Wag kang maingay…galit ako!

Likas na sa’kin ang pagiging tahimik.

Sanay na ‘ko sa mga first impression na suplada, mataray at isnabera.

Nagkukulit din naman ako, lalo na pag malalapit na kaibigan ang kasama ko.

Pero para sa isang normal na tahimik at minsan, walang pakialam na tulad ko…pag nagalit – – tahimik pa rin. Di naman ako nagwawala o nag-eeskandalo (depende sa approach…), nagbabasag o nambubulahaw ng mga sibilyan. Yung paraan na alam ko…Deadly, ika nga.

Madalas ako pagsabihan na minsan naman magsalita or magreak kapag nagagalit. Ginagawa ko naman yon lalo na pag di ko na rin kayang tumahimik na lang. Pero para sa ikabubuti ng marami, mas pinipili ko na lang ang pananahimik.

Sabi nga, bad for the health daw pag hindi mo nailalabas ang galit. Nagiging cancer cells daw pag tagal. Lahat naman tayo dadating sa katapusan, una-unahan lang ‘yan. (hehe..)

Depende rin kasi kung sino ang involve sa sitwasyon at kung gaano kabigat ang dahilan. Hindi naman natin kontrolado ang magalit pero kaya naman nating kontrolin ang pagsasalita ng hindi maganda. Kasi hangga’t maaari, maiisip mo na maaayos pa rin ito. Pero, kung mas pipiliin mong pairalin ang pagiging emotional at sasamahan pa ng cursing at panunumbat…most likely you’re already burning bridges…thinking na there’s nothing to lose. No turning back. Gini-give up mo na ang relationship mo sa kanya bilang kaibigan or something intimate than that.

Kapag galit ka kasi, magulo na yan eh. Lahat ng lalabas sa bibig natin, yun ang totoong nararamdaman natin. Sarado na ang isip at wala nang naririnig. Ang goal  natin, malaman ng taong yun ang lahat-lahat, bahala na kung makasakit at kung sobra na, at minsan out of the topic na ang mga nasasabi. Galit ka eh.

Yun lang.

Depende pa rin sa tao kung pano i-handle ang galit.

  • May mga tao kasing ayaw makipag-diskusyunan.
  • Merong war freak, sugod agad parang wala nang bukas.
  • Meron ding nagpapalipas ng galit, saka makikipag-usap pag kumalma na.
  • Meron namang tumatahimik na lang at hindi na nakikipag-usap. Ayaw na ng explanation. Ayaw na makipag-ayos at tuluyan na lang kumakalas sa sitwasyon. Mga ganyan.

Wala namang taong nagagalit ng walang dahilan. Ke mababaw man ito o minsan wala sa lugar, dahilan pa rin ito. Magkakaiba tayo ng opinyon sa lahat ng bagay at may pagkakataong di magtutugma ang mga ito. Kung sa palagay mo, ang paraan para maiayos ito ay sa pamamagitan ng pakikipagsabayan ng galit, go ahead. Mag-party na ng galit.

Kung gusto mo pang makipag-ayos, make the first move. Wala namang mawawala lalo na kung importante sa inyo ang relasyon n’yo.

Pero kung ayaw mo na. Well, di na kita pipilitin. Desisyon mo na yan at sigurado naman ako na bago ka nagdecide na yan ang piliin, pinag-isipan mo na yan ng mabuti. Pero kung mababago pa ang isip mo, meron pa ring pagkakataon.

Forgive but never forget.

14 thoughts on “Wag kang maingay…galit ako!

  1. Ako yung nagwawala pag galit, tapos magsisi after na lumipas yung rush hour ng galit ko. Kaya minsan gusto ko ding ipractice kung paano maging kalmado pag galit, para hindi ko masaktan yung mga tao sa paligid ko, kaso mahirap, saka na pag di ako tinatamad. Hehehe.

  2. tama its a matter on how to get upset and mad..ibat ibang level lang naman yan eh..may mild..sweet and extreme..for me after na magalit ka siguro mas maigi to vent out all the burden mahirap din kase pag kinikimkim..ayt..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s