Bida-bidahan…

Sa lahat ng pinaka ayoko ay yung taong nagmamagaling at nagmamarunong sa problema ng iba.

Simple lang naman yan eh at isang linya lang ang nababagay sa inyo…

“Mind your own business.”

Kung sa tingin mo, nakakatulong ng malaki ang pakikisali at panggagatong, sige pakitingnan maigi kung saang parte ka nakatulong at sabihin mo sa’kin dahil hindi pa ganun ka-labo ang mata ko para hindi makita ang nangyayari.

Isa pa, it was never your ass that’s on the line to begin with, kaya wag kang manguna para linisin ang pangalan mo dahil HINDI KA NAMAN KASALI.

Diba? Ang linaw naman.

Kung gusto mo lang lumabas na concern, maghanap ka ng mga kapus palad sa kalsada at yun ang tulungan mo, yun talaga ang mga dapat tinutulungan at hindi ang panghihimasok sa buhay at desisyon ng iba dahil pakiramdam mo alam na alam mo ang tama. Kasi kung ganun pala, pwede bang pakialaman ko na rin ang buhay mo? -kaso, hindi ako ikaw at wala akong panahon para unahin ang ibang tao sa dami ng isyu na dinagdag mo.

Paano nga ba natin malalaman kung hanggang saan lang tayo dapat manghimasok sa buhay ng mga malalapit sa’tin? Sukatan ba ito ng pagiging isang mabuting kaibigan? At bakit kailangang hayaan na masira ng tuluyan ang isang marupok na sitwasyon sa mga bagay at sariling opinyon na hindi naman makakatulong? Aware nga ba tayo sa damage na nagagawa ng mga ito? Hindi ba’t mas mabuting imbes na kuru-kuro mo ang iprisinta eh sabihin mo na lang na, ‘mas magandang pag-usapan n’yo na lang..’ ?

Kung ang goal natin ay pumagitna sa dalawang malapit na taong sangkot sa isyu, isa lang naman ang dapat at tama eh…ANG MANAHIMIK.

Bakit? Kasi kung ayaw mong lumala, just zip ur mouth and don’t say anything. Uulitin ko pa ba na dahil hindi ka naman kasali?? Uulitin ko rin ba na dahil hindi ikaw ang bida at walang premyo sa pakikialam o pagiging ‘concern’ nga na sinasabi mo. Kung nanghihinayang ka sa isang samahan, sana maisip mong role ng dalawang taong involve ang i-save yon at hindi iyo. Pwede kang makinig at sumuporta but never do what you think is right kasi hindi pare-pareho ang sitwasyon. At yung alam mong solusyon? -Yan ang nagpapalala ng sitwasyon.

Ikaw ang nagpalala ng problema.

Ikaw lang ang kilala kong pumapagitna na lumalabas na nakikisawsaw lang.

Ano ba ang gusto mong palabasin?

Bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin ang sarili mong buhay?

Kolektor ka ba ng problema?

Di ka ba nakakatulog sa gabi sa pag-iisip ng panibagong paraan para manggulo ‘maayos’ ng problema ng iba?

Hindi ako makikiusap sa’yo para tigilan mo na ang ginagawa mong pakikialam. Ayokong panghimasukan ang buhay mo. -Sana lang sa oras na maging maayos na ang lahat, meron ka pang lakas ng loob para humarap sa akin. Dahil hindi ito magiging ganun kadali para sa’kin na tanggapin ang lahat ng nagawa mo.

5 thoughts on “Bida-bidahan…

  1. Anong meron aling baby? Chillax lang. All is well. Kung nangilam yung taong yon, siguro may reasons. Maybe he/she is so concern sayo to the point na nasisobrahan na siguro. Naniniwala rin kasi ako na lahat may purpose. Siguro nagawa lang nya yon kasi, yon ang alam nyang tama though totoo naman na iba ang situation. A basta. Wag kang magalit sa taong yon kasi for sure may reason yon. And if you want to clear something to her/him just tell it nlng sa kanya. Malay mo mali yung pagkakainterpret mo sa kanya at di naman talaga yun yong issue nya for you. Diba? It just happened na yun ang nangyari. Labo ba? Basta. I’m sure kaya ganon yung TAO sayo kasi isa kang naging IMPORTANTE sa kanya. 100%agree to that! Kaya smile ka na ate. Shensya na feeling close lang ako. Sabi mo lasi close close naman tau e. kaya bongga ang komento ko. Haha! Tahan na. MAHAL ka non!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s