Haaayy…Kuya.

Hindi ko alam kung sadyang mabilis lang ako mainis nitong mga nakaraang araw o makulit lang talaga ang mga tao sa paligid ko.

Pakiramdam ko kasi araw-araw nagle-level up ang kulit nila. Nakakainis!

Tao lang ako at aminadong maiksi ang pasensya sa mga ganyan. At sa abot ng makakaya ko, pinipilit kong pahabain na mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel ang pasensya ko.

Kayo nang lumugar sa posisyon ko.

Umaga palang boses na ni Kuya ang naririnig ko. Indi pa ‘ko nakakaupo at nakakabukas ng PC, kasunod ko na siya para sirain pagandahin ang umaga ko.

Kung susumahin ko lang kung ilang beses siyang tumatawag sa’kin sa isang araw, para na akong call center agent at siya ang nag-iisang kostumer ko. (jusko naman talaga…)

Ayoko talaga mainis.

At ayoko rin na magsimula at matapos ang araw ko na nangangarap ng iba’t-ibang paraan para lang ma-zip ko ang bibig niya sa kakasalita.

Pag naiisip ko siya…

Gusto ko na basagin ang eardrums ko habang nagsasalita siya.

I-unplug ko ang telepono.

Magpanggap na bulag.

Mag-isip ng masasayang bagay pag nakikipag-usap ako sa kanya.

Isipin ko kaya birthday nia araw-araw para ma-exempt siya sa listahan ko.

Bigyan ko kaya ng Leave Application, baka siya ang stressed sa trabaho.

Kagabi lang iniisip ko kung ano kaya ang pwedeng maging rason para mainis ng sobra….ayan na nga. INIS TO THE MAX – – all in one day.

Ang saya.

Sa sobrang saya, gusto ko na manigaw. Magbasag.

Nakaka stress pala lalo pag naiinis. Promise.

Sana tumigil na siya.

Kasi ang sakit na ng ulo ko.

6 thoughts on “Haaayy…Kuya.

  1. aling baby, (off topic mo to ha.)

    gusto ko lang itanong kung naalala mo pa ako…ako yung dating nagkoment sayo 2 yirs back ..nung halos kakarating ko lang dito sa UAE at naging suki mo akong tagabasa sa pabasa mo dito sa internet…sabi ko sa iyo noon, gagawa rin ako ng blog ko, ayan nakagawa nga ako at may 2 yirs na rin pala ang nakakalipas noon…

    pero sa hindi sinasadyang pagkakataon malamang, naubos ko ulit ang naipon mong pasensya…hehe..sori…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s