Paalam…

Isa na siguro sa pinakamahalagang bagay nagawa ko ay ang mabuo ang blog na ito. Nagsimula lang sa lokohan ng barkada at bunga ng mga walang magawa kapag walang pasok. Dito madalas nauuwi ang ilang pangyayari kahapon at nung isang araw lalo na pag may katatawanang nangyari at mga events na indi pwedeng palampasin.

Mula sa umpisa hanggang sa matapos. Naghiwalay. Nakabuo ng bagong samahan. Nalipat kung saan-saan. Hanggang sa muling pagkikita.

Mula sa kalokohan na naging makabuluhan.

Meron palang seryosong side si Aling Baby. Malalim pala siya at minsan nasosobrahan na sa pag-iisip at paghihimay-himay ng buhay. Bagay na indi niya alam na meron siya. Isang malaking tulong ang pagkakaroon ng lugar kung saan pwede mong ibahagi ang konting nalalaman at pasasalamat sa iilang sumabay at umalalay para ipagpatuloy ang nasimulan.

At sa pagkakataong ito, sa pagsasara ng ikatlong taon ni Aling Baby sa mundo ng wordpress…

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nakibasa, nakibahagi ng nalalaman, at mga walang sawang sumusuporta.

Magsasara na po ang Tindahan ni Aling Baby.

Babalik siguro ako sa ibang pagkakataon at siguradong ia-update ko kayo kung makakabalik man ulit at kung saan mapapadpad.

Maraming, maraming, maraming Salamat po sa inyong lahat!!!

 

7 thoughts on “Paalam…

  1. awww… seriously Aling Baby, isa pa naman ang blog mo sa mga may sense na blog, blog na may aral ika nga!
    Hintayin namin ang pagbabalik mo… sabi nga nila a blogger will always be a blogger.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s