Kaya mo ‘yan…

Kapag may isang taong malapit sa’yo na may pinagdadaanan, minsan maiisip mong itulong ay ang rumelyebo para sa kanya nang makapahinga naman.

Kung pwede lang sana.

Kaso minsan, may sarili ka ring problema na kailangang harapin kaya kahit na gusto mong makatulong, indi mo rin maibibigay ang sandaang porshento ng makakaya mo para ayusin ito.

May mga problema kasing indi natutumbasan ng halaga. Tipong kung marami ka lang pera…solb na agad ang problema. Kasi kung ganun ito kahalaga, bakit may mga taong maraming pera na indi pa rin masaya?

Minsan mas gusto mo nang isipin na pera na lang sana ang laging problema, kasi may paraan naman. May makukunan. Pwedeng pagtrabahu-han. Pwedeng may hiraman. Mas ok na yon kasi calculator lang ang katulong mo mag-isip.

Eh pano na lang kung bigat ng loob ang problema? Yung dinadala ng isip. Yung rason ng ilang gabing may LQ kayo ni antok. Yung bigat na makakapagpatulala sa’yo sa kawalan.

Yan ang mahirap kalaban.

Kung minsan, kahit lumalaban ka naman, parang wala pa ring saysay. Walang natatapos. Parang lalo pang nadadagdagan.

Kung totoo ang sabi nila na hayaan mo lang ito at lilipas din, bakit hanggang ngayon puyat ka pa rin?

Kung totoo rin na kailangan mo itong harapin, bakit may bigat pa rin?

Habang umaasa ka na darating ang araw na babalik din sa normal ang buhay mo, lalo pa itong nag-oovertime at nananadya.

Gustung-gusto mo nang kumawala.

Gustung-gusto mo na mag-move on.

Gustung-gusto mo nang ibalik ang dating ikaw pero puro lang ito paasa.

Kailan ba natatapos ang ganitong yugto sa buhay mo? Minsan, nirereklamo mo nang pagod ka na pero ayaw mo naman huminto. May parte sa’yo na gusto pang lumaban habang may iba na umaayaw na. Kelan ba sila magkakaisa ng gusto para buong-buo na ang pananahimik ng isip mo?

Kailan ba nila matatanggap na isinuko mo na ang laban mo?

Sapat na ba ang desisyon na umayaw na ang isip mo para sumunod na ang ibang parte ng katawan mo para sumang-ayon dito? O minsan, dinadahilan mo lang ito para matakpan ang totoong rason kung bakit ayaw mo pa rin huminto.

Sabi nga nila, ang pag-move on ay indi lang basta ginagawa dahil kailangan. Ginagawa ito dahil sa wakas alam mo na handa ka nang simulan ito and there’s no turning back. Kaya mo na at wala nang pwedeng maging rason para balikan. Kailangan mo nang ituloy ang buhay kase matagal ka nang natengga. Kailangan mo nang ituloy ang byahe nang wala ito. Bagong simula at mas matibay na.

Pero kahit pa. Mahirap talaga kalaban ang indi nakikita lalo pa’t alam na alam nito kung saan ka pinakamahina. Kung kaya mo lang siya sapakin o di kaya ipabugbog. Yun nga eh, bugbog sarado ka na’t lahat, di pa rin matapos-tapos. Parang gusto nito kunin pati ang natitira mo pang pag-asa na magiging maayos na ang lahat. Parang wala nang katapusan.

Sa pagkakataong tulad nito, lagi ka na lang napapatanong kung kelan ba ang last episode. “Please lang tamaaa naaahh!!” – – yan ganyan. Minsan din, di sapat yung umaayaw. Kapag naintindihan mo na ang mga bagay-bagay at natanggap na ang kasunod nito ay ang ilang sakripisyo na bumitiw sa mga bagay na pilit gustong isama sa pag-move on. Kasi katulad ng ilang palabas na natatapos, ito rin ang kailangang mangyari para sa wakas, maging ok na ang lahat.

 

2 thoughts on “Kaya mo ‘yan…

  1. … minsan maraming nagsasabi na madali lang mag move on.. pero tama yung sinabi mo na no turning back pag nagsimula na kasi yun na yung first step.. pero paano kung hinahabol ka pa rin ng kahapon… dapat sigurong gawin magpakatatag at harapin yun problema at tanggapin sa sarili na tapos na talaga.. at yun ang pinaka mahirap dun yun pagtanggap dyan tayo ng kakatalo talo sa pag tanggap kasi hindi lahat ng bagay madaling tanggapin lalo na at binuhos mo ang lahat mo dito.. hay nako nako…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s