Dati yon, nung tanga pa ako.

Kung merong mga tao na walang kadala-dala at ang mga bagay-bagay sa buhay nila ay paulit-ulit na lang…

Meron pa ring iba na sukdulan naman ang pagsisisi sa mga nagawa at kung nakakamatay nga lang ang mga ito, malamang duguan na at nakahandusay ang siyang sinisisi nito sa nangyari.

Di tayo powerful enough to undo what has been done. Nanjan na ‘yan eh, nangyari na. Nahulog na ang porkchop at kinain na ni bantay kaya wala ka nang magagawa kundi tumayo at maghanap ng tirang ulam sa ref o di kaya, magluto ka na lang ulit. Ganun talaga e. Yon ang mas maganda kesa maglitanya at manisi at worst, sisihin ang sarili sa nangyari.

Minsan nalilito na ko. Sabi nila, “di maiiwasan kasi aksidente nga. Di mo kontrolado. “Tapos yung iba naman, ipapaalala sa’yo na “walang aksidente kasi nakatakda itong mangyari.

Ano ba talaga?

Sino ba ang tama na mas dapat paniwalaan?

Di mo ba pwedeng isagot na…”tanga lang kasi ako dati.

Lahat naman tayo naging tanga at patuloy na nagiging tanga sa iba’t-ibang rason. Rational man o hindi. Eeee di mo naman pwedeng husgahan ang dahilan ng ibang tao kung bakit nila ginagawa ang isang bagay, sa isang simpleng dahilan na kunwari ako at ikaw…”Hindi ako ikaw. At hindi pareho ang pinagdadaanan natin.

Kung sa tingin natin katangahan ang patuloy na hindi pakikinig nito sa mga payo na tumigil na at tigilan na. – Baka hindi rin. Malamang, di pa siya ready o di kaya, baka may natitira pa. That little piece of hope we hold on to.

At hindi ito katangahan.

Pag di nakinig at sumunod, tanga na agad?

Porket di tumulad sa paraang ginawa mo dati, ayun…tanga na siya?

Teka, sure ka na alam mo ang eksaktong lagay mo sa kaparehong sitwasyon nung mga panahon na ‘yon? Malamang hindi kasi tulad ng karamihan, lunud na lunod ka rin nun at sarado ang isip at pandinig dahil sa katangahan na tinatawag mo ngayon.

Lahat tayo, may mga nakaraan na di kagandahan. At kahit siguro magdeny ka pa o pilitin na burahin ito sa alala…wala ka na magagawa kasi nagawa mo na. At mas di katanggap-tanggap kung patuloy ka pa rin. Yon, ikaw na. Ikaw na’ng bahala sa konsensya mo.

Di mo naman dapat ikahiya na minsan nadapa ka or nadulas sa maputik at masukal na daan ng buhay (napalalim yata ako mashado). Isa pa, wala namang nag-aabang kung kelan at saan ka madadapa dahil lahat ng tao abala sa sarili nilang eksena sa buhay pwera na nga lang kung merong nakaabat talaga sa mga ganitong moment ng buhay mo.

Kawawa naman sila kase, walang exciting sa buhay nila kaya’t nakiki-moment na lang sa moment mo.

Sa isang banda, magandang bagay na rin ang mga ganitong pangyayari, para sa susunod nasa sa’yo na kung nadala ka na o uulit ka pa. Nasa pinagkatandaan lang ang mga bagay-bagay sa mundo at di mo pwedeng irason palagi na “tao ka lang kaya ka nagkakamali.” –dahil sa oras na naulit, hindi na ito Katangahan…KAGUSTUHAN na ang tawag dito.

Kaya nga ba pagkatapos mong madaanan ang masalimuot at masukal na maputik na daan ng buhay, matatawa ka na lang pag naaalala mo ito at ang pag-iisip na wala na yatang katapusan.

Ngayon, sa pagitan ng mga biruan ninyong magkakaibigan, pwede ka nang sumagot ng – -“Dati yon, nung tanga pa’ko.”😆

Natuto ka, yon lang naman ang importante dun at kung nakatulong man ang mga ito para maging maingat sa paggawa ng desisyon…mas maganda. -di naman lahat ng bad experience e dumadating para lang pasamain ang loob mo, kadalasan blessing in disguise ito para ma-divert ang pag-iisip mo sa mga bagay na wala namang ganong halaga para isipin. Gusto lang Niya na makita mo ang mas karapat-dapat na tingnan.

Yun nga lang, panahon din ang kailangan para makita mo ang lahat ng mas malinaw, na may siguradong sagot sa mas maayos at naka-move on na Ikaw.🙂

5 thoughts on “Dati yon, nung tanga pa ako.

  1. ang sarap nitong sabihin especially when we find the wisdom not to fall again on any same situation na ‘kinadapaan’ natin dati. we can say it proud and tall lalo na kung naiwan natin yung mga hinanakit, nakapag patawad na tayo, nakapagpatuloy at natuto na.

    ”Yun nga lang, panahon din ang kailangan para makita mo ang lahat ng mas malinaw, na may siguradong sagot sa mas maayos at naka-move on na Ikaw. ”

    …and life will unfold what it has to offer para sa mga pipili na magpatuloy.

  2. yeah. you’re right at sa aking palagay.. pinapatamaan mo ko ha. =)
    salamat for this post. You’ve opened my mind.
    Anyways, kung sakaling magkakilala man tayo o hindi. Salamat naren sayo.
    Dami mong pinaalala saken na makakatulong para maka-move-on sa mga kaBOBOhan na ginawa ko noon. =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s