Wala lang, salamat lang.. :)

Ni-review ng BFF ko ang entries ko for the past months. Sabi lang naman niya, punumpuno daw ng angst ang posts ko.

Puro angst ba talaga?

Aminado naman ako na mas madalas sa hindi na ito ang nagiging outlet ko kapag merong mga pangyayari na hindi ko na kayang patambayin lang sa isip ko. Nangangati ang kamay ko na isigaw sa pagsusulat kung ano ang mga gusto kong sabihin.

Pasensya naman kung ganun.

Minsan kailangan naman talaga natin ng outlet para hindi maging stress at worst, sakit sa puso ang pagkikimkim ng mga bagay-bagay. Huli ko na rin kasi narirealize na marami pala ang napapadaan at napapatambay para magbasa ng entries ko. Huli na talaga yun eh, pagkapindot ko ng publish.😆

Minsan din mashadong seryoso lang talaga si Aling Baby. Sumasanib kasi ang mga matatanda sa utak niya. At sa tindi mag-isip, kung anu-ano ang nasasabi na sa tingin ko naman, maraming tao ang nakakarelate. Yun naman kasi ang totoo diba? Alam nyo yan.

Kahit ako, pag binabalikan ko yung ibang entries ko, pakiramdam ko talaga ibang tao ang nagsulat nun eh. Kapag kasi nakalabas na ang idea at napost ko na, nawawala na rin sa isip ko na sa’kin pala lahat nanggaling ang mga sinulat ko. Lalo na nga at bihira na lang ako dalawin ng ideas.

At sa mga nakakakilala sa’kin na nag-iisip kung para ba sa kanila ang iilan sa mga sinulat ko…di siguro. Pero kung tinamaan kayo at talagang mapilit, o sige kayo na nga un (kahit hindi..), alam nyo naman na madali lang ako kausap. Bigay-hilig lang. Basta kung saan kayo magiging masaya.

Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga masugid kong mambabasa. Yung mga matiyagang mag-comment at bumati. Kung hindi man ako nakakasagot sa inyo, gusto ko lang ipaalam na sobrang naappreciate ko ang effort para sumilip kung may update na ako. Kayo ang dahilan kung bakit sa kabila ng kabisihan ko nitong mga nakaraang lingo eh pinipilit ko pa rin mag-update. Shempre naman.🙂

At kung totoo nga na punumpuno ng angst ang mga sinusulat ko, pwede naman kayo mag-iwan ng comments at suggestions hehe…

-Pwede yun, close-close naman tau eh.

2 thoughts on “Wala lang, salamat lang.. :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s