Wehnonamanngayon??

Yan ang sagot ng mga taong walang pakialam sa iisipin at sasabihin ng iba, kung anuman ang gawin nila sa buhay. Sila na. Ang mga walang takot. Walang hiya. At walang pakundangan basta’t alam nilang yun ang makakapagpasaya sa kanila.

Aling Baby: Wehnonamannga…

Ok yun ah. Yung wala kang pakialam. Pero shempre naman, depende yan sa sitwasyon. Laging case by case basis ang pagiging literal na walang pakialam kase may delikadesa silang tinatawag.

Yan yung lagi kong naririnig sa mga oldies. Kahit papa’no naman, magkaron ng konti nito para bumalanse ang lahat. Pwede mo naman kasing wag pansinin ang puna ng iba habang alam mong nasa tamang level ka lang. Alam mo yan.

Wala naman kasing masasabi ang iba kung wala naman ding makikitang pwedeng pansinin.

Ang masaklap dito, lahat ng tao ay entitled to their own opinion whether it’s wrong. Yup. Wala naman kasing makakapigil dito. Kung pwede lang na lahat ng bibig awtomatikong na-zzipper lalo na pag di naman magaganda ang lalabas dito. Kaso hindi. Nasa sa’yo yan kung papatol ka. Papatulan mo. At bababa ka sa lebel nila para magkaalaman na kung sino ang mas balahura sa inyo.

In fairness, para sa akin lang…gusto kong makita rin ng mga ito ang hinahanap nila para malaman na hindi palaging Happy birthday at Happy Fiesta ang buhay. Paminsan-minsan, kailangang maturuan ng leksyon para sa susunod pailalim na silang titira.🙂

Yung tipong magbubulungan na lang pag lampas mo sa umpukan nila.

Paborito ko ang grupong ito eh. Yung masigabong nagwewentuhan sabay pagdaan mo parang may anghel na nagprusisyon at biglang nasa library na sila. Yes. At kahit na i-deny nila, halata mo talagang may koneksyon sa’yo ang pinag-uusapan dahil, hindi makatingin. Bakit? Busy talaga sa trabaho? Weh, di nga?

Meron nga kaming nakita nung weekend sa isang kainan. Yung dating housemates namin. Malalaman mong nakita ka talaga kase hindi normal na ganun ka-tutok ang mata sa kausap at parang walang nakikita. Alam mo naman siguro ang totoo sa nagpapanggap lang. Isa pa, di naman nila kailangang gawin yun kasi wala rin naman kaming balak makipaghuntahan sa kanila pagkatapos ng mga ginawa nila nung magkakasama pa kami.

Masaya rin naman yung wala kang pakialam. Lahat naman pwede talagang gawin kung ano ang gusto. Basta ang importante, wala kang inaagrabyado. Wala kang tinatapakan. Yung ganun.

At kapag di mo na keri ang mga sinasabi ng iba…maawa ka na lang. Kase, alam nating lahat na walang gamot sa mga taong insecure at inggitero/a’ng tulad nila.

Wag nang patol ng patol. 

2 thoughts on “Wehnonamanngayon??

  1. hihihi bet ko ‘to “Kung pwede lang na lahat ng bibig awtomatikong na-zzipper lalo na pag di naman magaganda ang lalabas dito”
    kaso hindi, kasi dapat matuto tayong mag-kontrol ng dila…hehehe

  2. >Gusto ko to’ yung tipo na tatawanan m0 nalang dahil alam mong walang gamot sa mga taong insecure patulan mo man parang naging kabilang ka narin sakanila..,hayss bakit nga ba walang gamot sa mga taong may ganung sakit?, ang pagiging insecure?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s