Aling Baby: search engine terms

Sa kadahilanang wala akong magawa sa buhay ko nitong mga nakaraang araw, halina’t silipin ang search engine terms ng aking blog na naglalanding dito kay Aling Baby kahit wala naman akong ganyang topic or entries. Ewan ko nga kung bakit. At since, wala nga akong magawa…tatry ko lang maging sagot sa mga anik-anik  na naiisip ninyong hanapan ng kasagutan.

  • Ano ang ibig sabihin pag ang butiki ay kumanta?

Butiking kumakanta? Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit ka napapakanta. Una, inlab. Pangalawa, sawi.  Pero teka,  wala pa talaga akong nakikitang butiki na kumakanta. Malamang kung makakita man ako, kundi ako mapahiyaw sa takot, baka magtatakbo akong palayo pag nagkataon.

  • Mensahe para sa mga taong plastik.

Ahhmm…sana  apoy na lang ako para kung sakaling madikit ka sa’kin, chak un…tunaw ka beybeh!!

  • Ano ang gagawin kapag nahiwa ng kutsilyo?

Malamang kung nahiwa ng blade alam mo ang solusyon noh ‘teh? Kasi sa pagkakaalam ko, iisa lang naman ang remedyo ng nahihiwa. –ahhm, ginagamot?  Try mo teh kahit late na ko nakasagot.

  • Masama ba kumain sa may higaan?

Eh wala naman masama kahit san mo gustong kumain. Yung iba nga panay kain sa labas. Basta ang alam ko kasi pag kumakain sa higaan, ayaw mamigay ng ulam. Wag kang magsolo, ishare mo naman yan.

  • Message para sa mga kaaway na ayaw akong tigilan.

Ahhmm… “Pwede ba like haller, tigilan n’yo na ko? As in? Pwede??” – ok na siguro yan teh. Try mo na.

  • Mga saying about sa mga taong hindi nakakaalala ng birthday mo.

Grabe naman, pati talaga mga hindi nakaalala ng birthday mo teh kailangan hanapan ng saying? Ganito na lang, para makabawi ka…sa birthday nila, wag mo din alalahanin. Quits na kayo nun.

  • Paborito ko ang pag uwian na.

Ayy naman…paborito ng buong mundo yang paborito mo teh, di ka nag-iisa!!

  • Ano ibig sabihin ng tiktik ng butiki sa gabi sa kwarto?

Alam mo, ang dami talagang nagtatanong nito eh. Bakit ba kasi gusto n’yong malaman kung bakit tumitiktik ang butiki? Eh talagang yun lang ang alam nilang gawin sa buong existence nila bukod sa maglakad at maghanap ng makakain na insekto along the pader and all. Bakit ba kailangan natin sila pakialaman? (haaayy, nahayblad…)

  • Walang ibang makatulong sa problema mo kundi ikaw lang.

Uy in fairness, anjan ang google. Yung mga pwedeng utangan. Drinking buddies. Shopping buddies. Ang dami naman eh, wag mo na lang solohin para di ka na maging mashadong problemado.

  • Magandang mensahe para sa kaibigan na pinag nakawan ka.

Pambihira, at nakuha mo pa talagang maghanap ng “magandang” mensahe matapos kang pagnakawan. Isa kang banal! Poon! Mabuhaaayyy!!

  • Ano ibig sabihin nang nangangati ang kilay?

Pag sa kamay kasi, magkakapera daw. Pag paa, gustong maglamyerda. Pag sa ulo, malamang kuto or balakubak. Since, magkalapit lang naman sila ng kilay, malamang may nakatawid na kuto. Chak un!

  • Pwede bang gupitan ang buhok pagkatapos irebond?

Naku teh, pwedeng-pwede. Pwede mo pa talaga ipasagad ng bob cut kung talagang di ka nanghihinayang sa pinambayad mong pang-rebond.

  • Sakit ng taong nagagalit ng walang dahilan.

Malamang sakit sa puso. Kung palagi talagang mahahayblad sa konting bagay. Naku, painumin nga ng malamig na tubig para kumalma.

  • Quotes para sa kaibigan na buntis na hindi nagpapakita.

Talagang usung-uso ang quotes eh, kahit saan talaga gustong gawan ng quotes.  Malamang teh, magpapakita yun pag nakapanganak na. Meron nga kaming kaibigan sabi niya, may tumor siya sa chan. Ayun, yung tumor niya, Grade 3 na at bibong-bibo talaga!😆

Eto naman parang fill in the blanks ang datingan. Nabitin talaga ako eh.

Kung ayaw mo pag isipan ka ng masama – – hmm…magpakabait ka parang si Santino. Ganyan.

Wag mong pilitin ang ayaw baka – – biglang pumayag hehe..

Ang tao nga naman pagkatapos mong tulungan – – di man lang makuhang mag-thank you? Hayy nga naman..

Kung nahihirapan kang – – eto talaga kakabitin much. Marami kasi talagang pwedeng idugtong dito eh. Kung nahihirapan kang huminga, may hika ka. Kung nahihirapan kang tumayo, ayy rayuma yan.  – –  sayang naman kasi di natapos, baka nag time’s up na sa internet shop.

Ano ang mabisang pangtanggal ng – – alin teh? Maraming mabisang pantanggal ng mga bagay-bagay basta’t alam natin kung ano yan.

Eto naman, mga seryoso mashado. Nanenermon much. May pinagdadaanan lang eh. Tulungan na kita teh? Mabigat ba mashado? Marami dito pwede makibuhat nyan. Buhatin na ‘yan.

Huwag mong pakialaman ang buhay ng may buhay. (Oo nga naman, mga pakelamero kayo…)

Wag pag pilitan ang sarili sa hindi ka mahal. (Pag pinilit mo, kawawa ka naman. Marami namang iba jan.)

Ganyan talaga ang tao,palaging may sasabihin at sasabihin na hindi maganda sayo. (Puro talaga hindi maganda ang napipili nilang sabihin. Hmmp, makapagsabi lang talaga eh.)

Hindi naman dapat lahat kailangan pang sabihin. ( Oo, yung iba kasi pwede ring gawin na lang. Mas makatotohanan pa ‘yun kesa sa sinasabi.)

Ayan, in fairness naaliw talaga ako palagi pag tumitingin ako ng stats. Minsan, natatawa na lang ako sabay cartwheel (pag nasa bahay lang) pag nakakabasa ako ng mga kakaibang search terms. Patunay lang talaga na maraming naliligaw sa blog ko sa paghahanap ng kung anu-ano sa web.

Pero di pa rin ako makarekober sa “Tiktik ng Butiki”, dapat talaga magkaron na ng Saligang Batas na pagbibigay ng ‘right to privacy’ ng mga butiki at hindi para palagi na lang alamin kung ano ang dahilan kung bakit nila yun ginagawa sa umaga, gabi, madaling araw, may patay, habang kumakain, habang naliligo atbp. Give them peace.😛

O, siya…weekender ko na lang yan sa inyo.

🙂

3 thoughts on “Aling Baby: search engine terms

  1. kakaaliw na blog. nag bloghop mula kay Mer.

    namiss ko ang mga araw kung saan ang lahat ay pag ba blog lang ang bisyo, alang FB at kung anik anik pa. he he😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s