Di ko makita, pramis..

Pakiramdam ko, mas lalong lumabo na ang mata ko.

Dati kasi sa loob ng bahay, kahit di na ako magsalamin, keri ko pa rin manood or ikutin ng tingin ang buong bahay na hindi parang namalik-matang kailangan pa ng second, hard look bago masigurado kung ano talaga ang tinitingnan ko.

Kung noon, magsasalamin lang ako pag gabi na lalo na pag nasa galaan dahil kahit i-deny ko, malamang mababangga ako ng wala sa oras pag nagtapang-tapangan akong umuwi ng walang salamin. Ganun na ka-lala ang sira ng dating 20/20 vision ko.

Di na talaga katulad ng dati.

Times like this, naalala ko si Aling Merle. Ang aking nanay na si Aling Merle…na saway ng saway sa’kin habang nagbabasa ako gamit ang hiram na liwanag galing sa kusina. Akala ko, I have bionic eyes kahit na di ako kumakain ng kalabasa. At akala ko, pang habambuhay ang aking 20/20 vision kaya dinededma ko si Aling Merle sa mga saway niya.

Hindi pala.

Kaya eto, kahit ayaw ko, kailangan kong magsalamin sa loob ng bahay para mapanood ko ng malinaw ang palabas. Para mabasa ang subtitles at mabasa yung name ng artista sa last part.

Ang hirap kaya ng nakasalamin. Para sa’kin kasi, sagabal siya at nakakatanda ng itsura. Kala mo lang parang ang smart mo tingnan eh malimit nga tawagin akong titser. Haller. Buti nga titser at hindi Miss Tapia.😛 Kahit may contact lens pa, mahirap din talaga yung malabo ang mata.

Huli na nga talaga pero sana nakinig ako kay Aling Merle at sana kumakain din ako ng kalabasa.

On the brighter side…

Okay lang yung malabo ang mata basta hindi malabo kausap. ;D

4 thoughts on “Di ko makita, pramis..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s