Panood na lang..

Kung meron man akong gustong ulitin sa buhay ko, ito yung….yung ano…yung…wala pala.

Marami sa atin ang naghahangad na balikan at ibahin ang naging takbo ng buhay natin dahil sa iilang pagkakamali na nagawa, maling desisyon…malamang kung ano lang yung mali at mga bagay na hindi mo gustong nangyari. Yung mga ok, wag na. Ok na yun eh.

Pero ako, ayokong baguhin. No regrets.

May mga nangyayari kasi sa buhay ng tao na sadyang nakalaan para maging daan para marating yung tinatawag nilang destination. Kasama ang mga nangyaring ito sa buhay natin para mas makita ito. Yun lang ang napansin ko.

Kadalasan kasi sinisisi natin ang mga nangyari. Kinukwestyon natin ang mga ito dahil ito ang dahilan kung bakit hindi nangyari ang mga gusto natin. Kung bakit naiba ang takbo ng buhay.

Kapag napupunta naman tayo sa isang sitwasyon, binibigyan tayo ng choice. Alam ko, bago naman ginagawa ang isang bagay, kahit pa sabihin natin minsan na bara-bara lang tayo kung gumawa ng desisyon, kahit papano, iniisip pa rin natin kung ano ang kalalabasan nito. Ang choice para sumugod sa malinaw na talong laban at ang choice na gawin ang tama para sa mas nakararami, nasa sa atin ang mga ito. Kalaunan naman kasi, mas lamang talaga ang pansariling kapakanan. Ang dayalog ng bayan….

Kung saan ako magiging masaya.

Ang totoo, hindi lahat ng makapagpapasaya sa tin, ito ang tama.

Mas madalas na ito yung maling-maling-mali na sinasabi ng mga tao.

Ito yung choice na hindi nila pinapipili sa’yo kasi kahit jan ka masaya, hindi naman ito makakabuti sa’yo at sa mas nakararami.

Eh kaso, buhay mo…kaya magaling na magaling ang pakiramdam mo na kayo mo ito. Bahala na kung ano ang mangyayari.

So, pag napatunayan mong mali talaga…pupunta ka na sa sulok at iiyak at magsisisi at sasabihin mo sa sarili mo na kung pwede ka lang bumalik para baguhin ito, gagawin mo?

Mali lang.

Nagiging mali lang ang isang bagay pag hindi mo ito kayang panindigan. Kase pag sumuko ka, para mo na ring sinabi sa kanilang lahat na tama sila at mali ka. Yun lang yun.

Kahit kailan, hindi naging madali ang gumawa ng desisyon. Dahil minsan kahit alam mong tama ang gagawin mo, meron pa ring duda sa pinakasulok ng isip mo na may mas maganda pang paraan at solusyon. Pero para mag-effort ka na mag-antay at umasa na darating ito sa lalong madaling panahon, parang di ka na yata makakahintay. Gagawin mo na lang at bahala na kung ano ang mangyayari, basta’t kakayanin mo na lang lahat.

Tayo ang may hawak ng buhay natin at ang bawat desisyon na gagawin, tayo rin ang siyang makakatamo nito, wala nang iba. (unless mangdamay ka ng sibilyan..) Hindi naman kailangang laging eksayted sa pagdesisyon. Minsan, nakakatulong din yung pagslowdown. Sandali lang. Take a breath. Wala namang bombang sasabog pag di ka nagawa agad ng desisyon. Buhay mo lang naman ang pinag-uusapan dito. Buhay mo. Yun lang.

Kaya ako, kung mabibigyan ng pagkakataon na bumalik para may baguhin…babalik ako para manood na lang. Alam ko, marami akong nagawang kapalpakan dati. Gusto ko siyang mapanood at makita kung paano nag-iba ang mga sumunod na paraan ng pagdedesisyon ko pagkatapos ng mga nangyari.

5 thoughts on “Panood na lang..

  1. happy new year muna tapos gusto kong sabihin na sa pagkakabasa ko nito, naisip ko rin na pareho tayo. kung pwedeng bumalik para may baguhin, mas pipiliin ko na lang din manood. gusto kong makita kung gaano yung na improve sa pagiging immature ko noon na (lagi pa ring meron ngayon)saka yung inconsistency ko paminsan minsan.

    all in all, hindi naman ganun kasaklap ang buhay.

    magandang araw,aling baby!

  2. “Kadalasan kasi sinisisi natin ang mga nangyari. Kinukwestyon natin ang mga ito dahil ito ang dahilan kung bakit hindi nangyari ang mga gusto natin. Kung bakit naiba ang takbo ng buhay.”

    nagustuhan ko ho ‘yan. pati na rin ‘to. “Nagiging mali lang ang isang bagay pag hindi mo ito kayang panindigan. Kase pag sumuko ka, para mo na ring sinabi sa kanilang lahat na tama sila at mali ka.”

    ah, it happens. dumarating ho sa point na pakiramdam mo, nauubos ka.kailangan munang huminto para magpahinga at mag-recharge. perokanyo nga, don’t you quit, ahaha. ^^

    happy weekend. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s