Nag-iisip ng title..

I have a thing with making decisions in a snap. –OA?

Di mo ko pwedeng tanungin kung saan ko gustong kumain lalo na pag marami akong iniisip, pagod at tinatamad. At minsan, kahit nasa mood, ayokong ako ang decision maker sa kakainan. Mas gusto kong sila ang pumili at saka ko sasabihin kung okay ba sa’kin o hindi. –Spoiled brat?

Matagal ako mag-isip at nakakasagabal sa pag-iisip ang pangungulit at pagmamadali sa resulta ng iniisip ko. Kadalasan, nauuwi sa pagkabadtrip at worst, argumento.

Tipikal na babae. Mahirap ispilengin. Nakakaubos ng pasensya.

Kung yung nag-aantay, naasar na. Pareho lang kami.

Mahilig kasi mag-multitask ng isip ko. Di pa nga nangyayari, iniisip na. Dahil matagal ang proseso, nape-pending tuloy dahil sa mga nauna nang iniisip. Ang siste, walang natatapos, lahat nakasalang lang.

Minsan para lang matapos na ang usapan, aayon na lang ako. Goraaa kahit 50-50 lang ang rate na binigay ko dito. Ang galing no?

Napakahirap kasi umoo sa isang bagay na alam mong di ka sigurado. (Pagdating sa mga hebigats na sitwasyon..) Ilang beses na kasi na-test ang abilidad ko sa paggawa ng mga palpak na desisyon na nauuwi sa mas malaking problema. –Nag-enjoy ako sobra. Sa sobrang saya, sabi ko sa sarili ko, “di na ko uulit, bwisit!”

Naranasan ko na sumugal, sumuot sa butas ng karayom, gawing posible ang mga imposible, kumain ng apoy, tumulay sa alambre, gawing carpet ang bubog, etc.etc. –in short, maging tao.

In fairness, it’s worth the experience. Ang sarap malagay sa alanganin at ang pakiramdam na aligaga ka sa kahahanap ng solusyon, priceless.

Mga bagay na pinag-iisipan kong mabuti kung gagawin ko ulit.

Dahil sa mga bagay na yan, kaya siguro ultimo sa pagpili ng kakainan, gusto kong isipin ng maigi. What more sa mas kumplikadong bagay?

Sino ba naman kasi ang may gusto na nag-iisip? At yung nag-iisip ng mga hindi na dapat isipin? At yung di pa nga nangyayari, iniisip na? –shempre, ayaw ko pero wala akong magawa. Nature ko na yata ang ganitong bagay kasi when you deal with things in a more mature manner, you’ll realize that life is too short to do stupid things.oh yes.

Nakakapagod kaya ang mag-isip.

Ayaw mo na nga, ayaw pa rin huminto. Kaya namimiss ko yung panahon na baon lang at assignment ang iniisip ko. Totoo pala talaga na darating ka sa puntong hihilingin mo na sana bata ka na lang poreber para ganun lang kababaw ang kaligayahan mo. Di ka obligadong gumawa ng magparticipate sa hebigats na isyu. Basta’t mag-aral ka lang ng mabuti at wag maging rason ng kunsumisyon. Ok na.

At dahil nandito na ‘ko, I just have to make the most out of it.

So many things to think about, so little time.

Kaya nga hobby na ang tawag ko dito para naman di mashadong nega ang dating. Ang sarap kaya mag-isip, nakakapraning nga minsan, pero masarap, brainstorming much. Nae-exercise ang brain cells, in fact may muscles at abs na sila. Buti pa sila.

🙂

May-akda: Aling Baby

Hindi bagay, hindi hayop...parang tao lang. :)

4 na mga thought (isipan) sa “Nag-iisip ng title..”

  1. Natawa naman ako don sa multi-tasking ng pag-iisip mo. Sa totoo lang yan din ang ngyayari sa akin ngayon e. ang dami-daming iniisip, minsan tuliro na ako kung alin ang dapat unahin..di ba ganyan ang mga babae? Minsan di pa ngyari planado na sa utak natin.. lalo na’t pag malapit na ang sweldo ni mister.. hehehe..

    Like

  2. Minsan sa sobrang pag-iisip ko, dumating sa puntong pati techniques sa larong tetris ng facebook naiisip ko! Hehehe. Mahilig din akong magisip ng bagay-bagay.

    Like

Mag-iwan ng puna