Wish’

Panlimang beses ko na pala na-selebreyt ang kaarawan ko sa lupain na ito. Ang tagal na pala. At kay bilis ng panahon. Katumbas yata ng limang taon na ‘yon ay doble sa dami ng nangyari sa buhay ko. Para bang sampung taon bigla ang nadagdag sa edad ko.

Indi pa naman ako ganun katanda at oo, ngayon ang eksaktong araw ng kaarawan ko. (Alam ko, indi nyo naman tinanong…sinabi ko lang naman din hehe…)

Sabi ng ni friendship ko, ‘signs of aging’ na daw ang pagsasalita ko ng kung anu-anu tungkol sa buhay. May point naman siya. In fairness soooobrang tagal na rin nung huli naming nakita ang sarili na kinikilig na agad batok palang ni crush ang nakikita. Kung gaano pa kababaw ang kaligayahan at ang mga topic, kumpara ngayon…gigantic. Parang nakaka-haller lang.

Ayun nga. Limang taon. Nasabi ko na ba sa inyo na hate ko ang math? Ayun, kaya ayokong magbilang. Pero kahit ayoko…heto ang mga kalendaryo na ang nagsasabi. Isama mo pa ang pagmamadali ng paglaki ng mga pamangkin ko. Tapos eto, si friend at inuulit-ulit pa talaga sa’kin kagabi habang sinasalubong ang alas dose ng gabi.

Marami na akong naging wish nung nagbirthday ako. Ewan ko ba, pero indi ko na matandaan kung natupad ba ang mga ito o signs na rin ng aging na sadyang indi ko na matandaan talaga kung anu-anu ang mga ito. (Ako: Biglang napaisip ng malalim…)

Ano ba ang madalas na hiling natin? Most of the time naman yung kung ano ang pinaka-pinaka-tu da maks na gusto natin makuha at that same moment. Yung bagay na mahalaga sa’yo (shempre naman..), maging bagay ba ‘yan, tao, or something na may koneksyon sa career at future. Lahat na yata yun naging wish ko na. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na, ‘itong espesyal na araw na ito…meron kang isang hiling na pwedeng matupad. Isang beses sa isang taon…not bad diba?

Pero itong taon na ito, mas excited ako sa wish ko. Indi ko alam kung signs of aging pa rin tulad ng sinabi ni friend sa akin.

Marami akong naiisip, shempre naman pero para sa akin sa ngayon, isa lang pinakaimportante sa buhay ko.

Sina Mama at Papa.

Na sana bigyan pa sila ng mas mahaba at masayang buhay, maayos na kalusugan at sana…sa abot ng makakaya ko, na matupad yung hiling nila kung anuman ‘yon.

Salamat Kuya Jesas, Papa God at Mama Mary sa isa na namang taon sa buhay ko at sa mga blessing. Biyayang Love. Biyayang Pamilya. Biyayang kaibigan. Biyaya na trabaho at maayos na kalusugan. Thanks much talaga.

Looking forward to another fruitful year. Mas marami pang challenges ang malampasan at matutunan.

9 thoughts on “Wish’

  1. Hi Aling Baby! Ako birthday ko ngayon. Masaya ako kasi feeling ko ang sikat ko. Hehehe. Andaming greeters. =) Belated happy birthday sa iyo! =)

  2. Happy belated birthday Aling Baby! Yung birthday mo eh araw din ng pagbabalik ko sa blogging. Hehehe! At nakakatuwa…. pareho na naman tayo ng theme! Parang tanda ko pa, magkapareho din yung unang theme na ginamit natin nung nagsisimula pa lang ako sa WP.😆

    Babalik ulit ako dito. Bisi-bisita muna ako sa katropa sa blogosphere🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s