Ramadan 2011

Ano pa ba ang mas nakakarelaks pa sa 6 hrs work/day for a month?

Ang much awaited season naming mga ofw sa middle east. Para sa mga sinuwerteng mabigyan ng ganitong work sked during this season, eh parang award na nga for being good this year (parang xmas gift).

Ang konti naman kasi ng holidays dito di tulad sa Pinas na every month yata may declared holiday at isama mo pa pag nagkaron ng bagyo.
Wala namang rainy season dito at kung umulan man, ang mga tao dito parang first time makakita ng ulan, super mega tatawagin ang lahat para silipin. Pag minalas at lumakas ng konti, ung isang state lang ang lumalangoy sa baha. Dedma lang sa Dubai, keribels kasi di naman binabaha.

Di naman ito ranting much about holidays. Minsan lang talaga pag sobra nang nakakapagod sa work, hahanapin ng sistema mo ang mga araw na gusto mong humiga at manood the whole day at i-declare ang mga araw na yun as ‘Tamad Day.’ Diba?

Kaya aside from a handful of holidays a year, the next best thing? Annual Leave. Ang precious 30 days na well-planned talaga pagpasok pa lang ng taon.

Going back to Ramadan season…

Shempre naman, di ito freebie na pwede mong i-enjoy to the max. As we all know, this is their Holy Week-like na meron tayo as Catholics. They have to fast from 4am to 6pm, para kang kukunan ng dugo…nothing by mouth talaga as in, everyday for the whole month tapos makakakain ka lang during Iftar (sunset). At shempre, as our share of respect, is to follow. Oo, kung gusto mong mamahinga sa kulungan hanggang matapos ang Ramadan pag nahuli ka in public between 4am to 6pm na umiinom or kumakain. Pwede naman kumain basta lang yung hindi nila makikita. Di rin pwede ang loud music, may liquor ban at bawal ang partying. Un lang naman, pero makakauwi ka naman ng maaga. Ok na rin kesa wala.

Bukod sa extra hours after work para makapagpahinga at makagala, pagkakataon na rin ito spend quality time with loved ones naks! Yun yon eh. Kaya nga well-planned na rin ang activities for the whole month. Nakakaexcite lang. Isama mo pa ang Eid na 3 days after Ramadan, super busy month talaga pambawas na rin sa mahabang paghihintay ko sa aking much awaited Pinas vacation.🙂 (Dun ako mas excited!)

Ramadan Mubarak!!

4 thoughts on “Ramadan 2011

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s