noh? Feel ko nakarelate ka rin ng konti.
      Di ka naman basta mapapagod basta’t deserving ang mga tao sa paligid-ligid, diba?😉
      Salamat sa muling pagbisit.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s