Fwends for life..

Katulad ng ibang normal na tao, may mga kaibigan din naman ako. Hindi nga lang siya umaabot ng thousand o hundred thousand.

Naalala ko tuloy yung biruan namin noon ng isang friend ko, na ang bilang lang ng tunay na kaibigan ko eh kung sino lang ang umabot sa yakap ko. Pag lumampas ka, sorry na lang. (hehe..)

Kung merong pihikan sa jowa, meron ding pihikan sa kaibigan – – at ako na yata yun. Sabihin nang suplada-mataray-maldita na nga pero namimili talaga ako ng kaibigan. Mashadong importante ang mga oras para masayang lang sa hindi naman worth it na samahan. Sasakit lang ang ilang sensitive na parte ng katawan (tulad ng ulo, utak at dibdib) para isipin pa ang mga bagay-bagay na dapat sana ay nagagamit sa pag-eenjoy.

Sabihin na lang natin na meron na rin kasing ilang hindi magagandang pangyayari noon at panaka-nakang hanggang ngayon na nagsilbing leksyon para sa akin na matuto at mag-ingat. Ganun naman yata talaga pag na-trial and error ka ng pagkakataon. No regrets na lang at lessons learned. Tapos next time, maging wise na at wag na rin basta-basta magtitiwala para wala nang marami pang isyu.

Eh shempre, pag friend kita hindi naman yung parang nanalo ka sa lotto sa sobrang swerte mo. Partly yes😆 – – pag may problem, anytime…pwede mo ako kausapin, BASTA wag lang MATH please.  Seriously, pag wala naman akong importanteng ginagawa tulad na lang ng pag nasa opisina ako diba? Ngayon pa na can be reach na ko anytime (hehe..). Or pag gusto mo lang na may makausap kasi minsan may mga instances na gusto mo lang may makinig. Game ako dun. Pag gusto mo rin ng sermon, ayy, yan ang mga type kong gawin. Basta kaya ko, game ako d’yan. Isang “Hi!” lang, alam ko na pag merong something. Lalo na pag malalapit na kaibigan. Alam ko na.

Isa pang benefit ng pagiging friend ko ay ang pagiging tolerating ko. As in. Wag lang shempre yung mapapahamak ka o kaya yung super below the belt, sapok abot mo sa’kin.😆 Basta, kahit ano’ng gusto mong gawin, gawin mo. Sigee..Okay lang yan. Gooow!! Oopinyunan ko lang muna pero go-go pa rin ako. Para sa’kin kase, papano mo matututunan ang mga bagay-bagay kung di mo muna susubukan diba? Kaya pag palpak ka, at least alam mo na. Next time pag gusto mo umulit, ire-refresh ko lang yung memory mo sa mga nangyari, tingnan ko lang kung umulit ka pa. Sasamahan kita sa trip mo (sasama lang, indi sasali), dito lang ako basta masaya ka, okay  na sa’kin yon.

Yun nga lang…pag inatake na ko ng katamaran lalo na sa mga lakaran, inuman at party to the max…wala ka talaga magagawa. Parang automatic shutdown, di pwede i-restart. Dumedepende talaga sa mood. Malaking factor. Kaya nga pihikan sa kaibigan ee, kasi yang mga bagay na yan ang di ko na kailangang i-explain kasi kilala na nila ako.

Ang mga kaibigan ko?

Merong muntik nang mawala. Merong naging weder-weder. Merong nawala at nagbalik. Merong pasilip-silip. Merong updated. Merong di nawala. Merong bagong dating. Merong laging nanjan. Merong imbisibol pero kapag ni-buzz or ni-ping mo, andun lang pala. Sila ang mga pinakatotoong kaibigan sa buong mundo. Alam nyo na kung sino-sino kayo.

Kahit di ko madalas sabihin…. Love na love ko kayo! Promise! At sobrang blessed ako dahil nanjan pa rin kayong lahat kahit na may topak man ako o wala. You all knew me inside out, upside down…always here thru whatever.  A true blessing from God.

“My sisters and brothers from another mother.”

Friends for life.

– – LoveLoveLove.

“True friendship isn’t being inseparable, it’s being separated and nothing changes.”

12 thoughts on “Fwends for life..

      1. aling bebs… ^-^

        istragel si panda leeyo ngayon… ang hirap pala ng stage kung saan pipiliin mo kung tatanda ka na at iiwan mo yung “kabataan” mo… o mananatili na lang ^-^

        pero fulfilling naman ang pakiramdam kapag naovercome ko itechiwa😀

  1. sa pagbabago ng panahon, social network na rin ang definition ng friendship. pero mas masarap pa rin yung mga kaibigang inches away lang lagi.

    lucky are your friends, aling baby!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s