Ako ay may alaga, Pusang mataba.

October 24, 2011 yun. Nung unang beses ko siyang makita sa yosihan area ng opisina namin. Yung alaga lang kasi nung isang boss-among Briton dito ang madalas kong makasalubong pag lalabas sa back door namin.

Kaya etong si “miming”, nung nakita ko…aba’t di na ko napakali. Kahit kase paya-payatot at balita ko pa na pinulot lang sa gigantic basurahan ng industrial area ni Alex (Briton din) ito kaya napatambay na sa labas ng opisina namin.

Eh di ayun na nga, nung subukan kong lapitan…aba’t lumapit din siya na para bang nagsasabing…”meow-ampunin mo na ko..” Si Mother Cat lang naman ang kilala kong gustong umampon sa lahat ng stray cats na makakasalubong niya sa daan kaya nga minsan may dalang cat food un. Dahil wala naman siyang malaking villa para ilagay sila lahat dun, ayun papakainin na lang niya kung sinong swerteng cat na masalubong niya sa daan. Kaya nga Mother Cat ang tawag ko sa kanya.🙂

Di naman talaga ako sobrang mahilig sa pusa. Isa pa nga ako sa umaaway sa kanila sa bubungan namin noon. Pero dahil nga kay Mother Cat, I’ve grown to love these furry creatures. And to make the adoption short, inuwi ko si “miming” sa bahay at nag-message lang ako kay Mother Cat na may napulot akong kuting kaya may makakasama na kami sa bahay. Nagulat/natuwa nga siya kasi alam niyang di nga ako ganun kahilig sa pusa.

Dahil nga sa di kami prepared na magkaron ng pusa, di tuloy namin alam kung saan siya ilalagay kaya gumawa kami ng cage gamit ang plastic hampers kasi nga baka magkulit sa loob ng bahay. To our surprise, nung ipinasok namin siya sa hamper…natulog siya na para bang isang buwan na walang tulog. Papano ba naman kasi, sa Industrial area ko siya nakuha, para bang jungle ang pinaggalingan niya kaya expected namin wild talaga siya pero ambait eh at panalo makalambing. Natawa pa nga kami sa kanya nun pagbalik namin galing supermarket (dahil bumili kami ng cat food at kitty litter, o diba excited much.), kasi sa sobrang gutom niya…tinaob niya ang isang lata ng tuna. Literal na maraming gutom talaga. Kaya ayun, pagkatapos niyang lamunin lahat…isinuka niya. LOL.

Yung name niya pala…CHEESE. Na pinag brainstorm-an pa namin dahil ayaw na nga ng common names at yung tipong madali lang tawagin lalo na pag naiinis ka na. Kaya nauwi kami sa one-syllable name na cute pa rin pakinggan kahit galit ka na. Nag-evolve na nga sa Keso, Chicheese, Booger at Skipper ang itinatawag namin sa kanya. Buti nga at alam niyang siya lang lahat yun. Hehe…

Naalala ko nga pala, kaya ayaw ko sa pusa dati ay dahil sa nakalmot ako ng malupit ng pusa namin nung bata pa ko. Kaya meron kami nun aso. Kahit naman nawala na ang phobia ko sa kalmot, nakailan din si Cheese sa’kin. Di ko na mabilang talaga…basta alam ko lang masakit. Nasanay na lang talaga ako.

Ewan ko kung mabilis lang talaga siyang lumobo o at home lang siya sobra sa amin kaya after 18 days nung nakuha ko siya sa labas ng office namin eh naging ganyan na siya kalaki.

Yung dating ingay ng TV at radyo lang sa bahay, nadagdagan ng meow at sandamukal na pananaway sa napakakulit na pusang pag nagtatago naman sa ilalim ng kama, di naman kami magkandaumayaw sa paghahanap.

Pano ka ba naman di matutuwa talaga eh pag may ganyan ka kakulit sa bahay, cguradong hayblad ang abot mo pero at the same time, nakakatuwa nga talaga lalo na pag natutulog.

May ginawa pa kaming photoshoot nyan ah..

May kaagaw na ko sa Chichiryums.

After almost 6 months, parang naihipan lang ng hanging taba at lumobo na nang tuluyan si Keso.

Our Keso. So cute and cuddly.

Pampawala ng inis at minsan nakakahayblad pa rin pero naman sobrang love talaga namin.

One thought on “Ako ay may alaga, Pusang mataba.

  1. i love Cheese! teary-eyed pa ako sa part na “natulog siya na para bang isang buwan na walang tulog. Papano ba naman kasi, sa Industrial area ko siya nakuha, para bang jungle ang pinaggalingan niya kaya expected namin wild talaga siya pero ambait eh at panalo makalambing.” grabe. i can so relate with all the cats that spent some time in my life… meron din akong ket at 4 years na siya sa akin his name is KULIMLIM… at meron siyang facebook! hahaha : http://www.facebook.com/pages/KULIMLIM/178198544933?ref=hl

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s