Naman!!!

Nakikisabay talaga ang weder dito sa buhay pag-ibig ng mga tao – natutuyot sa sobrang ineeet! Winter, come back! Joke lang nung sinabi kong gusto ko na’ng mag-summer. Please, bumalik ka na…

Lahat na lang pinapakiusapang bumalik.

Bumalik na nga tayo sa lablyp ng mga tao dito.

Lume-level na kasi ang ratio ng mga hiwalayan sa nagkakabalikan. Teka, wala pala akong nabalitaang may nagkabalikan. Puro hiwalayan lang ang headline ngayon.

Minsan nga, kahit di ka makiuso, naiinggit ang lablyp mo at kusang nawawala sa’yo. Magic lang? –Ayaw kasi mawala sa trend.  Pero in fairness, marami pa rin namang namamayagpag na relasyon (kudos to them! – – hmm, wag makikiuso sa hiwalayan…). At shempre, meron pa ring mga nangangarir jan sa tabi-tabi at naghihintay lang ng tamang pagkakataon. (Good luck sa inyo!)

Para naman sa mga bitter at may mapapait na nakaraan…nanjan ang alak na kasimpait naman pero di sing mahal. Masasanay din ang mga lalamunan n’yo sa mapait na sitwasyon pero alam naman nating lahat na tatamis din yan ulit na parang di nakatikim ng pait.

That’s life. Parang gulong na pagkalaki-laki. Kasi pag may problema ka, feeling mo ang tagal mo sa ilalim at eksayted much ka nang mapunta sa ibabaw pero naman pag masaya ka, feeling mo rin ambilis ng phasing at biglang nasa ilalim ka na naman.

Walang katapusan ang ikot ng mundo hangga’t buhay ka. Kasama ka sa cycle whether you like it or not at weder-weder lang ang lahat ng bagay. Kaya kung masaya –magpakasaya at pag malungkot –magpakalungkot?? –hinde, magpakatatag. Yan ang tamang term d’yan.

Walang mahirap na di kayang lampasan. Walang masakit na di nalulunasan. At bottomless ang luha natin kaya wag kang mahiyang ipakita ang kahinaan paminsan-minsan. Kasama sa buhay lahat yan…kasi nga buhay ka at patuloy na matututo, magbabago, babangon (at dudurugin ang mga lumapastangan haha joke lang..)…mabubuhay kasi masarap mabuhay. Di ko pa kasi na-try mamatay pero yung pakiramdam na may parteng namatay sa katawan mo, ayuuunn pwede pa. Na-feel ko na yun at masakit pala.

Isipin mo na lang na may magandang mangyayari bukas. Pawang magagandang bagay lang (wag naman ung OA kasi baka mabaliw ka naman…ibang kaso na naman yan. Yung steady lang.), wag na isipin ang tapos na, para ano pa? Makakadagdag lang yun sa mabigat na batong nakadagan sa’yo. Actually, ikaw talaga ang nagdagan ng bato na ‘yan eh, naghahanap ka lang ng audience para ipakita mong “Ayan ang batong nakadagan sa’kin, ambigat diba? Di na kaya ako makahinga…” –pero ayaw mo naman alisin. Ikaw na ang mag-alis, cge na, wag ka na mahiya…para makahinga ka na ulit. At wag mong kakalimutang magsmile.🙂 ayan ganyan…

Sabi nga ni Kuya Gary V. “Kay tagal mo mang mawala, babalik ka rin. Babaliiiiikk—-at babalik ka rin ka riiiiiiinnn!!!” – Sabihin mo yan sa saya’ng nawala sa’yo at sa isip mong nagpasyang mamashal muna. Pag napagod yan, babalik din yan ulit kung san talaga siya nararapat.

Aja!!

4 thoughts on “Naman!!!

  1. babalik babalik ka rinnnnnn hahaha

    hay nako… ewan ko ba ate trend talaga sows!!
    pero good thing may choice tayo mamili kung ano ang mas nakakabuti saten ang mag mukmuk o mag pakasaya kase dami pa daw fish in the sea… ang problema lang hindi naman fish hinahanap ko … lalake ! lalakeng matino ! haha dalang dala eh…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s