Pag tapos na. Tapos na.

Tulad ng nakararami, guilty rin ako sa paghuhukay ng mga naaagnas nang isyu para ipagpilitan na meron pa itong kaugnayan sa kasalukuyan.

Bakit nga ba? Bakit ba kailangan pang ibangon ang matagal nang patay kahit na wala na itong kinalaman sa nangyayari ngayon?

Dahil ba sa namimiss ko sila para balikan isa-isa na parang journey down to memory lane? Ang kaibahan nga lang, habang hinihimay ko isa-isa, bumabalik din sa alaala ko yung galit at inis na naramdaman ko nung mga panahon na ‘yon.

Ako lang ang talo sa paghuhukay na ginawa ko.

Imbes na isyu lang ngayon ang ayusin, nasama pa yung noon…ayan tuloy, lalo pang lumala.

Kadalasan talaga, ikaw na nagawan ng mali ang malimit mag-ungkat ng mga naaagnas na nakaraan. Shempre, ikaw na. Ikaw na ang di nakagawa ng mali. Pero di nga ba ikaw na rin ang nagsabing ok na? Pero sa tuwing magtatalo naman e yun ang laging una sa listahan. Diba? Bakit kaya di mo na lang hiwalayan ng tuluyan para makalimutan mo na nga ng tuluyan?

Naniniwala naman ako sa “Forgive but never forget” – ako yan eh. Akong-ako yan. Yan ang nakasulat sa noo ko mula nang malaman ko na yan ang makakapagpatahimik sa isip ko. At katulad ng isang linya sa kanta na, “Let’s not bring the past up, anymore…” Diba ganyan naman talaga dapat ang gawin?

Pag tapos na. Tapos na.

Di naman literal na ibig sabihin ng Forgive but never forget e ipaalala mo sa kanya once in a while para di niya makalimutan. Believe me, hinding-hinding-hinding-hindi niya yon makakalimutan at para ipaalala mo pa…yun naman ang mali mo.

Ang pagkakamali na ‘yon, di na kailangan pang imemorize. Kasi pag ibinalik mo sa kanya, para mo na ring kinalabit ang baril…yon nga lang, sa’yo nakatutok. Buhay ka pa? Imbes na maging maayos, ikaw na rin mismo ang gumulo.

Rumarason ka ba na baka kasi isipin niya na nakalimutan mo na ang nangyari at naka-move on ka na sa sakit na naramdaman mo sa ginawa niya? Yun ba?

Shempre hindi niya yon nakakalimutan. Alam niya yon. At alam niyang kapag nagkamali siya ulit kahit sadya o hindi o napagbintangan lang – – ibabalik mo ang nakaraan ng buompuso para ipamukha mo sa kanya. DIBA?

Madali sabihin, mahirap gawin. –pero pwedeng subukan.

Sabi nga nila, pag mahal mo, tatanggapin mo ang imperfections nito kahit ano pa yan. Papatawarin mo pag nagkamali. May iba’t-ibang rason kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay sa mundo. At kung di mo kayang mawala sa’yo ang taong ito, maiintindihan mo. Iintindihin mo kasi gusto mo siyang manatili na kasama mo. Sa buhay mo. Pero kung sa tuwinang kapag nagkakamali siya e parang nanonood siya ng re-runs sa kakadetalye mo sa nangyari, may iba pang paraan. Alam mo na kung ano yon. Ayoko nang ulitin pa.

Nasa atin pa rin ang huling desisyon. Pero sana wag natin i-trial and error ang feelings ng ibang tao. Di naman porket siya ang nagkamali, ok lang na sabihan siya ng hindi rin magagandang bagay dahil sa nagawa niya. Tulad mo, nasaktan din siya sa nangyari. Kaya nga sana, pag tapos na. wag nang ungkatin. Wag na ibalik. Lalo na kung humingi na ng tawad at pipiliting maitama ang mga maling nagawa. Magandang simula na ito para sa lahat.

7 thoughts on “Pag tapos na. Tapos na.

  1. tama! after mourning to your heart’s content, you should get on with life. You cannot mourn forever. Hindi ka pedeng umiyak araw-araw, at maging malungkot, magsisi habang panahon. Gawin mo yan, itodo mo na, at pagkatapos ituloy mo ang buhay.

    ‘Wag mo parin kalimutan ang nakaraan pero wag mo ng balikan kase maraming tao ang hindi maligaya sa buhay dahil lagi nilang hinuhukay ang mga kasalanan, ang mga kalansay, ang mga bungo ng kahapon. Hindi nila malimut-limutan. Kaya they live in the shadows of the past.

    Kaya “MOVE-ON.”

  2. Tama ka jan lablab! Paxok sa banga ang iyong sinabi rin..for me its a mayyer of choice talaga whether, u still keep dwelling on the wrong things u have committed/or keep on criticizing to that person…maigsi lang ang buhay para sayangin sa ganitong bagay…move on and let ur one feet move forward.;-)

  3. ‘Wag mo parin kalimutan ang nakaraan pero wag mo ng balikan kase maraming tao ang hindi maligaya sa buhay dahil lagi nilang hinuhukay ang mga kasalanan, ang mga kalansay, ang mga bungo ng kahapon. Hindi nila malimut-limutan. Kaya they live in the shadows of the past.
    +1

  4. ..parang yong sasabihin mo, “sige pinapatawad na kita, pero di ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo”. Ngek! e ano ang use ng forgiveness na ibibigay mo kung palagi mong uulit-ulitn ang kasalanan nya sa iyo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s