Ikaw na.

May mga tao talaga na mahirap maintindihan. Kung susubukan lang sana nilang tingnan ang kabuuan ng isang sitwasyon at hindi lang ang sarili nila, baka sakaling makita nila na hindi lahat ng pagkakataon, sila ang dehado.

Na kapag hindi kapareho ng pananaw nila ang mga tao sa paligid nila eh ibig sabihin na agad, kalaban ito.

Hindi lahat ng tao na gustong lumapit at magtanong, gusto lang makichismis sa buhay mo. Meron pa ring iba na willing umintindi at magbigay ng oras para makinig at ipakita na hindi sila kasama sa mga tinutukoy mong makakagulo lalo sa magulo na ngang sitwasyon.

Hindi ka palaging tama at hindi lahat ng alam mong tama ay TAMA.

Minsan subukan mong makinig….nang hindi mo iniisip na dinedehado ka. Makinig ka para alamin ang ibang side ng istorya. Baka magulat ka sa mga bagay na hindi mo nalalaman. Baka sakaling malaman mo na hindi lang pala ikaw ang naging dehado. Baka pareho pala kayo.

Wala namang masama kung pagbibigyan natin ang mga bagay na maging maayos sa paraan na alam ng lahat, PANAHON. Pero sana rin maisip natin na mashadong maikli ang buhay para sayangin lang sa mga walang kwentang bagay katulad ng PRIDE at EGO.

Wala namang madali sa buhay na ‘to. Lahat ng bagay kailangan mong paghirapan. Pero kung paiiralin natin sa mga sarili na mas importante ang galit kesa sa pagpapahalaga sa mga taong pilit umiintindi, siguro nga dapat na rin silang mag-isip-isip.

Hindi palaging ikaw ang dapat intindihin.

Hindi palaging yung nararamdaman mo ang dapat binibigyan ng halaga.

Dapat marunong ka ring umintindi.

Dapat alam mo yan.

8 thoughts on “Ikaw na.

  1. I preferred people na marunong makinig… parang bihira na rin kasing makakita ng ganung tao now. Madalas puro gusto magsalita at magkwento din….

  2. minsan, kapag bad mood tayo at nasa gitna ng kayraming problema, akala natin pandagdag sakit ng ulo lang yung ibang pumapalibot sa atin. minsan pala, sila yung makakatulong. nagtatamang-hinala tayo minsan sa mga intensiyon bago pa man natin masubukan ang layunin nila.

    guilty ako minsan sa ganyang attitude.dahil sa post na ito, pag iisipan ko kung anu pang pwedeng luto ang gawin ko sa aking pride at ego😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s