Utang na loob: Ang utang na mahirap bayaran.

Ang utang na tatatak sa isip mo habambuhay at kung susubukan mong kalimutan…mahiya ka naman.

Sabi nila, mahirap magkaron ng utang na loob lalong-lalo na’t ito ang malimit banggitin sa pagitan ng alitan o di pagkakaunawaan –kahit na sagad hanggang langit ang pasasalamat, ilang ulit ka namang nagpakita ng kabutihan o tumulong dito kahit sa maliit na paraan, sadyang parang hollow block na masakit pag ibinabatong pabalik na para bang nire-referesh ang memory mo dahil baka nakakalimot ka.

Eto yung mga linya na nagsisimula sa, “Baka nakakalimutan mong ako ang tumulong sa’yo nung- – –“ …and so on and so forth.

Diba? Wala ka na lang masasabi dahil alam mo ang mga sumunod na nangyari. Siya nga naman talaga, walang duda. Siya nga. Pero para ka lang tinatanggalan ng karapatang magkaroon ng angst sa taong yun. Lalo na’t may dahilan naman. Nagmimistulang siya ang Off lotion at ikaw ang lamok. May pangontra.

Oo nga naman, may point siya.

Nandun ka na. Di ka naman nakakalimot. Hindi lang talaga konektado yung isyu noon sa ngayon. Diba ulit? Isyu yon kung di ka nagpasalamat. Isyu yon kung nawala ka nung siya naman ang nangangailangan. (Malaking isyu yun panigurado.) Paminsan-minsan, ikaw naman ang may point sa usapan, pwede naman siguro yon.

Ang mga utang na loob na kung may katumbas lang na halaga, malamang walang mahirap na tao.

Pero, diba’t mas magandang isipin na sa bawat tulong na kaya mong ibigay, may kabutihang babalik sa’yo? Yung fact lang na meron kang pantulong kahit na gipit ka rin ay isang patunay na blessed ka pa rin kumpara sa ibang tao. Di naman dapat gawing requirement ang ibalik ito sa’yo katumbas ng ibinigay mo (di lang pera ang usapan dito ah..) kasi sa totoo lang, ang bukal sa loob na pagtulong, may blessing na kapalit –doble at triple pa ng di inaasahan.

Di ba’t ang sarap sa pakiramdam nun?

Sa buhay natin, di miminsan na hindi tayo natulungan ng mga taong, yung hindi mo inaasahang makakatulong ng malaki sa mga malilit na pangarap mo. Kaya bilang pagtanaw, pwede mo naman ibalik ito sa pamamagitan ng pagtulong din sa iba na nangangailangan. Parang konek-konek na yan. Spread the love, ika nga.

Kaya kung ikaw yung tipo na tutulong nga pero marami namang sasabihin pagkatapos, salamat na lang. Minsan, pag nagbiro ang tadhana, kapag ikaw naman ang nangailangan…yung mismong taong di mo natulungan, siya pa ang mangunguna para magpaabot ng tulong at minsan, gagawa pa ng paraan –dahil alam niya ang pakiramdam nung siya ang nasa kalagayan na ito.

🙂

12 thoughts on “Utang na loob: Ang utang na mahirap bayaran.

  1. tama .

    Dapat ang pagtulong ng isang tao taos sa puso para hindi siya mageexpect ng kahit n anong kpalit kahit “thank you”.

    At para sa taong natulungan wag sana natin silang kalimutan dahil sila ang mga taong minsan ay nagabot ng kamay para saatin ay umalalay🙂

  2. Salamat at nag-post naren si aling baby. Nyahaha!
    Natutunan ko dyan ay, tama lang na lumingon sa pinanggalingan para makarating sa paroroonan pero minsan nakakalimutan naten na, tingin lang — hindi TITIG. Hakhak. wala lang. =)

    1. wag naman. do the right thing paren. wag makiayon sa takbo ng mundo. ano pang difference mo sa iba kung pati ikaw ay makikigaya naren sa kung anong takbo nila? di ba wala? so do the best way — be a giver. =)

  3. Isa yan sa problema ng mga filipino.. karamihan ay umaasa ng kapalit sa ginagawa nilang tulong.. Hindi sapat ang appreciation lang at salamat.. Kung tutuusin malaking bagay na ang pagpapasalamat.. Kung maaalala ka sa tinulong mo, salamat pero kung wala, ok lang din yun. Ang pagtulong kasi ginagawa dahil gusto mo.. Iba ang “Utang” sa “Tulong”.. ang utang ang dapat bayaran.. ang tulong, dapat pasalamatan.. Ang Oligarkiya parang ganyan.. Ang tutulungan sila, tapos sisingilin.. Ok lang kung pauutangin sila at sisingilin.. TOTOO NA MAHIRAP BAYARAN ang utang na loob, hindi mo kasi alam na may utang ka na pala na akala mo ay tulong lang nila sayo. Nice post Aling Baby.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s