Sayang naman diba?

May nag-share sa akin ng isyung pang magkakaibigan. Ito yung kwentong naipasa na mula sa mismong kasali sa isyu. Ayokong husgahan kung may dagdag o bawas ba sa mga sinabi nito or at some point ba ay may in-exagge siyang statement.

Una kasi, parang kwento lang eh……na nauwi sa katotohanang meron pala siyang pinapanigan. At sa kalaunan, pati yung kabilang kampo, ayaw din pala niya.

Yun pala, ‘Siya ang tama. Mali silang lahat.’ Hehehe…

Mga kwentong parang ganito:

Inis na inis daw yung isa sa kaibigan niya, kesyo wala daw konsiderasyon. Yung inis na nauwi na sa galit kasi yung mga nakikinig sa kanya, sige naman sa pagdagdag ng ilang di naman importanteng detalye para lang ma-justify ni ate’ng naiinis na tama talagang kainisan yung taong yun dahil sa isanlibo’t isang dahilan na hindi na dapat pang isinasali sa usapan.

How unfair…

Kasi sa kabila ng lahat ng mabuting ipinakita mo at haba ng pinagsamahan n’yo…sa isang di maiayos na sitwasyon, maglalaho na lahat ito at ang makikita na lang, yung puro hindi magandang (dati naman hindi big deal sa inyo..) pag-uugali na na-highlight na ngayon sa usap-usapan.

Parang antique display na matapos mong pag-ingatan dahil sa tagal at sa sentimental value nito sa’yo, eh itatapon mo na lang kasi yung nagbigay nito –kaaway mo na. Ganun lang yun.

Kasabay ng pagtatapon ang angst at rage na, “Hindi ko panghihinayangan ang isang katulad mo…” watta line, parang gumagawa ng eksena sa teleserye.

Parang walang pinagsamahan.

Parang hindi naging matalik na magkaibigan.

Sabi nila, ang mga tao at bagay sa buhay natin, dumarating at nawawala rin. Wag naman sana natin gawing literal.

Na itatapon na lang basta kasi sira na at ayaw nang ayusin.

Kasi luma na, marami namang bago d’yan.

Kasi hindi na nito masakyan ang trip mo ngayon.

Kasi marami nang pagbabago at kasama na rito ang bagong set of friends. (First in, first out…tsk-tsk!)

Wala lang.

Sayang lang kasi.

Nakakahinayang naman talaga kasi ang isang bagay lalo na kung makikita mo ang halaga nito pagkatapos ng kaguluhan. Dun ka lang mapapasabi na, “Sana pala di na lang umabot sa ganito…” -Pero, para saan pa? Nailabas na ang galit. Tinalikuran mo na at napamukha na hanggang dun na lang ang lahat. End of story.

Pero gusto ko ring makita yung kabilang panig.

Yung panig na talagang nakipagsabayan sa galit at inis.

Yung panig na naging mahina na rin sa ngalan ng Pride at Ego.

Yung panig na nagpaagos na lang dahil sa rason na…“Yun na ang karapat-dapat sa sitwasyon.”

Mas saludo ako sa mga panig na naniniwala pa ring, magiging maayos ang lahat. Ang panig na kahit kating-kati na rin manumbat at makipag-contest ng galit ay pilit na nagtimpi. Sa kadalihanang, ayaw nitong masira ang isang magandang pinagsamahan ng dahil sa di pagkakaunawaan.

Pwede namang maayos ang lahat sa mabuting usapan. Di naman kailangang pairalin lagi ang pride, galit, inis, inggit, at kung anu-anong bagay pa na pwedeng ikasira nito.

Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, maiintindihan tayo ng mga tinatawag nating ‘malapit na kaibigan’ -kasi di sila perpekto at dahil hindi rin sa lahat ng pagkakataon, mapapalampas nila ang mga maling nakikita nila sa’yo. Kaya nga magkaibigan kayo eh. Kasama talaga yan.

Kung lagi na lang natin paiiralin ang mga ito sa buhay natin, ilang samahan pa ang masasayang? Marami ka bang pambili ng kaibigan? (hehe..)

Ang alam ko kasi, ang mga tunay na kaibigan ay di nabibili ng pera. At pag tunay kang kaibigan, di ka agad susuko at basta na lang tatanggapin na hanggang dun na lang ang pinagsamahan n’yo. Tandaan n’yo, nung mga panahon na walang ibang nakakaintindi sa inyo, sila ang nandun. Hindi umalis at nanatili dahil kilala niya ang totoong ikaw. Sana ganun ka rin.

Masarap pa rin sa pakiramdam na magkakasama pa rin kayo sa kabila ng lahat. Hanggang sa pagtanda, magkaanak, magkaapo. Kayo-kayo pa rin.  Bilib ako sa mga ganitong samahan. Yung literal na walang iwanan. At kung may mga pangyayari man na nakapagtest ng tibay na ito, sa huli, sila-sila pa rin ang nagkita sa Finals!

Minsan mas maganda talaga na ang isyu na ganyan, sa inyo na lang at wag na sana makalabas sa ibang tao lalo na sa mga di kasali at nakikisali. Pag nahaluan na kasi ng iba, lalo lang gumugulo imbes na umayos.  Para mo na rin kasing sinasabi na ayaw mo na makipag-ayos kapag isinali mo ang iba. Shempre, madali lang para sa kanila ang umopinyon dahil di sila ang involved pero ikaw, alam mo naman sa sarili mo ang puno’t dulo at sigurado akong alam mo ang solusyon, ayaw mo lang gawin kasi naiinis ka.

Diba?

One thought on “Sayang naman diba?

  1. 2-way nga raw yan ika nga nila… nth-way kung marami-rami…

    saludo din ako sa mga taong marunong magtimpi. Yung pilit pa ring tumitingin sa mabubuting bagay na nagawa ng isang kaibigan.

    at sumasangayon ako sa huling paragraph mo aling bebs!! totoo!

    maayos na confrontation ang kailangan jan para magkalinawan. kaya lang mahirap din kasi magsabe, may mga ugali rin kasi ang tao pagdating sa mga ganyan. madalas sa minsan ayaw na nilang magpaliwanag dun sa taong meron silang issue, pero napapaliwanag nila sa mga hindi kasali at nakikisali…

    sana lang maayos😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s