Padalos-dalos

Padalos-dalos.

May sinabi at ginawa ka na naman na hindi mo muna pinag-isipan.

Ilang beses na yan. Di ka pa rin natututo. Wala ka talagang pinagkatandaan. Palagi mo na lang dinadahilan na hindi mo sinasadya at wala kang intensyon na makasakit. Sasabihin mo hindi mo na uulitin pero kahapon lang ginawa mo na naman. Anuverr?

Narinig ko na yan. Ilang beses na. Yung iba jan, galing din sa’kin kasi nagagawa ko rin yan paminsan-minsan.😛

Diba’t ang payo nga ng mga matatanda, bago ka gumawa ng isang bagay…pag-isipan muna ito ng pitong beses bago mo gawin? Siguro pito para sa kahuli-hulihan, magpasya ka na lang na wag nang gawin lalo na’t kung di naman ito karapat-dapat gawin at kung may sama ka man ng loob, sapat na ang pitong beses para humupa na ang galit.

Ang hirap kasi minsan, diba? Na pagtimpian ang mga masasamang elementao na naninira ng araw at may mga pagkakataon din na parang gusto mong hamunin ang consequence para malaman kung gaano ka talaga ka-astig. Pero para sa iba, umamin na lang sana na likas lang talagang pasaway sa buhay.

Sa mga ganitong kaso, na di ka talaga maawat sa padalos-dalos na gawain…sa’yo na ang linyang: “Nasa huli ang pagsisisi, my friend.” Nasa huli talaga at pag minalas-malas ka pa, wala ka na ring magagawa para makabawi kasi nanjan na ‘yan at tapos na.

Ano, sasabihin mo na naman na hindi ka na uulit? I-record na lang natin ang mga linya na ‘yan para di ka na mahirapang ulitin ng ulitin na parang sirang plaka. Nakakarindi na minsan.

Hihintayin mo pa bang mapagod na ang mga tao sa pag-iintindi sa’yo at dumayalog na lang ng,”Sige, buhay mo naman yan. Bahala ka na. Bahala ka na sa buhay mo.” – -tsk tsk! Wag naman.

May pag-asa pa naman siguro. Kung gusto mo mabago ang isang bagay sa buhay mo, wag ka maghintay ng signs at umasa sa fate na darating ito. Diba’t mas kapani-paniwala kung gagawin mo. GAGAWA KA NG PARAAN kasi alam mo na ang mga susunod na mangyayari. Parang palabas lang na ilang ulit mo nang napanood….DI KA BA NAGSASAWA? Sa ilang beses na pinagsisihan mo yung mga nagawa mo, kung nung pangatlo inayos mo na di sana wala nang nasayang na panahon at di na umabot sa pagwalkout ng mga importanteng tao sa buhay mo.

Sa totoong buhay, ang mga nakakasakit na salita at gawa…masakit talaga at hindi yun basta-basta naaalis ng “sorry..” at porket di yun naaalis ng sorry eh di mo na rin gagawin. Naturalmente, magsorry ka naman kahit papano, makakabawas din yun sa sintensya mo.

Hindi ba’t ang pinakatotoong paghingi ng tawad ay yung makita mo naman na willing ito na magbago? At TOTOONG HINDI NA UULIT? Mas kapani-paniwala yun kesa magmukhang kawawa habang nagsosorry at kulang na lang lumuhod at umiyak para wagas na wagas na talaga ang akting.

8 thoughts on “Padalos-dalos

    1. Oo naman, alam ko na lahat ng tao ganyan ang ginagawa, including me. Kaya nga sinasabi ko na may paraan para baguhin at hindi lang palaging kailangan mo humingi ng tawad dahil hindi mo sinasadya. Hindi ko na kailangang tandaan yan dahil alam ko na yan. Salamat.

  1. Everything happened too fast in matter of days. How should I have known that everything was pointing at me. I was clueless you know. And Yes, that was me, a simple person. Only a nobody.

  2. in some counts, guilty rin ako. may mga desisyon kasi na hindi ko rin nakikita yung kakalabasan o di kaya naman, ginawa ko without weighing the risk. minsan naman kasi, may timeline para sa isang desisyon, yung tipong nasa anyo siya ng opportunity na later on, disaster pala.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s